Chapter 15: Be brave

461 19 1
                                    

Kate's POV

Puta mga pre!!!

Gandang pambungad noh?

Bwiset kasi eh!

'Yung feeling na nagpakapagod kang hanapin siya para lang mag-thank you tapos hindi mo siya mahanap! Tapos siya?! Nandon lang! Nagpapakasaya sa panaginip niya!

Joke lang hindi ko alam kung nanaginip siya. Basta 'yun na 'yun kunwari na lang nanaginip siya!

Tinanong kasi ni Wayne kung nasaan daw siya kagabi, tapos sabi naman niya natutulog lang daw siya! Kainis kaya 'yun diba?! Diba? Diba?!

Sumagot kayo ng oo. Kapag hindi kayo sumagot susunugin ko bahay niyo!

Charot lang!

'Kala mo naman kya mong sunugin. Hindi mo nga malabanan si Jade--- este Princess Jade noon sa pang-bubully niya sayo'. Sagot ng walanghiya kong konsensiya.

Hindi ka ba makaintindi? Sabi ko charot lang diba? CHAROT! C-H-A-R-O-T. Peste kang konsensiya ka! Tumahimik ka nga diyan, paepal ka sa drama ko eh.

'K fine' sabi pa ng walanghiya kong konsensiya sabay talikod at flips hair. ‎

Kala mo ikaw lang marunong mag-flips hair ha! Ako din noh!

Nag-flips hair din ako sabay irap.

Nabalik ako sa reyalidad nang bigla nila akong sigawan kaya naman ay napatalon pa ako at napahawak pa sa dibdib ko.

"Bakit niyo ba ako sinigawan?"‎

"Tulala ka kasi tapos bigla-bigla ka na lang nag-flips hair!" sabi ni Aaron.

"Oo nga.... tapos nakita pa kitang umirap. Iniirapan mo ba ako?" mahinhin na tanong ni Girly.

Gosh! Si Girly kasi 'yung kaharap ko! Baka magalit pa sila sa akin. Walanghiya ka talagang konsensiya ka, imbis na tulungan mo ako pinapahamak mo pa ako.

Kailan ko mag-isip ng idadahilan! Alangan naman na sabihin ko na inirapan ko konsensiya ko diba? Edi nagmukha na akong baliw!

"Ah.... kasi...... ano may iniisip lang ako. Oo tama! May iniisip lang ako. Hehehe" palusot ko.

Muntanga naman ng palusot ko. Hayst. Bahala na, kaysa magalit pa sa akin 'yung tao.

"At ano namang iniisip mo at napapairap ka pa?" nang-aasar na sabi ni Jamie sabay tawa.

Aba't nananadya pa!

Urghh! Isip bilis isip!

Ah!!!!

"Kasi iniisip ko kung saan natulog si Jay kahapon. Antagal ko kaya siyang hinanap!" 'yan tama 'yan. Baka maawardan pa ako ng best actress.

Pero may part naman na totoo sa sinabi ko diba? Hehehehe.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" mapang-asar na sabi ni Jay.

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon