Kate's POV
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.Tumagilid ako para maiwasan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Nakalimutan ko bang isara ang bintana?
Ay shunga, wala nga pala akong bintana dito sa kwarto ko!
Eh ano yun? May nagtututok ba ng flashlight sa mukha ko? Ay peste! Natutulog yung tao eh! Siguradong si Gaize 'to. Siya lang naman ang may lakas ng loob para sirain ang napakaganda kong tulog.
"Ano ba! Natutulog pa ako Gaize! Hindi mo ba nakikita?! Bastos ka din eh noh!" inis kong sabi habang nakapikit pa din.
Narinig ko naman ang mahinang pag-'huh?' niya.
Peste ka talaga! Nakakasira ng beauty rest, hmp!
Dumapa ako at tsaka ko minulat ng konti ang mata ko.
Hmmm....pinalitan ko ba ang bed sheet ko? Kulay sky blue lang 'to kahapon eh. Bakit kulay white na ngayon? Wala naman akong matandaan na pinalitan ko 'to eh.
Ahh baka pinalitan ni Gaily.
Anong oras na ba? Hindi pa naman siguro ako late noh?
Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa table sa tabi ng kama ko pero wala akong makapa na cellphone. Ayy mali! Wala akong makapa na table!
Agad akong napabalikwas ng bangon at tumingin-tingin sa paligid.
Hindi 'to ang kwarto ko!!!!!
"Oh, gising ka na pala"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na may kulay white at black ang buhok.
"Ahhh!!! Sino ka?! Bakit ako nandito?! Kinidnap mo ako?!" pero wala akong maalala na kinidnap ako " Anong gagawin mo sa akin?! Anong kailangan mo?! Wala kaming perang pang-ransom ng pamilya ko! Saan mo ako dinala?! Ano------"
"Woah! Woah! Chill ka lang! Hindi kita kinidnap. Wala naman sa mukha ko ang mang-kidnap diba? Wala rin akong gagawin sa'yo. Wala rin akong kailangan sa'yo. Hindi rin ako humihingi ng pera pang-ransom dahil marami na ako niyan. At isa pa....." sabi nito sabay lapit sa akin "Dapat ako ang magtanong sa'yo kung bakit ka nandito?"
Kinunutan ko siya ng noo at tiningnan siya ng nagugulahan kong mga mata ngunit napakaganda.
Napairap na lang siya nang makitang wala akong alam sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Nerd Is A Powerful Princess
FantasySi Glycy ay isang nerd na laging binubully sa Fade academy. Dati silang mayaman. Nagkasakit ang lola niya noon kaya naubos ang kanilang pera pampagamot sa kanilang lola. Kinalaunan namatay din ang kanilang lola. Naging simple na din ang buhay nila...