Chapter 10: Secret Library

595 19 2
                                    

Si Girly po 'yung nasa taas.

____________________________________________________

Kate's POV

Kasalukuyan akong nandito sa dorm nila Jay. Palakad-lakad lang ako dito kanina pa. Hindi na ako naka-attend sa class ko. Kainis kasi 'tong lalaking 'to! Paimportante kasi.

Tinanong ko kanina kung bakit walang clinic dito, may healer naman daw kaya 'di na daw sila nagtayo ng clinic.

Iiwan ko na sana siya kanina dito kanina pero pinigilan naman ako. Wala 'daw magbabantay sa kaniya. Tapos gawin ba naman daw akong yaya!! Buti na lang mabait ako. Hindi pa kasi siya makatayo at hinihintay pa namin 'yung healer, tagal kasi.

Lakad lang ako nang lakad dito, wala magawa eh. Mas malaki ang dorm nila kaysa sa amin. Lima kasi sila dito. Kompleto din ang mga gamit nila dito kagaya sa amin.

Boring naman dito kainis. Umupo ako sa tabi ni Jay na kasalukuyang nanonood.

"Uyyy Jay, lipat mo nga 'yung channel. Pangit naman 'yang pinapanood mo eh" hindi ko kasi maintindihan 'yung pinapanood niya. Puro hayop naman 'yung pinanonood niya kasi ehhh.

"Ayoko nga, hanap ka sarili mong TV" sabi niya sabay ngiti na may halong pang-aasar.

Ughh!! Kainis talaga!!! Pasalamat ka talaga may masakit pa sayo.

Inirapan ko na lang siya at tumayo na lang ulit. Susubukan ko na lang libangin ang sarili ko dito sa loob. Lakad lang ako nang lakad dito habang nakahawak sa dingding nang biglang.....

"Ayy palaka!!!" sigaw ko dahil sa pagkabigla.

Ano ba 'to?!! Dilim naman dito. Bigla na lang kasi bumaliktad 'yung pader. Ano bang meron sa mga dorm nila at merong ganito? Baka training room din dito.

____________________________________________________

Jay's POV

Sarap talaga inisin nung babaeng 'yun. Lutang pa rin ako sa kakaisip sa nangyari kanina. Hindi ko kasi alam kung bakit may spark na lumabas kanina nung hinawakan niya kamay ko.

Kasalukuyan akong nagmumuni-muni nang biglang sumigaw si Kate.

"Ayy palaka!!!"

Bigla akong napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw.

Shit!! 'yung secret library ko!! Ako lang nakakaalam nun. Pero ngayon, alam na ni Kate!! Ano ba 'yan!!!

Pinadaanan ko ng palad ko 'yung dingding at bumaliktad naman ito kaagad. Pumasok ako at dilim ang sumalubong sa akin.

Binuksan ko 'yung ilaw at nakita ko Kate na nakapikit at parang may inaabot. Para siyang nangangapa sa dilim. Tumingin ako sa baba at andami ng nakakalat na libro.

Unti-unti niyang dinilat ang mata niya at tiningnan ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at binatukan ako. 

"Ouch!!! What was that for?" reklamo ko.

Ano kaya naisipan ng babaeng 'to at nambabatok? Nagpapapansin ba 'to?

Bakit naman siya magpapansin sayo?

Malay mo ano....

Ano?

Baka kasi cr---- teka nga, bakit ko ba kinakausap sarili ko? Tss. Nababaliw na yata ako.

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon