Chapter 7

577 19 0
                                    

WARNING: PURPLEMINDED ONLY. 

Kaylee' POV

Dahan-dahan naman akong bumangon dahil nanghihina pa rin ang katawan ko. Kailangan ko ng makaalis dito dahil sobra na siya. Wala siyang puso! Wala siyang kwentang tao!

Isa-isa ko namang pinulot ang mga damit ko na nakakakalat sa baba. Sinuot ko ito kahit sira-sira na dahil nga pinunit niya ang mga ito. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto at maingat akong naglakad at nang tuluyang makalabas ay dumiretso na ako sa baba. Susuotin ko na lamang yung binili naming damit ni Rhett bago ako tuluyang lumayas sa bahay na ito.

------------

Dumiretso ako sa apartment na tinutuluyan ko para kunin ang mga gamit ko dahil baka pag nagising ang demonyong Caleb na iyon at nalamang tumakas ako ay ipadampot na naman ako sa mga men in black niya. Kailangan ko ng makatakas sakanya! Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya. At sa mga oras na 'to, punong puno ako ng galit para sakanya!

Dali-dali kong inimpake ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto ko dito sa apartment.

"Where do you think you're going?" Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla na lamang itong bumukas at tumambad sakin ang malamig na titig ni Caleb.

"W-ag na wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko at umatras.

"Do you really think you can hide from me?" Mabilis itong nakalapit sakin at hinablot ang kamay ko. "O-uch! Demonyo ka bitawan mo ako!!" Galit na galit na sabi ko habang nagpupumiglas.

Hinawakan niya naman ako sa panga na lalong nagpadaing sakin. "You're the reason why I became like this!" Sigaw niya sa mukha ko.

"Bitawan mo nga ako! Sinabi ko ng hindi ako si Haylee!" Sigaw ko rin dito pero itinulak niya ako sa sofa dahilan para mapahawak sa pwetan ko. Ang sakit!

"Napakasama talaga ng ugali mo!!" Nginisihan niya naman ako at umupo siya sa upuan.

"You're not going anywhere, Haylee. You're mine. You're my property."

"What the hell are you talking about! I will never be yours!"

"Thi is your payment!" Matigas niyang aniya at tinitigan ako ng masama.


"P-lease Caleb. Tigilan mo na ako!" Tumahimik muna siya at ilang minuto nang bigla siyang tumayo at lumabas. Akala ko papalayain niya na ako!

"Take her." Baritonong sambit nito sa labas at may sunod-sunod na men in black na naman ang pumasok!

"Wag niyo kong hahawakan!" Sigaw ko nang akmang hahawakan nila ako pero dahil sa dami nila wala na akong nagawa! May pinaamoy rin sakin na panyo kaya hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.

---------------------------

"Ma'am gising ho." Napamulat naman ako nang may tumapik tapik sa pisngi ko. Inilibot ko naman ang mata ko kung nasaan ako. Nasa kwarto na uli ako ng bahay ni Caleb. Bigla nagflashback na naman sakin ang nangyari kagabi. Napakagat ako ng labi dahil pakiramdam ko ay anumang oras tutulo ang luha ko.

"S-ino kayo?" At inilipat ko ang tingin sa baklang gumising sakin.

"Ako ang mag memake up sainyo. Mag-ayos na ho kayo at baka malate pa tayo." Nakangiting aniya.

Naguluhan naman ako. "H-a? Bakit ano bang meron?" Napabangon ako dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari!

Napakunot-noo naman siya na para bang hindi makapaniwala sa tanong ko. "Hindi niyo ho ba alam na kasal niyo ngayon?"

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon