Chapter 13: Pikon na teacher

562 21 3
                                    


Kate's POV

Nathimik lahat nang pumasok na ang prof namin. Magsisimula na ang training. Shit na malupet.

Nagsisimula na naman akong kabahan. Self-defense ba gagawin ko?

Ay tanga! Ano laban ko sa mahika kung magseself-defense lang ako?! Putik. Bakit ba ayaw pa lumabas ng werpa ko.

Nagsimula na ang training. Pinag-partner-partner kami. Kung sino yung partner mo siya yung kalaban mo. Sana wala sa royalties yung partner ko. Kung isa man sa kanila ang partner ko, panigurado tigok na ako.

Ayoko ko pa mamatay noh. Iaanounce na ng prof namin kung sino yung magkakapartner.

"Prince Topher and Princess Jamie, ‎Prince Wayne and Princess Gaize, Prince Jay and Princess Gaily, Prince Aaron and Princess Girly, and Prince Clark and..... huh?" tiningnan niyang mabuti ang nasa listahan niya tsaka nagsalita. "And Kate?" sabay tingin ulit sa listahan. "But she's not even a Princess" rinig ko pang bulong ni Prof.

Teka lumalakas na ang pandinig ko ah. Hmmmm.... baka isa na 'yun sa kapangyarihan ko!!! Oh yesssss!!

'Teka 'wag ka muna mag-assume baka umasa ka lang sa huli' rinig kong sabi ng konsensiya ko.

Paki mo ba kung mag-assume ako!

'Gaga! Sinasabi ko lang na 'wag ka na mag-assume na magagamit mo pa 'yang pandinig mo kasi siguradong tigok ka na mamaya. Aasa ka lang. Hindi mo na magagamit 'yang pandinig mo kapag tigok ka na hahahahaha'

Ayyy oo nga pala. Aba! Bakit mo pa ako tinawanan. Wala kang modong konsensiya ka. Kakabwiset!!! Tsaka kapag tigok na ako, tigok ka na rin kasi wala ka nang makokonsensya. Bleh!

'Ayy ganon ba yun? Kung ganon, wag ka muna magpatigok. Siguradong mababawasan ng kalahating porsyento ng magaganda sa Pilipinas kapag wala na ako. Oh my ghad'

OA kang konsensiya ka. Tsaka hindi mababawasan ng kalahating porsyento ng magaganda sa Pilipinas kapag wala ka na, mawawala lang yun kapag tigok na ako okay? Kaya 'wag kang masya-----

"Miss Kate are you listening? Kanina ka pa pabaling-baling ng ulo dyan! Hindi ka ba napapagod?" napayuko ako sa sinabi ni Prof. Kainis kasing konsensya 'yan, pahamak.

"Sorry Prof, winawarm-up ko lang po 'yung leeg ko" sabi ko sabay ikot-ikot ng leeg ko. Galing ko talaga magsinungaling! Patawarin sana ako ni Papa Lord.

"All of you should listen to the instructions that I will say to all of you especially you Miss Kate. It's just your first day right?" dada--- este sabi ulit ni Prof.

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon