Kate's POV
Nakarating na kami sa room namin at gaya nga ng iba, ganun din ang reaksiyon nila, pero this time, hindi na ako masyadong nahihiya.Umupo na kami sa upuan namin at dumating na din ang prof namin. Ang prof namin na kinakikiligan ni Gaize. Kaya ito si Gaize ngayon, parang kiti-kiti kasi kilig na kilig.
Nakasuot kasi si sir ngayon ng white t-shirt at naka fitted pants pa siya. Tapos meron pang shades na nakasabit sa t-shirt niya. Ang cool ng porma niya. Parang hindi siya teacher. Mas bet niya sigurong maging model!
Jusko Gaize! Mag hunos-dili ka! Aba naman. Pati prof namin papatulan.
Habang nag-didiscuss si sir, walang ginawa si Gaize kundi ang titigan si sir. Hay nako talaga! Napaka talaga niya!
Kawawa naman ang magiging boyfriend nitong si Gaize. Baka one week lang ang itatagal ng relasyon nila. Or di kaya 2 days? 1 day? 1 hour? 1 minute?! Hay jusko! Kung ano-ano ang pinoproblema ko. Dapat ang problemahin ko ngayon eh kung paano ko haharapin mamaya si Sir Bakulaw-----ay este Sir Baku L. Aw at kung paano ko din mapapalabas ang mahika ko.
Hanubayan! Napakalaki talaga ng problema ko. Sana naman may mag-magandang loob na tumulong para palabasin ang mahika ko eh noh! Para everybody happy! Dibels?!! Answer me!
Hayy, para akong tanga. Kinakausap ko naman ang sarili ko!
"Dismiss!"
Hala! Dismiss agad? Parang ang bilis naman ata ng oras. Jusmiyo! Ni wala akong naintindihan sa sinasabi ni sir!
"Hoy Kate, ayos ka lang?!" ani Gaize na may halong panggugulat.
"Ano ba?! Kailangan ba talaga manggulat?"
"Ayyy sorry naman. Hehehe peace na tayo" tsk paborito na talaga ni Gaize ang pagsabi niya ng PEACE NA TAYO sa akin!
"Anglalim yata ng iniisip mo Kate ah" singit ni Gaily.
I let out a sigh at mangiyak-ngiyak na tumingin kay Gaily.
"Gaily, paano ko haharapin si Sir Bakulaw-------este Baku L. Aw?! Napawalk-out ko siya kahapon! Paano ha?! Paano!"
"Hala ka Kate! Baka ipatawag ka sa Headmaster's Office (HO)! Kapag pinatawag ka, isama mo ako ha?! Para makita ko si Greg my-----arayyyy!"
"Ikaw talaga Gaize! Kung sino-sino pinapatulan mo! Pati ang headmaster natin papatulan mo!" sabi ko habang hinihila ang buhok malapit sa tainga niya.
"Tama na 'yan Kate. Ang dapat mong problemahin ay kung paano lalabas ang kapangyarihan mo" natigilan ako dahil sa sinabi ni Gaily.
"Jusko naman! Bakit mo pinaalala?! Pilit ko na yung kinakalimutan eh! Gaize magpatawa ka na lang ulit, bilis!"
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...