Chapter 14: Missing Jay!

438 21 4
                                    

Kate's POV

Pinili ko na lahat ng gusto kong piliin sa 3rd wall dahil lililibre naman ako ni Clark. Syempre lulubos-lubosin ko na. Baka hindi na maulit eh. 

"Andami naman niyan Kate. May pagbibigyan ka niyan?" tanong sa akin ni Girly na halos wala pa sa 1/4 ng kinuha niya sa kinuha ko. Anghinhin talaga nito. Pati sa pagpili ng kakainin niya anghinhin pa rin. 

"Wala akong pagbibigyan nito. Kakainin ko lahat 'to, yun ay kung walang manghihingi sa akin" nangingiti ko pang sabi at sinadya ko pang lakasan ng konti ang boses ko para marinig ni Gaily at Gaize na sila din namang umubos ng binili KO noon na MGA pagkain. 

"Parang baliktad ang nangyari ngayon ah. Nung last na pumunta tayo dito ay ikaw pa 'tong pinagsasabihan kaming mag-budget. Pero libre naman sa amin kasi Royalties kami, tapos ngayon ikaw naman ang may pinaka madaming kinuha sa ating lahat. Ano nang nagyari sa budget budget mo?" pagsingit naman ni Gaily.  

"Libre naman ni Clark, kaya okay lang."

"Ang bad mo naman. Baka maubusan ng allowance si Clark niyan"

"Hindi 'yan, mayaman naman siya eh"

Nagkitbit-balikat na lang siya at tsaka sinamahan na nila akong magbayad ng milyones sa cashier! 

"Paano mo mabubuhat lahat ng 'yan" tanong ni Jay. 

Ang totoo hindi ko din alam. Hehehe. Andami kasi eh. Kung bubuhatin ko lahat ng 'to, baka magpabalik-baik pa ako dito sa sobrang dami. Kung magpapabalik-balik ako, paniguradong late na ako sa next subject namin. Ang alam ko pa naman masungit 'yung next teacher namin. 

"Hindi ko din alam eh...... ah! Alam ko na! Tulungan niyo na lang ako magbuhat. Tutal marami kayo kaya paniguradong hindi na ako magpapabalik-balik dito para buhatin lahat 'yan" suhestiyon ko. 

Pero ang mga walanghiya. Nagsitalikudan, ang malala pa ay pumunta na sila malapit sa paglalabasan namin mula dito sa 3rd wall. Kaya ang lagay ay parang iniintay na nila ako doon sa labasan. Bwiset!

Wala akong choice kundi pagpatung-patungin lahat ng pinamali ko saka ko binuhat para hindi na ako magpabalik-balik. 

Pero hindi pa ako nakaabot sa pwesto nila ay pagod na ako. 

"Bilisan mo naman Kate" kunyarens naiinis na sabi ni Aaron pero halata naman na natatawa siya dahil sa lagay ko ngayon. 

The Nerd Is A Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon