5 years later
"Mommy!!" Tumigil ako sa pagche-check ng mga papers na kailangan pirmahan. Napalingon ako sa pintuan ng bahay kung saan may isang lalaki na papalapit sa'kin at may buhat-buhat na napakagandang bata.
"Hey baby." Hinalikan ko naman sila sa pisngi nang makalapit silang dalawa sa'kin.
"Mommy! I had so much fun with Daddy." Ngiting-ngiti ito habang nagsasalita. Ngumiti rin ang lalaking nagbubuhat sa kanya.
"Anak, diba sabi ko naman sayo huwag ka nang magpapabuhat kay Daddy. You're a big girl na diba?" Sabi ko sa'kanya. She just pouted her lips.
I smiled. 5 years had passed and I can say that I'm blessed despite the pains and hurts I have my daughter... And him, Connor Andrada, my Tito Vin's only son. He's the only person who stayed with me through my darkest days. He's the only person who strengthens me and accepted me.
-Flashback-
"At the Cavins Coffee Shop." Basa ko sa text ni Tito Vin sa'kin. Mabuti at malapit lang ito dahil lang ito ng subdivision. Agad-agad akong nag-ayos ng sarili at tanging dala-dala ko lang ay ang sarili ko. Maingat akong lumabas ng kwarto dahil mag-aalas nuebe na ng gabi at baka nasa kwarto din nito si Caleb kaya maingat akong naglakad pababa nang walang ingay na nagagawa. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas ng gate ng bahay ni Caleb. May maganda din palang naidulot ang hindi pagi-stay ni Jethro dito sa bahay. Dahil kung sakaling mahuli niya akong tunatakas ay baka isumbong pa ako nito kay Caleb at hindi malabong mangyari iyon.
"Tito Vin!!!" Agad kong niyakap si tito nang sa wakas ay makita ko siya sa loob ng coffee shop.
"Kay." Banggit nito sa pangalan ko, kumalas naman ako sa pagkakayakap sa'kanya, at umupo sa upuan katapat niya.
"Tito.. I missed you." Naluluha kong sabi dahil after how many years ngayon nagkita uli kami. Ang laki na ng ipinagbago ng mukha ni tito. Medyo tinutubuan na rin siya ng konting puting buhok.
"Namiss din kita, ang laki na ng ipinagbago mo anak. Akala ko hindi na tayo magkikita. Mabuti at alam mo pa ang number ko iha." Aniya at ngumiti ito. "Anyway, have you found your twin already?" Dugtong pa nito.
Hindi naman ako agad nakasagot at napansin naman iyon ni tito kaya ngumiti ito. Hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang kapatid ko.
"I really need your help, tito." Sambit ko.
"Tell me.. I'm always willing to help you. Alam mo namang para na kitang anak." Ngumiti naman ako. Alam kong ito ang nararapat kong gawin.
"Tito gusto kong umalis, gusto kong pumunta ng Italy." Diretsa kong sagot.
Ngumiti naman ito sa'kin. "Sige. Mabuti na lang at saktong nandito ako sa Pilipinas nang tumawag ka. Sabay na lamang tayo kung ganon iha. Pupuntahan ko din kasi si Connor doon. Naaalala mo pa ba si Connor?" Tanong nito sa'kin. Tumango naman ako. Si Connor ay kababata ko. Madalas itong nasa bahay namin noon kaya naging malapit din kami sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Sister Rivalry [Under Editing]
عاطفيةPaano kung lahat ay kasinungalingan at lahat ay pagkakamali? R-18. [Under Editing]