Kaylee's POV
"Kay... Wake up." Naramdaman ko naman na parang may yumuyugyog sa balikat ko.
"Hmm.." Kinusot-kusot ko ang mga mata ko.
"It's already 10 pm."
"What?!Dalawang oras akong natulog?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Bakit hindi mo naman ako ginising Jeth?" Napahilamos ako sa mukha.
"Kanina pa kita ginigising kaso hindi ka magising kaya hinayaan na lang kitang matulog." Nagkamot pa siya ng ulo.
"Pasensya na." Paghingi ko ng paumanhin. Kasalanan ko pala. "Teka, buong oras ba na tulog ako ay nandito ka din?"
"Hindi. Lumabas ako pagkadating na pagkadating natin. May ginawa din kasi ako. Tapos saktong dalawang oras din na natapos." Tumango-tango naman ako.
"Nakakahiya tuloy. Pasensya na pagod lang kasi talaga ako kaya bumawi sa tulog."
Ngumiti naman siya. "Okay lang yun."
"Sige. Salamat uli." Sambit ko at lumabas na ng kotse. Pumasok na ako ng bahay. Nanibago naman ako sa bahay. Ang laki na nga ang tahimik pa. Hindi tulad nung apartment ko kahit maliit at ako lang mag-isa, nararamdaman ko ang kasiyahan. Hindi tulad dito na nababalutan ng kalungkutan na talagang mararamdaman mo. Lalo na kapag andito ang walanghiyang Caleb na iyon. Umakyat na ako ng kwarto para magbihis dahil kailangan ko magluto para kay Caleb. Para kung sakaling umuwi siya ay may kakainin na siya at hindi niya na ako gagambalain sa tulog ko.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa kusina para magluto. Inihanda ko yung mga ingredients na kakailangan ko. Habang naghihiwa ako ng gulay ay naalala ko ang mommy ko. Dati kasi ay siya ang nagluluto sa'min. Naalala ko pa kung gaano kasaya ang pamilya namin noon. Kahit napakadaming businesses ng magulang namin ay hindi sila nagkulang para ibigay samin ang oras na kailangan namin para makasama sila. Kaso lahat nagbago nang maaksidente sila nung nasa eroplano sila papuntang Italy para sa isa nilang business trip. Labing-anim na taon pa lang kami noon. Doon din nagsimulang malayo ang loob sa'kin ni Haylee na kakambal ko na siyang hindi ko maintindihan dahil wala akong alam kung galit ba siya sa'kin o ano. Pero noong kinausap ko siya ay doon ko nalaman ang rason kung bakit. Sinabi niyang kinaiingitan niya ako dahil ako raw ang paboritong anak nila mom at dad na hindi ko naman alam. Kaya siguro ang laki ng galit niya sa'kin. Kaya para mawala ang galit niya sa'kin lahat ng pag mamay-ari na iniwan samin ng magulang namin ay napagpasyahan kong ibigay sa'kanya lahat. Pero ang kapatid ni mom na si Tito Vin ay hindi pumayag. Kaya nasa kanya ang lahat ng ito na hindi naman kinontra dahil pinagkakatiwalan ng magulang namin si Tito Vin. Pero nakakuha pa rin ng kalahating parte si Haylee dahil iyon ang nakasaad sa last will and testament. Noong makuha ni Haylee ang parte niya, bigla itong nawala na parang bula kaya patuloy ko siyang hinahanap. It's been 5 years already.
Nalungkot naman ako. Bigla kong namiss si Tito Vin. Sobrang close ko din kasi iyon kumpara kay Haylee. Kaso kailangan kong gawin ito. Papanindigan ko ang desisyon ko. Mula kasi noong umalis si Haylee, napagpasyahan kong mamuhay ng mag-isa. Gusto kong maranasanag paghirapan ang lahat ng bagay para matuto. Hindi ko namalayang tapos na akong magluto.
Pagkatapos kong ihanda ang lahat ng niluto ko ay inilagay ko na ito sa ref para painitin na lang pagdating ni Caleb. Umakyat naman na ako sa kwarto para makapagpahinga dahil pakiramdam ko ay hinang-hina na ako. I was about to close my eyes when my phone rings. I picked up my phone under my pillow and doesn't bother to look who's the caller.
"Hello? Who's this?" Sambit ko nang masagot ko ang tawag.
"Hi, baby. The handsome." He sounds boastful even though it's already apparent that he is.
"Teka how did you get my number?" Nagtataka kong sambit.
Natawa naman ito. "I always have my way, baby. Kidding. I got your number from Ali." Oo nga pala. Nakalimutan kong kilala niya si Ali.
"Whatever. Stop calling me baby. I have my name, Rhett." Natatawa kong aniya. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"Hindi ka pa ba sanay. Anyway, how are you..." He paused a while. "..with Caleb?" he continued.
"I'm good." I lied.
"You sure? Anong ginagawa mo ngayon?"
"Yes. Patulog na sana kaso may gwapong tumawag." Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"I just wanted to check on you."
"Oo na. Ikaw kailan ka babalik?"
"Babalik? Alam mo ang tungkol sa pag-alis ko papunta ng Cambodia?" Halata sa boses niya ang pagtataka. Nagtaka rin ako. Mukhang hindi pa nga alam nito ang kasal na nangyari sa pagitan namin ni Caleb. Hindi na ako nag-abalang sabihin dahil alam kong magagalit ito at baka sila pa ni Caleb ang mag-away. "Paano mo nalaman?" Dugtong pa nito.
"A-h ano. Nalaman ko lang sa mga kaibigan mo." I quickly answered.
Saglit naman na katahimikan ang namutawi ng muli siyang magsalita. "Nag-uusap pala kayo nila Laxus at nung dalawa?" Ani nito na parang may pagka-sarkastiko ang tunog. Wala pa atang sinasabi sakanya ang mga kaibigan nito. Bigla akong naguilty.
"Ah oo. Pumupunta kasi sila minsan dito sa bahay ni Caleb." I lied again! Napaka-sinungaling ko na ata!
"Sige, magpahinga ka na." Anito na parang sarkastiko. O sadyang guilty lang ako dahil nagsisinungaling ako?
"Ikaw rin Rhett."
"Okay. See you soon."
"See you, take care always."
"I will, honey." He said, and I ended the call.
-------
Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na nangagaling sa ibaba kaya mabilis akong bumaba para tignan kung ano iyon.
"C-aleb?" Mabilis kong pinuntahan si Caleb na ngayon ay ang kahalahati ng katawan niya ay nasa couch at ang kalahati ay nasa sahig.
"Caleb?" Tawag ko uli dito at tinapik tinapik ko ang pisngi niya dahil halatang galing na naman ito sa inom. Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa itsura ni Caleb ngayon. He looks like a mess. Nagbuntong-hininga naman ako ng malakas. "Caleb." Inalalayan ko siya para makahiga ng maayos sa couch. Akmang aalis na sana ako para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo ng hawakan niya ang kamay ko.
"S-tay please..." Puno ng pagmamakaawa ang boses niya. Tinignan ko naman ang mukha niya. Ang amo ng mukha niya kapag nakapikit siya. Parang ang bait bait pero kapag gising ay napakasama ng ugali. Hindi ko alam kung maaawa ako o magagalit sakanya. Hahayaan ko na lang na kahit ngayong gabi maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Sister Rivalry [Under Editing]
RomancePaano kung lahat ay kasinungalingan at lahat ay pagkakamali? R-18. [Under Editing]