Chapter 37

826 16 0
                                    

After 2 years...

Kaylee's POV

"Mom!" Napatigil naman ako sa paghiwa ng gulay at napangiti nang marinig ko ang boses ng anak ko. Humarap naman ako dito at patakbo itong lumapit sa'kin. Niyakap ako nito ng makalapit sa'kin.

"I missed you, mommy." Nakangiti nitong aniya. Hmmm, mukhang may ginawa na naman itong kalokohan.

"Hi wife." Napalingon ako sa pasukan ng kusina nang pumasok ang napaka-gwapo kong asawa. Walang iba kundi si Caleb. Oo, asawa ko na siya. Isang taon na rin bago nang ikasal kaming dalawa. Matapos ang napaka-raming nangyari ay heto, nagkatuluyan na kaming dalawa. Hindi na ako nagpakipot pa dahil alam ko naman sa sarili kong matagal ko ng napatawad si Caleb at hindi ko maipagkakailang mahal ko pa rin ito at siya lang ang tanging minahal ko. Tungkol naman sa kapatid ko ay nasa pangangalaga na siya ng mental hospital. Ang balita ko'y baliw na talaga ito at mas lalong nabaliw dahil sa nangyaring insidente noong muntik na niya kaming patayin. Malaki rin ang pasasalamat ko dahil naging maayos na rin ang buhay ko, naming lahat. Tungkol din kay Connor, nagkaroon na rin ito ng asawa at may isang anak. Masaya ako sa kanya dahil sa wakas ay nahanap niya na rin ang taong totoong magmamahal sa'kanya. Nasa Italy naman sila ngayon at doon naninirahan.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, Mrs. Logan." Nabalik ako sa reyalidad nang halikan ako sa pisngi ni Caleb.

"Tsansing ka ha." Ngumiti ako.

"Ayiiee mommy, kinikilig." Hindi ko namalayang nasa gitna pala namin si Scarlet. Tungkol naman kay Scarlet, mabilis niyang natanggap ang lahat nang sabihin kong si Caleb ang totoo niyang tatay. Mabuti na lamang at nakakaintindi na rin ang anak ko sa mga bagay-bagay. Kailangan lang talaga ng patnubay at pagpapaliwanag.


"Nako anak, magsabi ka sakin may ginawa ka na namang kalokohan 'no?"

Napa-iwas naman ito ng tingin. Sinasabi ko na nga ba.

"W-ala mommy n-o hehe." Bumungisngis pa ito.

"Hayaan mo na, ganyan tala---"

"Nako Caleb Logan kapag yang anak mo nasanay dahil parati mong kinukonsinti, ikaw ang malalagot sakin." Banta ko dito.

"Anak naman kasi, diba sabi ko magpapakabait ka." Ani nito kay Scarlet. Natawa na lang ako.


"Daddy naman akala ko ba kampi tayo." Napapout naman  ang anak namin.

"Kami kampi ng mommy mo hehe." Nag peace sign naman ang asawa ko. Hindi na ako magtataka na nagmana dito si Scarlet. Napailing na lang ako.

"O siya sige na, magbihis na kayong dalawa at magluluto na ako."

"Okay mommy!" Masiglang sagot ni Scarlet at nauna nang umalis ng kusina. Naiwan naman kaming dalawa ni Caleb.


"Marami ba ang niluto mo, honey?" Tanong nito.



"Oo, bakit?" Sagot ko at tumalikod para ituloy ang paghihiwa ko ng gulay. Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang ko habang nakatalikod ako, ipinatong din nito ang ulo sa balikat ko.


"Dito maglu-lunch uli sila Gray." Patukoy nito sa mga kaibigan niya.


"Nako, wala na tayong stock ng pagkain." Biro ko dahil tuwing lunch ay dito sa bahay namin kumakain ang mga kaibigan ni Caleb. Wala naman problema sakin dahil mas lalo ngang masaya ang bahay kapag pumupunta sila rito. Mga pilyo rin kasi lalo na si Rhett. Walang pinagbago ang lokong na 'yon.

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon