Chapter 9

552 21 2
                                    

Kaylee' POV

*tok tok*

Kumatok ako sa labas ng kwarto ni Caleb nang matapos akong maglipit kanina sa baba ng pinagkainan ay dumiretso na ako sa kwarto ni Caleb dahil may pasok ako ngayong araw. Wala pang ilang minuto nang bumukas ang pinto.

"What do you want?" Malamig nitong tanong na mukhang kakagising lang.

"Papasok na ako."


"What?"


"Sabi ko may pasok ako ngayon." Mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko.


"Go home after your class. Jethro will drop you off at school."

"Sino iyon?" nagtataka kong tanong dahil simula nung dumating ako dito ay kami lang na dalawa ang nandito sa napakalaki-laking bahay niya. Ni maid, wala siya.

"Stop asking. Just go out, and you'll see him outside."


"O---" Hindi niya ako pinatapos at malakas niyang sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Napairap na lang ako sa kawalang modo niya at tinignan ko ang oras sa relo ko. Alas syete na at alas otso ang pasok ko. Nagmadali na akong bumaba dahil baka malate ako.


Pagkalabas ko ng pintuan ay dumiretso ako sa garahe. May nakita akong bulto ng lalaki na nakatayo sa gilid ng sasakyan.

"Hello. Ikaw ba si Jethro?" Tanong ko nang tuluyan akong makalapit sakanya. Humarap naman siya sakin. Kanina kasi ay nakatalikod siya.

"A-h opo Madame. Kayo ho ba si Madame Haylee?" Magalang na tanong nito sa'kin.


"Ah oo." Nakangiti kong sagot at hindi na umangal nang tinawag niya ako sa pangalang Haylee. Mukhang iyon ang pagpapakilala ni Caleb sa'kin.

"Sige ma'am. Saan po ba tayo?" Tanong niya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.


"Sa school ko. Ituturo ko na lang ang daan." Saad ko at pumasok sa backseat. Pumasok na rin siya at sinimulang paandarin ang makina. May kinuha naman siyang remote sa bulsa niya at tinapat sa gate. Kusang bumukas ito. Hindi na ako nagtaka. Kaya pala wala ng mga guard dito dahil hindi naman na kailangan.

"Ma'am ako nga ho pala si Jethro Biñia. Ako ho ang magiging driver niyo sa lahat ng lakad niyo." Anito na hindi inaalis ang tingin sa daan.


Natawa naman ako sa asal niya. "Nako wag kang masyadong magalang sa'kin. Ilang taon ka na ba?"



"20 ho."


"Magkasing age lang tayo. By the way, I'm Kay."


"Kay po?" Nagtataka niyang tanong. "Akala ko ho ba Haylee ang pangalan niyo?"



"Basta call me Kay pag wala ang amo mong masama ang ugali. Pag andiyan Hay ang tawag mo. Okay ba?"


Saglit naman niya akong tinitigan at binalik rin ang tingin sa kalsada. "Sige ho." Napapakamot niyang aniya dahil mukhang nalito ito sa pinagsasabi ko.

"Sabing wag kang masyadong magalang." Pinaninliitan ko naman siya ng mata.


"Pasensya ma Ma'a- este Kay. Baka kasi pagalitan ako ni Sir Caleb."


"Nako. Hayaan mo ang impokritong iyon."


"Grabe ka naman ma'am kay sir hehe" Natatawa niyang aniya.


Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon