LBMH: Chapter four

10 0 0
                                    







....IT WAS CLOUDY... all I can see was fog and it was blurring my vision again.. Yes! Again.. It feels like it happened already. Nasaan ba ako? Anong lugar ito? Wala akong makita kundi puro usok . Nag simula akong mag lakad kahit hindi ko naman nakikita ang dinadaanan ko. Kahit hindi tiyak kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nag lakad ako ng nag lakad, Kailangan kong makaalis dito. Sa lugar na ito. Patuloy akong nag lakad hanggang sa makarating ako sa ilalim ng malagong puno. Teka? Puno? Bakit may puno dito? Hindi naman sa pangit yung puno kaya lang nakakapag takang mabuhay ng malusog ang punong ito sa kabila ng realidad na walang kabuhay buhay ang buong paligid ng kinalalagyan nya. Bigla ko tuloy naalala na parang ako lang ang punong ito. pilit na nabubuhay kahit na walang kulay ang mundong ginagalawan ko. Inilibot kong ang tingin ko sa paligid, Nakakatakot kung titignan ang usok na bumabalot sa buong paligid, ngunit kataka katang wala man lang akong madamang takot.Bagkus ay kapanatagan ang nararamdaman ko.

Nasaan ba talaga ako. Tiyak na hindi ito ang langit, At lalong hindi ito ang impyerno. Siguro ito ang purgatorio. Kung saan binibigayan ng pagkakataon ang isang namatay na mag sisi sa lahat ng kanyang mga naaging kasalanan noong nabubuhay pa sya. Para balikan ang mga huling sandali sa kanyang buhay. Upang alalahanin ang mga nagawa nya habang nabubuhay pa sya. Kung ganoon nga ... Saan ba ako mag sisimula? Parang wala naman akong nagawang mabuti sa buong buhay ko. Ang kasalanan ko lang ay yung pag suway ko kay Mom at Dad at pagtatanim ko ng sama ng loob sa mundo dahil sa kundisyon ko. at ang madalas kong pag away kay Tammy, OO si Tamara isa syang ,mabuting kaibigan, Sya ang kabaligtaran ko. Puno ng saya at kulay ang buhay nya. Marami syang kaibigan at halos nalibot na nya ang maraming magagandang lugar sa lupa. samantalang ako bukod sa kwarto at bahay namin wala na akong ibang nalibot. Kaya ko na ngang gumalaw sa bahay kahit nakapikit ako. Kung hindi pa ako sinaman ni Tammy sa hiking nila baka hanggang ngayun hindi pa ako makakaexperience ng pag akyat ng bundok kahit na muntik na akong atakihin at sinungitan pa ako ng lalaking yung, ayus lang basta nag enjoy ako. wala naman ako magandang ala-ala nuong bata pa ako. Ang naalala ko lang nun ay yung masasayang tawanan ng mga batang nag lalaro habang ako nakakulong at nakatanaw lang sa kanila pilit na sumasali sa laro nila kahit sa isip ko lang. Bukod kay Tammy wala na akong ibang kaibigan. Naalala ko din ang pag labas pasok ko sa ospital dahil inatake nanaman ako . Ang madalas na pag aaway nila Mom at Dad dahil sakin. Kung hindi nag mumukmok at umiiyak ay wala naman akong ginagawa . Nag iisip lang ako kung ano kaya kung matapos na ang pag hihirap ko. Sa murang edad ko naisipan ko nang kuwestyunin ang Maykapal kung bakit nya ako pinahihirapan ng ganito. Deserve ko ba 'to? May nagawa ba akong masama para parusahan nya kami ng ganito. Sa murang edad ko naisip ko ng wakasan ang buhay ko. Pero kapag nasapunto na akong hihiwain ko na yung pulsuhan ko. Palagi kong naalala sila Mom at ang mga sakripisyo nila para mabuhay lang ako. Na kahit hirap na hirap na sila pilit parin silang kumakapit sa pag asa na baka gumaling ako. Kaya hindi ko nalang tinutuloy. Kaya wala naman akong dapat balikan sa buhay ko. Kasi wala naman halaga ito. Kahit buhay ako at humihinga ni minsan hindi ko naramdaman ang tunay na kahulugan ng salitang BUHAY. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa dami ng iniisip ko.

"Self pitty again? I see". anang isang boses na ikina gulat agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon ngunit wala naman akong makita.

"May tao ba dyan?". Tanong ko ngunit wlang sumagot .. Napailing ako mukang nag ha-halucinate na ako.

"Kumusta?''. Muli ay may nag salita.

"Sino ka?". Tanong ko Posible bang may iba pang tao dito bukod sakin? "Sino ka!". Sigaw ko nang hindi ito sumagot.

"Hindi mo naba ako naalala?". Tanong nya saakin. Ang boses nya.. Nanlaki ang mata ko. Deamer!!!

"DEAMER!" sigaw ko sa pangalan nya. pero walang sagot. "Nasaan ka?!". Pinilit kong hanapin kung nasaan sya ngunit masyadong makapal ang usok na bumabalot sa buong paligid.

The Last Beat of my HeartWhere stories live. Discover now