Chapter 12: Crocodile Legends and Royalpapips

566 22 3
                                    

Kate's POV

Natapos na kaming kumain at inaasar pa rin ako ni Wayne. Si Jay naman hindi pa rin nakaget-over sa sinabi ko kanina. Hawak-hawak pa niya 'yung pisngi niyang sinuntok ko. Namumula pa rin 'yung pisngi niya. 

Napalakas ba suntok ko

Baka naman magkaroon pa ako ng kasalanan? Teka, ano nga ulit dahilan kung bakit ko siya sinuntok? Ahh oo nga pala. Sinabi niya nga pala na nagseselos ako pero hindi naman talaga. 

Mababaw ba na dahilan 'yun? Ewan ko!!!! Basta sa akin hindi mababaw 'yun. 
Naiinis ako sa kaniya. Matapos niya akong ginutom. Dapat makaganti ako noh.     

Kainis talaga 'yung damuho na 'yun
____________________________________________________________

Pumunta na kami sa next subject namin. Kaklase ko ngayon ang lahat ng Royalties.!!! Oh diba bongga. Kaso hindi ako masaya ngayon. :(

Tuwang-tuwa ang lahat sa room dahil excited na sila sa gagawin namin ngayon sa subject na 'to. Pero ako? Hindi ako excited!!

Paano ba ako mae-excite?!! Ang subject lang naman po namin ngayon ay TYOP. Hindi ko nga alam nung una kung ano 'yung TYOP, pero sabi ni Jamie, Train Your Own Powers daw. Palagi daw nilang ginagawa 'to. Palagi silang pumupunta sa training room at isa-isang nagpapakitang gilas  gamit ang kani-kanilang mahika. 

Excited din sana ako ehhh. Pero wala naman akong powers. Paano na 'yan? Ano excuse ang sasabihin ko? Diba ang sabi ni Gaize at Gaily baka kung ano daw ang gawin ng ibang estudyanteng magicians sa akin kapag nalaman nila na wala pa itong mahika?!! Ayaw ko naman na maitakwil dahil pakiramdam ko ay ligtas ako dito sa University. 

"Gaize," pagtawag ko kay Gaize na halos mapunit na ang mukha sa kakangiti. 

Buti pa siya nakakangiti ng maayos. 

"Bakit?" 

"Paano na ako?" tanong ko na puno ng pag-aalala. 

"Ano'ng paano ka na?" takang tanong ni Gaize.  

Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, ang slow!!! Sobra!! 

"Wala akong powers. Paano na 'yan?"

"Ewan ko" sabi nito sabay irap. 

Aba!! Inaano ko 'to? Kala ko ba concern 'to sa akin. Si Gaily na nga lang tanungin ko. 

"Gaily, paano na ako?" 

"Hindi ko din alam Kate ehh. Hindi naman sila tumatanggap ng excuse dito maliban na lang kung pinapatawag ka sa Headmaster's Office. Kahit sabihin mong may sakit ka, hindi nila tatanggapin dahil marami tayong healer dito na classmate natin ngayon" sabi ni Gaily. 

Oh diba!! Bilis niya pumick-up. Samantalang si Gaize, sobrang slow.

"Ganun ba?!! Siguro susubukan ko na lang magself-defense" kahirap namang buhay 'to. Siguradong bagsak na ako sa subject na 'to kung hindi pa lumabas 'tong powers ko. Paano ba lumabas 'to. 

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon