Kate's POV
Nakarating na kami sa tapat ng classroom namin na hinihingal. Anlayo kasi ng tinakbo namin. Nang makapagpahinga na kami ng konti ay kumatok na si Gaily.
Lagot ako neto, first day ko pa lang late na agad ako.
*tok tok tok*
Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang lalaki na makisig at napaka-gwapo. Tiningnan ko si Gaize at namumula ang pisngi nito.
Hayyy nako Gaize, kailan ka kaya magbabago? Pati prof natin papatulan mo.
"Bakit ngayon lang kayo ha?" at tumingin sa akin. "Oh, you must be the new student here. Am I right?" tanong pa nito.
"Ummm.... yes sir" sagot ko.
"Okay come in.... what's your name?" tanong uli ni sir.
"Glycy Kate Santilo po sir"
"Okay.. Kate come in and you two," turo nito sa dalawa "ano pipilin niyo? Makikinig kayo sa klase na nakatayo o lalabas nalang kayo" sabi ni sir.
Ang terror naman pala ni sir.
"I can read your mind Miss Kate" muling sabi nito.
"Sorry sir" paumanhin ko.
"So... kayong dalawa, ano pipiliin niyo?" tanong muli nito.
"Hala sir, bakit andaya naman ata. Si Kate papapasukin kami papasukin nga pero papatayuin ng buong klase?" hahahaha magmakaawa ka Gaize.
"Magrereklamo ka pa?"
"Ahhh hindi na sir" bawi nito sa sinabi.
Pumasok na kami at pumunta na lang ako sa likod ni Gaily.
"Hep hep hep..... Miss Gaily? Miss Gaize? Bakit kayo uupo?" hahaha lulusot pa talaga 'tong dalawang 'to ah.
"Hala sir, seryoso ka talaga kanina?" tanong naman ni Gaily.
Kaya pala nananahimik 'to kanina. Kala siguro nito hindi tototohanin ni sir yung sinabi niya.
"Oo naman bakit? May rules tayo dito diba? At lahat tayo dito pantay-pantay. Walang royalty-royalty dito. Lahat pantay-pantay. Maliwanag ba class?" tanong ni sir.
Mamaya na lang ako magre-react, baka mabasa pa nito nasa isip ko. Malagot pa ako.
"Yessssss Sir" sagot naming lahat.
"Anyway, we have a new classmate here. Miss Kate, introduce yourself." sabi ni sir.
"Glycy Kate Santilo, 15 years old" maikling pakilala ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...