Kate's POV
"Lola" tawag ko kay lola na nasa sala.
Pinaupo niya ako sa tabi niya at nagkweto.
"Alam mo ba apo na merong school na puno ng magic. Maganda ang school na iyon. Sabihin mo sa papa at mama mo na doon ka ilipat ng school para hindi ka na mahirapan diyan sa school mo na palagi kang binubully"
"Pero lola totoo po ba yung magic? Totoo po ba iyang sinasabi niyong school? At bakit niyo po nalaman na binubully ako sa school? Palagi kaya po kayo dito sa bahay". Tanong ko kay lola.
"Huwag ka nang madaming tanong apo. Basta sabihin mo na lang sa mama at papa mo na ilipat ka na sa school na iyon"tumango na lang ako kay lola kahit nacu-curios pa din ako sa mga sinasabi ni lola.
Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Umupo ako sa kama at kinusot-kusot ang mata.
Nagmulat na ako ng mata at......
Waaahhhhh 12:30 naaaa.
Bumangon ako agad-agad at naligo.
After 7 minutes natapos na din akong maligo.
Napagdesisyonan kong 'wag na lang pumasok dahil nakakahiya at dahil half day na lang din ang papasukan ko hindi na lang ako papasok at tinanatamad na din ako.
Nagbihis na ako at nagsuklay tapos nilagay na ang salamin ko.
Haayyy nako naman si mama hindi pa ako ginising. Hindi tuloy ako nakapasok.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...