Chapter 9: Master Blaze

598 23 6
                                    

Kate's POV

habang nagkukwentuhan kami may bigla akong naalala.

"Umm.... guys, sino nga ulit yung Master Blaze?"

"Tsk... tinuro 'yan kanina 'di ka naman nakikinig" aba nandito pa pala 'to. Kanina pa kasi hindi nagsasalita.

"Ayyy buhay ka pa pala" nang-aasar na sagot ko kay Jay.

Biglang nagsalubong 'yung kilay niya. Hahaha ito na naman, maiinis na naman siya. Ansarap pala talaga inisin nito.

"Ano tingin mo sa akin? Patay?" inis na sabi nito.

Hinawakan ko yung mukha niya at kunwaring tiningnan-tingnan.

"Hmmm... oo, para kang patay sa itsura mo"

"What the... ako? Mukhang patay? Sa gwapo 'kong 'to? Ikaw lang nagsabi sa akin niyan" mayabang na sagot nito.

Aba kita mo nga naman, nakakapagyabang pa.

"Talaga? Ga'no kagwapo? Nagka-girlfriend ka na ba?" bigla silang tumahimik. 'Yung mukha naman ni Jay biglang sumeryoso. Para bang may nasabi akong masama.

"Ummm... may nasabi ba akong mali?" tanong ko.

"Nevermind" sabi ni Jay at tumahimik na naman.

"Ahhh si Master Blaze pala? Ano nga ulit yung tungkol sa kaniya?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Ayyy oo nga palaSi Master Blaze, sobrang gwapo niya, chinito siya. Kapag tumatawa siya, sobrang singkit na ng mata niya. Tapos------"

"Ano ba Gaize!!! Hindi ko naman tinatanong kung anong itsura niya. Sabi ko, ano 'yung tungkol sa kaniya. Basta kasi gwapo, alerto agad" pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"What?!! Gaize, I told you before that don't look at the other boys" reaksyon ni Topher.

Hmmm... I smell something fishy.

"Bakit ba? Hindi naman kita boyfriend ah" tutol naman ni Gaize.

"What? I don't understand. Speak in english"

"Ayoko nga. Bleh" pang-aasar ni Gaize.

Kita mo 'tong si Gaize, pakipot pa.

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon