Chapter 14

566 20 2
                                    

"Pumunta kayo ngayon sa condo ko." Bungad ko nang sagutin agad ni Laxus ang tawag ko. Mabuti naman at gising pa siya sa oras na 'to.

"What? Why? Anong oras na 'o." Reklamo nito na halatang nagising ko sa pagtulog. Akala ko gising pa, nagising pala.

"Just do what I said. 10 minutes , you all should be here." Seryoso kong sabi at pinatay na ang tawag.

Exactly fourteen minutes later the door of my condo opened and it spat out the three eggyolks.

"I said 10 minutes!"

"Teka naman paupuin mo muna kami 'no?" Gray said and sat on the couch opposite me, Laxus sat next to him. While Zerus sat beside me.

"Ano bang problema mo at pinapunta mo kami dito ng dis oras ng gabi? Hindi mo ba alam na pinagpapahinga ko ang gwapo kung mukha."  Sinamaan ko ng tingin si Laxus dahil sa sinabi nito.

"This is a serious matter idiot."

"Come on spill it dude."

"Nandito si Kaylee."

"Kaylee? What? You mean yung asawa ni Caleb?" I was surprised by what Gray said. Wth?

"Asawa?! The fuck. Kailan pa sila kinasal?" I greeted my teeth in frustration.

"Nung time na umalis ka papuntang Cambodia." Laxus answered.

"Why? Bakit hindi niyo pinaalam sa'kin? Atsaka akala ko ba maid lang si Kaylee doon? Bakit nagpakasal silang dalawa?"

"Teka nga muna." Pigil ni Zerus. "Bakit nga andito ang asawa ni Caleb? Don't tell me Rhett m---" I raised my middle finger to Zerus.

"Mali ka ng iniisip gago."



"Then why?"

"Muntikan na siyang magahasa!" Nakaramdam uli ako ng galit ng maalala ang nangyari kay Kaylee.


"Tangina ano?! Bakit?!" Tanong ni Laxus. Hinintay naman ni Gray at Zerus ang mga sasabihin ko. "Yare kay Caleb!" Dugtong pa ni Laxus.


"I don't know. Mabuti na lang papunta ako sakanila kaya naagapan ko kundi may masama ng nangyari sakanya."


"Alam na ba ni Caleb ang tungkol diyan?" Tanong ni Zerus.


"Hindi niya na kailangang malaman pa."


"Bro, baka nakakalimutan mo ang bro----" Pinutol ko ang sasabihin ni Gray. Mukhang wala silang alam sa nangyayari dahil wala pang sinasabi ni Caleb.

"That's why I asked you to be here. Babantayan niyo si Kaylee dahil aalis ako." Sambit ko at tumayo na sa pagkakaupo.

"Where the hell are you going?" Tanong ni Gray.


"I have something to deal with someone." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas na ng condo. Nagmadali akong sumakay sa kotse. Malapit lang naman ang condo ko sa bahay nila Caleb kaya hindi na ako mahihirapang puntahan ang bahay nito.

"Caleb!!" Malakas kong sigaw at kinalabog ko ang gate niya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam ang pass code ng gate kaya hindi ako basta basta makakapasok.


"Caleb! Open this damn gate!!" Halos mapaos na ako kakasigaw. Narinig ko naman ang yabag na papunta sa gate. Bigla naman itong bumukas. Walang sali-salita'y malakas kong sinuntok si Caleb dahilan para ma out of balance siya. Agad ko naman siyang pinatungan at pinagsususuntok.


Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon