Kate's POV
Hi ako nga pala si Glycy Kate Santilo. Nag-aaral ako Fade Academy. Wala akong kaibigan dito dahil ayaw nila sa akin. Nerd daw kasi ako at ang pangit daw tingnan kung makikipagkaibigan sila sa akin.
Actually meron akong naging kaibigan este naging fake friend. Fake friend kasi akala ko totoo ko siyang kaibigan pero pagpapagawa lang pala ng assignments ang habol niya sa akin. Nalaman ko lang yan noong lalapitan ko siya kasama ng mga barkada niya eh kaso........
Flashback
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng campus namin nakita ko si Jade yung kaibigan ko. Kasama niya ung mga barkada niya. Actually mabait sa akin si Jade.
Lumapit pa ako ng konti sa kanila para malaman ko kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Kilala niyo ba si Kate?" tanong ni Jade sa mga barkada niya. Napangiti na lang ako ng wala sa oras dahil sa tanong niya. Parang ang sarap sa feeling na kinukwento ka ng kaibigan mo sa iba. Para bang ipinagmamalaki ka. Yun yung feeling ko ngayon.
"Ahh. Si Kate? Diba yun yung pinagpapaturuan mo ng assignments mo?" tanong naman ni Trisha, yung Queen Bee namin dito sa school. Mas lalo akong napangiti doon dahil akalain mo yun isa akong nerd tapos kilala ako ng Queen Bee? Nababasa ko kasi sa ibang stories sa wattpad na hindi nila pinapansin ang isang nerd.
"Oo, siya yung sinasabi ko sa inyo na nerd, yung uto-uto. Hahahahahahaha" tawa pa ni Jade. Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig.
Akala ko pa naman totoo ko siyang kaibigan. Ako ko mabait siya. Akala ko kaya siya nagpapaturo ng assignments sa akin ay dahil sa gusto niyang mas maging close kami.
Pero lahat ng iyon puro maling akala. Nakakaiyak dahil hindi yata ako nakakakita ng totoong kaibigan. Yung kaya kang kaibiganin kahit ano ka pa.
Hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako at bigla akong napatakbo. Naramdaman yata nila ang presence ko kaya napalingon sila.
"Hala lagot ka Jade pinaiyak mo. Hahahahahaha". rinig ko pang sabi ni Trisha.
"Bayaan mo na yan, marami pa namang mga uto-uto diyan na pwedeng mapagpagawan ng assignments at tsaka hindi ko naman kawalan yun". Sabi ni Jade na mas lalong nagpaiyak sa akin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng school building.
Doon ko ibinuhos lahat ng hinanakit ko kay Jade.
"Kala ko talaga *sob* huhuhu.." iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.
Tiningnan ko ang oras at.... at...
Shemay late na ako sa 2nd subject ko at hindi ko napasukan ang 1st subject ko huhuhu.
Ano bang kamalasan ang kumapit sa akin ngayon. Hayyssst.
Hindi na lang ako papasok ngayon nawalan na ako ng gana.
Umuwi na ako sa bahay at nagulat pa ang mama ko ng makita niyang namumugto ang mata ko napaaga pa ang uwi ko. Hayyy. Magkakaroon na naman ako ng kasalanan. Magsisinungaling na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
ФэнтезиSi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...