Chapter 8

528 16 0
                                    

Kaylee's POV

Pagkagising ko ay bigla akong napa-aray nang maramdaman ang hapdi sa gitna ng mga binti ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ano bang naisip ko at pumayag ako?! Napahawak ako sa dibdib ko at saka narealize na nakadamit na ako. Ayokong umasa na si Caleb ang may gawa nito pero sino pa ang ibang gagawa kung hindi? Atsaka nakakapanibago ang nangyari kagabi. Parang hindi si Caleb 'yon. Napakagat ako ng labi. Ginusto ko ba talaga ang nangyari kagabi? Galit pa rin ako kay Caleb pero bakit ako pumayag? Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

Paika-ika naman akong lumabas ng kwarto dahil nga masakit pa rin sa baba ko. Nagugutom na ako kaya hindi ko na napigilang pumunta ng kusina. Nakakapagtaka at wala ata si Caleb? Mas mabuti na rin pala 'yon, kesa andito siya at lagi lamang niya akong sinasaktan! Nasapo ko naman ang noo ko dahil naalaala kong may klase ako ngayon! Wala pa akong cellphone kaya hindi ko makontak si Ali na isa sa mga kaklase ko! Pambihira naman oh! Kung kailan gagraduate na saka ako nagkakaganito.

"Hindi mo naman kasalanan boba! Si Caleb ang may kasalanan!" Sigaw sa isip ko.

Para na tuloy akong baliw at kinakausap ko ang sarili ko. Napakagat na lamang ako sa mansanas dahil wala naman akong ibang makain. Ayoko na rin magluto. Maya-maya pa naisipan kong manood na lang ng TV dahil masakit pa rin ang ibaba ko! Hindi ako makakilos ng maayos!

Habang busy ako manood ay may narinig akong yapak papalapit sakin. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil alam kong si Caleb lang ito.

"Bitch!" Malakas na sigaw nito at may binatong mga paper bag sakin at mabilis na umalis rin paakyat ng hagdan. Mabuti na lang agad kong nasalo! Baliw talaga siya!!

"Ano naman ang mga ito?" Tanong ko sa sarili ko at tinignan kung ano ang mga laman. Nagulat ako ng makitang mga damit ang laman ng mga paper bags at isang cellphone.

"Anong nangyari doon? Magbibigay na nga lang, kailangan ibato pa." Inis kong sabi at kinuha ang cellphone. Buti naman at naisipan niya! Buti na lang din at kabisado ko ang number ni Ali kaya madali ko siyang matetext.

Nang maset up ko na ang cellphone ay agad kong tinext si Ali. Agad namang tumunog ang cellphone ko. Tumawag na agad si Ali.

"Hello, Ali?"

"Nakausap na rin kita, finally. Bakit iba na ang number mo?Anong nangyari sayo at hindi kita makontak? Nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka pumasok?" Sunod-sunod na tanong nito kaya natawa naman ako.

"Mahabang kwento. Hindi ko alam kung kailan ako makakapasok." Sabi ko rito dahil hindi ko rin talaga alam kung kailan ako papayagan ni Caleb lumabas ng bahay. Wala naman na akong planong takasan siya dahil kahit gawin ko nga yon ay alam kong mahahanap niya ako.

"Baka nakakalimutan mo graduating tayo, Kay."


"I know. Meron lang nangyari. Private matter. Don't worry papasok din ako."

"Oh siya basta sabihan mo ako kung anong kailangan mo. I'll send you the details na kailangan mong ireview at namissed mo, alright?"

"Thanks, Ali! Libre na lang kita pag nagkita tayo." Nakangiting sambit ko kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Anything. Bye na and take care."

"Alright. You too." And I ended the call.

"Who are you talking to?" Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang magsalita si Caleb na ngayon ay pababa na ng hagdan. Letse  may phobia na talaga ako sakanya!


"Si Ali. Kaklase ko." Mabilis kong sagot sakanya at hindi ako makatingin ng maayos sakanya dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi!


"Cook for me, woman." Baritonong aniya pero hindi naman halatang galit. Nakakapanibago talaga ang lalaking ito!


"Btw, kailangan kong pumasok. Pwede mo naman ata akong payagang pumasok lalo na graduating ako."


"Then go. Just don't you dare escape." Ramdam ko ang matatalim na titig nito sakin kahit hindi ko nakikita ang mukha nito.



"Bakit may dahilan pa ba para tumakas ako? Atsaka kahit anong pagtakas ko mahahanap at mahahanap mo ako." Hindi ko na napigilan ang sumagot.



"You're now talking back?" Galit nitong sabi pero hindi na lang ako umimik.



"Fuck! Get out of my sight and cook for me!" Inis na nitong sigaw nang hindi ako sumagot kaya dali-dali na lang akong pumunta sa kusina. Buti na lang medyo hindi na masakit ang parte sa gitna ng dalawang hita ko! Hindi pa rin pala siya nagbago! Bwiset ka talaga, Caleb!! Pero masaya ako na pinayagan niya akong pumasok kung hindi talagang papatulan ko na siya. Kailangan ko maka-graduate dahil kailangan ko ng magandang trabaho kaya ganito na lang ako kadesididong makagraduate.


Nang matapos akong magluto ay hinanda ko na ito sa lamesa. Pagkatapos ay tinawag ko na ito para makakain. Maya-maya pa ay dumating na ito. Naupo naman na ito para kumain kaya aalis na sana ako nang pigilan niya ako.


"Eat with me. I didn't tell you to leave, stupid." Napairap na lang ako. Ganda na ng sinabi, dinagdagan pa ng stupid. Bwiset! Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tapat niya at kumain na rin. Mabuti na lamang at hindi na rin ito nagsalita habang kumakain kami.


Matapos nitong kumain ay akala ko aalis na pero may pahabol pa talaga. "Use all the things I bought for you. Throw away the things that Rhett bought for you. Or else you're dead, woman." Seryosong sambit nito at tuluyan na akong iniwanan.



Ano bang problema niya?!











Author's Note : Hi, everyone! I hope you enjoy reading. You all are my motivation, so please keep on supporting this story. And make comments about this chapter.  God bless us all :)

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon