Si Gaily May Seandy po yung nasa taas
____________________________________________________Kate's POV
Naalimpungatan ako ng may marinig akong mga nag-uusap.
"Ano kaya pangalan niya?" tanong ng isa na may straight na buhok.
"Hindi ko alam eh. Tanungin na lang natin mamaya" sabi naman nung may kulot na buhok.
"Sana malakas din ang puwersa ng magic niya noh" sabi ulit nung mayroong straight na buhok.Tumango naman yung kulot ang buhok.
Teka..... ano sinabi nila?
Magic?
Tsk. Kung ano na sinasabi ng mga ito. Ito na sigurong dalawang ito ang ka-roommate ko.
Bumangon na ako at umupo sa kama.
"Hi!!!!" bati ko sa dalawa. Mukhang nagulat sila dahil gising na ako.
"Naabala ba namin tulog mo? Pasensya na ah, ganito talaga kami ehh masyadong maingay. By the way highway, ako nga pala si Hailee-- Hailee Gaize Jazel" sabi nung straight ang buhok na Hailee.
"Ako naman si Gaily May Seandy" sabi naman nung may kulot ang buhok na ang pangalan pala ay Gaily.
"Nice to meet you. Ako naman si Glycy Kate Santilo at 15 years old na ako" pagpapakilala ko sa dalawa.
"So..... pwede ba tayong maging friends?" tanong ni Gaize.
"Friends? I mean..... hindi naman ako bagay na maging friends niyo dahil sobrang ganda niyo tapos ako? Isa lang akong nerd na palaging binubully noon sa dati kong school"
nagulat naman silang dalawa dahil sa sinabi ko. Nakabawi naman agad sila sa pagkagulat."Ano ka ba naman, sobrang ganda mo rin kaya. 'Di ka lang kasi masyadong nag-aayos at tsaka malabo na ba mata mo?" tanong naman ni Gaily.
"Hindi pa malabo mata ko, ayoko lang talagang mapansin ng iba kaya nag-eyeglasses na lang ako para hindi ako mapansin kasi sa dati kong school hindi pinapansin ang mga nerd kaya ayun nagpakanerd na lang ako" mahabang detalye ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...