Kate's POV
Naalimpungatan ako ng may kumatok ng malakas sa pinto ko.
"Kate nakabihis ka na ba?" rinig ko pang sabi nito.
Tinakluban ko ng unan ang tenga ko at pinilit ulit matulog.
"Hoyy Kate labas na bilis" rinig ko pang binuksan ni Gaize ang pinto. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at pinalo ako ng malakas.
"Wala ka ba talagang balak na bumangon diyan ha?" inis nitong tanong."Bakit ba? Ano ba ang iniuungot mo diyan ang aga pa kaya. Mamaya pa namang 8:00 yung pasok natin diba?" gisingin ba naman ako ng alas-sais. Sino hindi maiinis dun?
Konting lakad lang naman nandiyan ka na sa room. 7 minutes lang naman ako maligo at hindi naman ako matagal kumain ahhh.
"Ayy makakalimutin na talaga toh. Ngayon tayo maglilibot diba? Magsasabi-sabi ka di mo naman pala tutuparin. Bumangon ka na diyan at male-late na tayo kapag 'di ka pa bumangon diyan. Aba! Malaki tong University na 'to noh!" sabi pa nito.
Agad naman akong napabalikwas ng sabihin niya iyon. Hindi na ako nag-abalang sagutin siya at tumakbo na ako sa CR at agad na naligo.
Pagkatapos kong maligo tumingin agad ako sa orasan. 6:05 na. Bumilis ang pagligo ko ng 2 minutes. Wala na din si Gaize sa kwarto ko.
Agad akong nagbihis at nagsuklay na. Nag-isip muna ako kung susuotin ko ang eyeglasses ko o hindi.
Sa huli, sinuot ko pa rin ito. Hindi ko kasi ma-imagine na lalabas ako ng walang salamin. Sanay na kasi akong nakasalamin.
Agad akong bumaba at nakita ko sila sa dining area. Naghahain pa lang sila.
"Buti umabot ka" sabi ni Gaily.
Sinimangutan lang niya ito at umupo na. Matakaw kasi itong dalawang ito na kagaya ko hehehehehe.
Kain lang ako ng kain hanggang sa maubos ko na ang kinakain ko. Tumingin ako sa dalawa at katatapos lang din nilang kumain.
"So, tara na?" aya ni Gaize.
Tumango lang kami ni Gaily at tumayo na. Sa totoo lang hinidi ko pinagmasdan itong school na ito. Wala naman kasi akong pakialam, pero dahil iba dito at may magic dito, kaya masasabi ko na interesting ang paglibot dito.
Lumabas na kami at una naming pinuntahan ang 1st wall. Ano ginagawa namin dito? Isang malaking wall lang naman ito ah na may kulay red na pintura.
"Uyyy, sabi niyo dito nakalagay yung mga sandata? Eh nasaan na?" tanong ko.
Tinawanan lang ako ng dalawa at nagulat ako ng pumasok sila sa dingding.
Wow, ganoon pala yun.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...