Kaylee's POV
"Hey! Pakawalan mo na ako."
"No. You stay here. Don't you dare escape of else." Banta niya sa malamig na boses at iniwan akong nakanganga.
Napapadyak ako sa inis. "Ano bang ginawa mo, Haylee? Pati ako nadamay sa kalokohang ginawa mo. Si Caleb pa talaga ang nakabangga mo!" Yes, kilala ko siya dahil isa sa mga sikat na businessman ang taong 'yon. Napaisip ako bigla. Ano bang ginawa ni Haylee at sinasabi ni Caleb na pinatay niya daw ang family nito? Paanong magagawa ni Haylee ang pumatay ng tao? Ang dami niya talagang kalokohang ginagawa tapos sa huli naman ako ang sumasalo ng lahat ng gulo niya!
Paano kaya kung sabihin kong hindi ako si Haylee? Kaylee sinabi mo na nga, hindi naman naniwala diba? Pero NO! Kahit naiinis ako sa kapatid ko hindi ko siya pwedeng ipahamak. Kailangan ko na muna siguro magpanggap na si Haylee para malaman kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari dahil ang alam ko lang ay dinukot ako at pinapunta dito sa bahay na 'to na pag-aari pala ni Caleb Logan.
-Flashback-
"Ohh, they say in this world nothing last forever~" Sumasabay ako sa kanta habang kumekembot-kembot pa at nakapikit ang mga mata dahil feel na feel ko ang pagkanta.
"But I don't believe its tru--"
*tok tok*
"Kaaga-aga sino tong nang-gagambala?!" Inis kong sambit habang papalabas ng kusina at dumiretso sa pintuan ng apartment para buksan.
"Bakit? Sino kayo?" Kinakabahan kong tanong dahil ang daming naka men in black.
"Sumama ka samin." Sabi ng parang leader ng men in black!
"B-akit? Anong kailangan niyo sakin?" Natataranta ko nang tanong dahil sa sinabi nito!
"Wag ng maraming tanong! Sige kunin siya!" Utos bigla ng leader!
Tatakbo na sana ako nang mahawakan ng isa sa kanila ang kamay ko. Urghhh! Hinawakan nila ang dalawa kong kamay atsaka nilagyan ng panyo ang ilong ko! Hanggang sa dahan-dahan na akong naipikit ang mga mata ko dahil sa hilo.
----———
"Why am I here? Who are you?" Agad kong tanong nang magising ako at makita ang lalaking prenteng nakaupo sa harapan ko. Parang pamilyar sakin ang itsura niya. Sinuri ko nang mabuti ang itsura at bigla kong napagtanto na ito ay si Caleb Logan! Ang well-known businessman!
"Urgh. Bakit ako may posas?! Ano bang kailangan niyo sakin!" Tanong ko uli nang mapansing may posas ang mga kamay ko na pati mga paa ko ay may gapos!
Humarap uli ako sakanya at ngayon ay nakatitig na siya sakin na para bang sinusuri ako. Galit na galit rin ang mga mata nito! Anong problema niya?!
"Anong kailangan mo sakin?"
"I'm gonna make you pay."
"What?! Pay for what? As far I know, I have no debt to anyone! And you?! I don't even know you!" Inis kong sambit. Kilala ko lang siya dahil napapanood ko siya ng madalas sa TV pero wala akong maalalang nagkautang sa'kanya!
"Of course you know me! You were the one who killed my parents!" Malamig niyang sagot.
"What?---wait? Inaakusahan mo akong mamamatay tao? Una sa lahat, hindi ako mamamatay ta-"
"You just did!" Galit na galit niyang bulyaw. "I've been searching for you this long!"
"Ano ba?! Pakawalan mo ako dito dahil wala akong kasalanan, okay?! Wala akong alam sa pangbibintang mo."
"I'm gonna make your fucking life a living hell, Haylee. Mark my words." At tuluyang nilisan ang kwarto kung saan nakakulong ako.
"What did he just called me? Haylee?! I'm not Haylee!! I'm Kaylee!" Sigaw ko pero mukhang hindi niya na narinig dahil tuluyan na itong nakalabas!
-End of flashback-
Malaking gulo itong pinasok ni Haylee! Wala akong alam sa nangyayari kaya kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang ginawa niya! Alam kong hindi niya magagawang pumatay ng tao!
BINABASA MO ANG
Sister Rivalry [Under Editing]
RomancePaano kung lahat ay kasinungalingan at lahat ay pagkakamali? R-18. [Under Editing]