THE LAST BEAT OF MY HEART
PROLOGUE
"Mommy! Look! I've got a butterfly!". Masayang sabi ng bata sa kanyang Ina na nag hihintay sa ilalim ng punong akasya. Masaya ang bata sa pag lalaro sa hardin ng kanilang malaking tahanan. Kasama ang kanyang mapagmahal at maunawaing mga magulang. Isa silang larawan ng buo at masayang pamilya.
"Anak. We have a surprise for you! Happy 6th birthday!". Maligayang bati ng kanyang Ama na maydalang malaking regalo.
"Open it anak!". nakangiting sabi ng kanyang Ina.
Masayang binuksan ng bata ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang. "WOW! A puppy!". masaya at puno ng galak na niyakap ng bata ang kanyang mga magulang. "Thank you Mommy! Thank you Daddy! I love you! You're the best parents!". noong gabing iyon ay napuno ng masasayang tawa at hagikgik ang tahanan ng pamilya ng munting bata. Umpisa pa lang iyon ng kanilang masasayang mga araw at buwan.
ONE YEAR AFTER...
"Anak... Catch!". sigaw ng Ama sa kanyang anak habang nag lalaro sila ng Freesbie.
"Dad! Wait your so fast!". hinihingal na angal ng munting bata.
"You're so young para hingalin, Malakas pa si Daddy sa'yo ah!". Natatawang sabi ng Ama.
"Hmp! you're cheating naman eh! Dapat pinag bibigyan moko!". nagtatampong maktol ng bata.
"Oh, Sya.. Tama na muna kayong ,mag ama dyan, Miryenda muna". Maya maya ay tawag ng Ina ng bata na kakalabas lang mula sa loob ng bahay . mya dala itong meryenda para sa mag Ama nya.
"Mommy.. Si Daddy oh! dinadaya ako!". nagsusumbong na sabi ng bata na yumakap sa beywang ng kanyang Ina.
"Hayaan mo na ang Daddy mo, Minsan lang yang tumakbo ng ganyan". nakangiting pang aalo ng Ina sa bata. "Kumain ka nalang. I cooked your favorite miryenda!", mabilis nag bago ang mood ng bata sa narinig. She love to eat turon and chocolate drink for miryenda.
"This is the best miryenda ever Mommy! thank you!". nag lalambing na yumakap ang bata sa kanyang Ina.
"Eh pano naman si Daddy?". Kunwari'y nag tatampong sabi ng Ama.
"Syempre you're the best Daddy in the whole wide world". yumakap din ang bata sa kanyang Ama.
"Bakit si Daddy lang yung may Whole wide world?". tampo ng Ina
"syempre ikaw din Mommy". Masayang niyakap ng bata ang kanyang minamahal na magulang.
Naging masaya ang mga sumunod na araw para sa pamilya. Sa Umaga ay papasok ang Padre de pamilya at maiiwan ang Mag ina nya. Mag hapon nag lalaro ang bata at lubos na ine-enjoy ang kanyang kabataan. Habang ang Ina naman ay nag lilinis ng bahay. Pag sapit ng hapon ay mag kasamaang mag ina na tatayo sa pintuan ng kanilang bahay at iintayin ang pag dating ng Padre de pamilya.
Ngunit sa pag lipas ng mga araw ay lubhang kapansin pansin ang pananamlay ng munting bata. Hindi na ito palaging nag lalaro madalas na nakatanaw lang sa bintana at nakahawak sa dibdib.
"Bakit parang may kakaiba sa anak natin?". Minsan ay tanong ng Ina sa kanyang Asawa. nakatanaw sila sa munting bata na matamlay na nag lalaro sa hardin.
"Hindi ko alam wala ba syang dinadaing sa iyo? muka syang may sakit". sabi ng Ama.
"I-pa-Check up na natin Hon". Suhestyon ng Ina.
At nag kasundo sila na dalhin sa ospital ang bata. ngunit ng lingunin nila ang kinaroroonan ng munting bata ay laking gulat ng mag asawa na naka higa na sa damuha ang kanilang mahal na anak.
YOU ARE READING
The Last Beat of my Heart
RomanceTHE LAST BEAT OF MY HEART Anong gagawin mo kung isang araw sinabi sa iyo na, Malapit na ang oras mo? Na maaring ano mang araw ay bigla nalang tumigil ang tibok ng Puso na mag huhudyat ng katapusan mo. Paano mo gugugulin ang mga nalalabi mong araw, o...