Kate's POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria at hinihintay ang pagkain ko.Syempre 'yung libre!!!!
"Uyy Kate, bakit 'di ka pa umorder?" tanong ni Wayne.
Kulit naman ng budhi nito. Kanina pa tanong nang tanong. Ayaw pa maniwala sa sagot ko.
"Ililibre nga kasi ako ni Jay!!! Bakit ba ayaw mo maniwala?" inis na saad ko.
"Hindi kasi siya nanlilibre eh. Ikaw pa lang yata first na ililibre niyan. Damot kasi ehh!!" napapakamot sa ulo na sabi nito.
May kuto ba 'to. Kanina pa 'to kamot nang kamot.
Paki naman niya kung ako first niya ililibre?!! Eh sa... may deal kami ehh.
"Gusto mo sumbong kita sa kaniya?!! Wala lang dito 'yung tao kung ano-ano na sinasabi mo tungkol sa kaniya" pananakot ko.
"Hala! Hala!! Wag mo gagawin 'yan. Patay ako 'pag nagkataon" may halong pagmamakaawa na sabi nito. Inirapan ko lang siya at ibinaling ang tingin sa cellphone ko.
Tsk! Takot naman pala eh. Lakas ng loob magsabi ng kung ano-ano tungkol dun sa tao.
Ang tanong, tao ba siya?
Bad mo naman. Tao 'yan uyy. Kaso nga lang parang may saltik. Hindi maintindihan kung anong gusto. Minsan mabait, minsan masungit at minsan naman galit. Bilis magbago ng mood. Buti na lang na-uto ko kanina.
Medyo nagkulang kasi 'yung allowance ko. Good for 1 week lang kasi binigay nilang allowance ko. Dadagdagan sana ni mama 'yung allowance ko kaso ako itong mabait hindi ko na lang tinanggap.
Malay ko ba na mahal ang tinda nila!! Gawa 'yata sa ginto eh.
Kanina pa ako naghihintay dito sa lamesa eh, tagal naman nun. Madami siguro binili niya.
Tiningnan ko 'yung mga kasama ko at nagsisimula na silang kumain. Tumingin ako kay Wayne at sakto naman na tumingin din siya sa akin.
Ngumiti ang loko at saka sumubo habang nakatingin sa akin.
"Hmm.... tsaraaaap!!" aba't may gana pang mang-inggit ang loko.
Inirapan ko lang siya at naghintay na lang ulit.
Nasaan na ba 'yun? Tagal naman.
15 minutes na siyang wala, nagugutom na ako. Hindi na ako nakapaghintay at tumayo na.
"Hmmm...uhmmm.. hmmm.."
"Ano ba, Wayne. 'Wag ka nga muna magsalita, may laman pa bibig mo ohh" inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...