Kaylee POV
"Hmmm.." Ungol ko at kinusot-kusot ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako. Puro puti ang nakikita ko. Nasaan ba ako?
"Thank God! Okay ka na!"
"C-onnor?" Tawag ko dito nang makilala ko kung sino ang nagsalita. Mabilis siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"Akala ko hindi ka na babalik." Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Isang linggo kang walang malay, honey." at kumalas ito sa pagkakayakap sakin.
"Ano?! Nasaan si Scarlet?!" Naalala ko bigla ang ginawa ng kapatid ko. "W-here's my baby Scarlet?"
"She's fine. 2 days after the incident bago siya nagkamalay." Malungkot niyang aniya at naupo sa silyang katabi ng kama ko.
Nag-iwas naman ako ng tingin at napabuntong-hininga. Ang tagal ko na palang walang malay. Mabuti din na okay ang anak ko, dahil kung hindi mas gugustuhin ko na lang ding mawala. Pagbabayarin ko rin si Haylee sa mga kasalanang ginawa niya.
"I'm sorry." Napingon ako kay Connor na ngayon ay nakayuko na.
"H-a? P-ara saan?"
"Hindi ko kayo naipagtanggol ni Scarlet. Parati na lang ako huli kung dumating." May bahid na lungkot ang boses nito. Hinawakan ko naman ang kanang balikat nito.
"You don't have to say sorry, Connor." Parang na-guilty tuloy ako dahil nakakaramdam ng guilt si Connor dahil iniisip niyang palagi siyang huli kung dumating kapag may hindi magandang nangyayari sa'kin o sa anak ko man lang.
"Caleb, saved you." Iniangat nito ang ulo niya at tumitig sa'kin. Naalala ko bigla si Caleb. Malaki ang utang na loob ko sa'kanya dahil kung hindi dahil sa'kanya ay baka kung ano na ang nangyari saming dalawa ni Scarlet.
"Asan nga pala siya? Kailangan kong magpasalamat sa'kanya." Sambit ko.
"Nasa room ni Scarlet, sila ang nagbabantay kay Scarlet."
"Sila?" Taka kong tanong.
"Kasama ang mga kaibigan nito."
"Mabuti naman." Napapikit naman ako at inalala ang mga nangyari kaya ako napunta sa sitwasyon na ito ngayon.
"Kay..." napamulat naman ako at napalingon kay Connor nang banggitin nito ang pangalan ko.
"Why?"
"I have something to ask you." Pilit na ngumiti ito. "Okay lang ba?"
Marahan akong tumango sakanya.
"May pag-asa pa ba si Caleb?"
Natahimik naman ako sa tanong nito dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Meron nga ba? Kahit ako nagugulahan din. Napaiwas na lamang ako ng tingin.
"Look at me." Utos nito na agad ko namang sinunod.
"Do you still love him?" Seryosong tanong nito sakin.
"Tinatanong mo ako kung mahal ko pa ba si Caleb?" Paglilinaw ko sa sinabi niya.
"Yes." Diretso nitong sagot at seryosong nakatitig pa rin sa'kin.
Saglit akong tumahimik bago sumagot. "To be honest, my love for him never faded. He's still the man that I always wanted for everyday." I honestly answered. "But I'm not ready yet. Would I be selfish if I said I prefer what relationship we have right now, Connor? I don't want to lose you because I'm happy being with you...." Nakita ko naman ang dahan-dahang pag ngiti niya. Hinawakan nito ang kaliwang pisngi ko at marahang hinaplos.
BINABASA MO ANG
Sister Rivalry [Under Editing]
RomancePaano kung lahat ay kasinungalingan at lahat ay pagkakamali? R-18. [Under Editing]