Chapter 2

720 21 2
                                    

Kaylee's POV

Ilang oras pa akong nakakulong sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok uli si Caleb at mukha itong lasing. Lumapit naman ito sakin at hinawakan nang mahigpit ang panga ko! Nakumpira ko namang lasing ito nang maamoy ang amoy alak niyang hininga.


"You're going to stay here in my house, Haylee. Don't you dare try to escape because I will still find you. You better obey whatever I say to you." Aniya at malakas na binitawan ang panga ko. Napaaray ako sa sakit! Tinanggal niya naman sa pagkakagapos ang mga paa ko at pumunta ito sa likod para tanggalin ang pagkakaposas ng kamay ko. Hindi naman na ako makapagsalita dahil nakakatakot ang itsura nito ngayon. Parang anytime ay makakapatay siya oras na may ginawa ako at hindi niya iyon nagustuhan!


"Cook for me now, bitch!" Galit niyang sambit at mabilis na nilisan ang kwarto. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko! Kaya pala pinalaya ako! Hindi ko naman alam kung susundin ko ba ito. Pero natatakot din akong baka mapatay niya ako kaya wala na akong nagawa kundi inis na lumabas ng kwarto para gawin ang gusto niya! Gagawin pa akong katulong niya! Inilibot ko naman ang tingin ko nang makalabas ako ng kwarto. Sobrang laki ng bahay nito. Napabuntong-hininga ako at bumaba na ng hagdan para hanapin kung nasan ang kusina.


Nang makarating ako sa kusina ay agad kong binuksan ang refrigerator para macheck kung anong pwedeng lutuin ngayon. Kinuha ko naman lahat ng kakailanganin ko at nag-umpisa nang magluto. Adobo ang lulutuin ko.


Matapos ang isang oras ay natapos na akong magluto kaya inihanda ko na ang pagkain sa lamesa.


"Now clean my room." Biglang sumulpot si Caleb sa gilid ko kaya nataranta ako! Talagang balak niya akong pahirapan! Nakaramdam ako ng gutom pero ininda ko na lang!


Tinignan ko naman ang oras sa relo ko. "It's already 2 in the morning. P-wedeng bukas na lang?" Kinakabahang tanong ko dahil nakakaramdam na ako ng antok at gutom!


"What did you say!?" Inis niyang tanong at ngayon ay nakataas na ang kilay.


"W-ala. Ito na lilinisin ko na!" Natataranta kong sagot at kumaripas ng takbo. Hindi man lang sinabi kung nasaan ang kwarto nito kaya kailagan ko pang hanapin. Mabuti na lang at tatlo lang ang kwarto sa taas at madali kong nahanap ang kwarto niya dahil yung dalawang kwarto ay walang laman na kahit anong gamit.


"What the hell?! Anong nangyari dito?" Gulat kong sabi nang makita ang loob ng kwarto! Kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako!


Talagang pinapahirapan ako ng Caleb!!! Ang daming kalat!!! Halatang sinadya niyang magkalat! Pasalamat talaga siya ginagawa ko ito para sa kapatid ko!!!


Wala na akong nagawa kundi ang simulan ang paglilinis ng kwarto niya dahil baka mamaya ay magalit pa ito sa'kin! Bwiset talaga siya!! Hindi naman ako pwede lumaban at baka lalo pang lumala ang sitwasyon!


LINIS DITO. LINIS DOON.


Bigla naman akong napaupo sa kama niya nang makaramdam ako ng pagod.


"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa relo ko nang matapos akong maglinis para tignan uli ang oras.


"Fudge! 5 am na?! 3 hours akong naglinis?!"


Hindi na ako magtataka dahil ang laki ba naman ng kwarto nitong si Caleb at ang daming kalat ang nilinis ko!!! Bigla akong napahikab at hindi ko na namalayang kinain na ako ng antok dahil na rin sa pagod at wala na akong pakialam kung nasa sahig ako ng kwarto ni Caleb nakatulog!

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon