Chapter 33

487 14 3
                                    

Haylee's POV

"Andito na tayo."  Sambit ni Jethro at inihinto ang kotse sa medyo may kalayuan sa isang malaking mansyon. "Doon ang bahay nila." Turo ni Jethro sa napakalaking mansyon.


"Kung sinuswerte ka nga naman 'o. Umaayon sa'kin ang lahat." Saad ko nang makitang papalabas ng bahay ang malas kong kapatid kasama ang batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay anak nito. Iyan ba ang gusto ni Caleb? Isang malanding babae tulad ng kapatid ko? May anak na siya't lahat-lahat ay siya pa rin ang gusto ni Caleb! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip na mas pinipili ni Caleb ang walang kwenta kong kapatid!

Iwinaglit ko muna ang galit ko at mamaya ko na lang ilalabas kapag nasa kamay ko na ang kapatid ko. "Kailangan natin bilisan." Tumango naman si Jethro at mabilis na lumabas ng kotse. Nakatingin naman ako sa gagawin nito. Hindi nito napansin ang paglapit ni Jethro dahil nakatalikod ang dalawa. Agad na nilapitan ito ni Jethro at kung hindi ako nagkakamali ay may pinaamoy ito dito sa dalawa. Nang mawalan ng malay ang kapatid ko at ang anak nito at pinaandar ko ang kotse papunta sa tapat ng mansyon. Mabilis na kumilos si Jethro at ipinasok ang mag-ina sa likod ng kotse.


"That was close." Aniya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.



"Swerte mo, minamanyak mo na naman ako." Angil ko na ikinangisi lang nito.



"Saan natin dadalhin ang dalawang 'yan?" Tanong nito nang paandarin na ang kotse.



"Sa lumang warehouse ko sa Tagaytay." Tumango ito bilang sagot.

Rhett's POV

"Dude kumalma ka nga." Saway ni Laxus kay Caleb na kanina pa paikot-ikot sa harapan namin. Busy naman sa pagkalikot ng laptop si Zerus para matrace kung nasaan ang lokasyon ng bahay nila Kaylee. Kailangan naming maunahan si Haylee bago pa man ito may magawang masama kay Kaylee at sa anak nito.

"How can I calm down?! My daughter and Kaylee are in danger!" Inis nitong aniya at napasabunot sa buhok nito, umupo sa couch.




"Gotcha!" Napatingin kaming lahat kay Zerus.



"Ano nahanap mo na?" Atat kong tanong.



Bago pa man ito makasagot at tumunog ang cellphone ni Caleb.



"Hello." Sagot ni Caleb sa kausap nito. "Don't you fucking touch her bitch!" "Where is she!?" "Im gonna fucking kill you if you hurt her! Damn you!" "Fine fine! Just don't you dare hurt her! I'm coming motherfucker!" At gigil na ipinasok ang cellphone nito sa bulsa nang maibaba ang tawag.




"Nasa warehouse sila ni Haylee sa Tagaytay. Sinabi niya sakin ang address ng warehouse." Aniya at tumayo.



"I'll go with you Caleb." I insist. Tumango naman ito.


"Lets end Haylee's craziness. I'll go with you two." Ani ni Gray at ngumisi. "Nangangati ang kamay kong makapatay ng baliw." Nakangising dugtong pa nito.



"Okay, Zerus, Laxus and Vio. Tumawag kayo ng pulis once na naitext ko sainyo ang address ng warehouse." Tumango naman silang tatlo.

Kaylee's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil hindi ko makusot ito dahil mukhang nakagapos ang mga kamay ko pati ang mga paa ko! Mabilis ko namang naimulat ang mata ko nang maalala kong kasama ko ang anak ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto kung nasaan ako pero wala ang anak ko! Bigla na naman akong nakaramdam ng takot!



"S-carlet.." Bigla namang bumukas ang pinto na nasa harapan ko.


"Good thing nagising ka na." Nakangising aniya nito at lumapit sakin.



"H-aylee?"



"Ako nga." Nakangisi pa rin nitong aniya at malakas akong sinampal! Naluha naman ako bigla sa hapding naramdaman ko dahil sa sampal nito!


"Bakit mo ito ginagawa?! Ano bang kasalanan ko sayo?! At nasaan ang anak ko?!" Sigaw ko dito. Sinipa naman nito ang silyang inuupuan ko.



"Ganyan mo ba salubungin ang maganda mong kakambal?" Hindi pa rin matanggal ang ngisi nito sa labi. Halos hindi ko na ito makilala. Parang ayokong tanggapin na si Haylee ang nasa harapan ko. Ibang-iba na ang Haylee ngayon sa noon.


"Nasaan sabi ang anak ko?! Wag mo siyang idamay Haylee.. Please... Ako na lang ang saktan mo." Pagmamakaawa ko dito.



"Wag kang mag-alala. Mamamatay kayo pareho dito." Nang-aasar niyang sambit atsaka humalakhak! Bumukas muli ang pintuan nito at pumasok ang isang lalaki... J-ethro? Paanong nangyari?!



"Moommy!!!" Sigaw ng anak ko habang buhat buhat siya ni Jethro.



"Tumahimik ka!" Sigaw nito sa anak ko kaya bigla itong umiyak. Naawa naman ako sa kalagayan ng anak ko. Mga wala silang puso!!


"Pakawalan niyo ang anak ko! Mga walang puso!" Sigaw ko sa mga ito pero mukhang wala itong pakialam.



"Jethro igapos mo yang paslit na yan dito mismo sa harapan ng nanay niya." Dali-dali namang sinunod ni Jethro ang utos ni Haylee.



"Ayan mother and daughter reunion! Mabait pa naman ako ng konti kaya hahayaan ko muna kayong mag-usap." Humalakhak si Haylee na parang demonyo! Hindi ko aakalaing magiging ganito kasama si Haylee.



"M-ommy... I'm s-cared.." Umiiyak na daing ng anak ko. Nakakaawa itong tignan dahil nakagapos ang mga kamay at paa nito sa silya. Halos nadudurog naman ang puso ko na makita ang anak ko na nasa ganitong kalagayan.

Tumingin ako sa direksyon ni Haylee na seryosong pinagmamasdan pala kami.  "H-aylee... Pakawalan mo ang anak ko maawa ka p-lease.. Ako na lang ang patayin mo." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Hindi naman ito sumagot bagkus ay lumapit sa'kin.



"A-no pa bang kailangan mo?"  Tuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.


Ngumisi muli ito. "Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Alam mo kung ano ang gusto ko? Yun ay ang mamatay ka dahil masyado kang sagabal sa buhay ko!" Tumaas naman ang tono ng boses nito. Narinig ko naman ang paglakas ng hikbi ng anak ko marahil ay natatakot na ito.


"Bakit ba gusto mo akong ma---aray!" Napadaing ako nang bigla nitong hilahin ang buhok ko! Mahigpit niyang hinila ang buhok ko kaya lalo akong napadaing!


"Gusto kita mamatay dahil hangga't nandiyan ka hinding hindi ako makuhang mahalin ni Caleb! Tangina ka!" Galit na galit na sigaw nito sa'kin. Nababaliw na talaga siya!


"N-asaiyo na si Caleb.. Hindi pa ba sapat iyon?" Hirap na hirap kong sagot dahil mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakasabunot sakin.



"Hindi!" Madiin niyang sagot at binitawan ako. "Kaya ang dami kong paghihirap dahil sayo! Kaya pagbabayarin kita! Ipaparamdam ko sayo kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko, at sisimulan ko sa anak mo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko!


Iniabot naman dito ni Jethro ang baril. "N-o... N-o.. Please wag.. A-ko na lang H-aylee..." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko ng itinutok nito ang baril sa anak ko at kinalabit ang gatilyo.


*bang*




Biglang tumigil ang tibok ng puso ko sa pagtunog ng baril at parang huminto ang mundo ko sa nangyari.. N-oo... N-oo... Tell me.. I'm just dreaming.... nananaginip lang ako...

Sister Rivalry [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon