Chapter 2: Strange feelings

773 23 6
                                    

Kate's POV

Natapos na ang klase namin at pauwi na ako sa bahay.

Hayy buti na lang at wala akong nakasalubong na mang-aaway at mananabunot sa akin.

Nakauwi ako sa bahay ng mapayapa. Mapayapa talaga?

"Ma nandito na po ako" sigaw ko mula sa sala namin at lumapit kay mama at nagmano.

"Pa" tawag pansin ko kay papa na nagbabasa ng dyaryo at nagmano.

"Gusto mo ba ng meryenda anak?" tanong ni mama.

"Sige po ma aakyat lang po ako sa kwarto at magbibihis lang" tumango naman si mama at umakyat na ako sa kwarto.

Habang nagbibihis ako parang biglang sumakit yung kamay ko at para itong nakukuryente.

Geezz. Ano kaya yun?

Hayaan ko na nga lang baka bigla lang namulikat.
Nagbihis lang ako ng short at damit na may tatak sa likod na GLYCY.

Bumaba na ako at sakto na nakapaghanda na si mama ng meryenda.

"Mama, Papa sabay na po kayong magmeryenda sa akin" tawag ko sa kanila.

"Sige 'nak" sabay na sabi ni mama at papa. Nagkatinginan pa sila at sabay pa tumawa at syempre tumawa na lang din ako baka ma-op (out of place) pa ako.

"Mama, Papa bakit biglang parang nakuryente yung kamay ko at parang may gustong lumabas?" nakita ko pang nagkatinginan sina mama at papa at biglang ngumiti.

"Ahh wala lang yan anak baka namulikat lang." sabi ni papa. 

"Ok po" sabi ko na lang.

Habang nagmemeryenda ay biglang nagsalita si mama.

"Ilang taon ka na nga anak at anong year mo na?" tanong ni mama. Medyo nagtaka pa ako sa tanong niya pero sinagot ko pa rin.

"15 na po ako at 3rd year na po ako" tumango-tango nalang si mama at papa sa sagot ko.

Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako.

"Ah mama, papa akyat na po ako sa kwarto ko" paalam ko sa kanila.

"Sige 'nak at sabihin mo din samin kung may mapapakiramdaman ka ulit na gano'n ha"
Nagtataka man ako sa sinabi ni papa ay tumango na lang ako.

Umakyat na ako at pumasok na sa kwarto.

Nagbabasa ako ng biglang umilaw yung libro at parang may lumabas sa kamay ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon