Chapter 11

559 18 0
                                    

Kaylee's POV

Nang masigurado kong tulog na si Caleb ay tumayo na ako para umakyat at kumuha ng kumot. Kumuha rin ako ng mga damit niya at bimpo at maligamgam na tubig para linisan siya.

Pagkatapos ko itong bihisan ay tinignan ko muli ang mapayapang mukha ni Caleb bago ko siya kinumutan. Umakyat na ako ng kwarto dahil mag aalas tres na ng umaga. Kailangan kong matulog dahil may pasok ako mamaya.

------------

Pagkagising ko ay nag-asikaso na ako at pagkababa ko ay naabutan ko ang sala na wala ng Caleb. Siguro ay pumasok na ito sa trabaho o di kaya'y nasa kwarto nito. Pero hindi na ako nag-abalang tignan siya sa kwarto niya at nagpahatid na kay Jethro papunta sa school.

"Good morning, Gorg Kay!" Kumindat pa ito. Natawa naman ako sa kaklase ko.

"Good morning, Normi." nakangiti kong bati ng makapasok ng room at tumabi sa'kanya. Normi is one of my friend here. Naalala ko bigla si Ali. Hindi kami nagkita kahapon. Baka busy ito sa trabaho niya at hindi nakapasok kahapon. Naguilty tuloy ako at hindi ko man lang ito tinext na pumasok na ako. Ang dami dami ko rin kasing iniisip.

"Hey, mukhang ang tamlay natin ha? What happened?" Halata naman ang sincerity sa boses niya.

"Ano ka ba, hindi ka pa nasanay sa'kin." Pagbibiro ko na halata namang hindi siya naniniwala.

"Nako Kay. Sa akin ka pa magsisinungaling. You know, we've not been bestfriend so called but I know you from head to toe."


"Believe me. Ikaw bakit hindi ka pumasok kahapon? Ganon din si Ali." Pag-iiba ko ng usapan.

"Alright hindi na kita tatanungin. May inasikaso ako kasama boyfriend ko. Si Ali naman, alam mo naman 'yon. Tutok sa trabaho." Sagot nito na nakapangalumbaba sa desk ng upuan.  Sabi na 'e, busy sa trabaho.


"Gumawa kayo ng baby?"

Napataas naman siya ng kilay at humarap sa'kin. "Ang bastos mo mag-isip Kay!" Natawa naman kaming dalawa.

"Anyway alam mo na ba ang bali-balita?"  Aniya matapos naming tumawa.

"Ano na namang chismis ang nasagap mo?" Biro ko.

"Tungkol lang naman 'to gurl kay Caleb Logan!" Parang kinikilig pa nitong sabi. Natahimik naman ako saglit.

"N-ako. Ikaw may boyfriend ka na, gumaganyan ka pa." pagbibiro ko na siya namang ikinatawa niya.

"Syempre mahal ko ang boyfriend ko hindi ko lang maiwasang magwapuhan kay Caleb." Bumungisngis pa ito.

"Nako Normi. Ano bang nabalitaan mo?"

"Ikinasal na daw siya." Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Omg! Sino kaya ang maswerteng babae na 'yon!"

"Tama na,  Normi. Wala naman akong pakialam sa buhay nung taong yun." Pagpipigil ko sa sasabihin niya. Binigyan niya naman ako ng mapanuring tingin. "O, bakit?"


"Ikaw 'ha! May gusto ka ba kay Caleb?"

"Huh?! Wala 'no, asa!" Depensa ko.

"O 'e bakit ka ganyan mag react?"

"E sa wala naman akong pakialam sa buhay nung tao. Masyado mong bini-big deal." Bwelta ko at nag-iwas ako ng tingin.

"Oo na. Shinashare ko lang naman. Highblood ka kaagad." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Tumahimik na lang ako. Kinakabahan tuloy ako na baka malaman ng mga estudyante at lahat ng tao dito na sa bahay ako ni Caleb nakatira. At ang malala pa ay malaman nilang kinasal kami. Ang hirap naman pala nito na masangkot ang buhay mo sa taong masyadong popular. Para bang lahat na lang ng galaw mo ay alam ng mga tao. Lalo na dito sa unibersidad na ito. Talagang kilala ang pangalang Caleb Logan. Dahil bukod sa well-known business man ito ay dito rin nagtapos ng pag-aaral si Caleb. Bakit ko alam? Dahil yung mukha ni Caleb ay naka-tarpaulin sa harap ng gate ng unibersidad na pinapasukan ko at nakalagay na Cum Laude ito. Ganoon din ang mga kaibigan niya. Dito sila lahat gum-raduate.

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon