LBMH: Chapter Twelve

8 0 0
                                    





Ilang araw ko na syang iniiwasan . Alam kong hindi dapat ngunit kailangan maisaayos ko muna ang lahat bago ko sya kausapin, Dahil baka ma-distract lang ako pag kinausap ko na sya ngayon. Patience Dylan... Konting tiis pa... Isang araw nalang.

"Dylan pwede ba tayong mag usap". Mahinang sabi ni Angel. Itinigil ko ang pag gawa ng salad para kay Avey at hinarap sya.

"Tungkol saan?". seryosong tanong ko.

Ngunit hindi naman sya nagsalita nakayuko lang sya at tila nag dadalawang isip na ituloy ang kung ano mang sasabihin nya. Napabuntong hininga ako at itpinag patuloy ang pag gawa ng salad.

"Kung wala ka namang sasabihin mauna na ako". tumalikod na ako dala ang bowl ng salad.

"Dylan!". tawag nyang muli saakin. Walang buhay akong lumingon sa kanya ngunit natigilan ako ng makita ko ang luha sa kanyang mga mata.

"Angel". Bulong ko sa kanya. Inilapag ko ang bowl at nag aalalang lumapait sa kanya.

"Dylan mahal kita noon pa!". deretso nyang sabi. Ofcourse I knew about it.

"Angel...Hindi ko alam--".

"Hindi mo na ailangan sumagot . Halikan mo lang ako Dylan ". anya at sa pagkabigla ko kinabig nya ang batok ko upang mag tagpo ang aming mga labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. should I push her? Should i response?. I choose the first one. I push her gently.

Umiling ako. "This is not right Angel". Mahinahon kong sabi. "I cared for you so much, Sabay tayong lumaki at itinuring na kitang kapatid. My heart belongs to someone else". paliwanag ko sa kanya. a

Hurt is visible on her face.. Pero anong magagawa ko kapatid lang ang turing ko sa kanya.

She run out while crying. Napabuntong hininga nanaman ako. I hate breaking someone's heart. Siguro kakausapin ko sya pag tapos naming mag usap ni Avey. and speaking of Avey bakit wala pa sya? Kanina ko pa sya pinatawag ah. Kunot noong tinawag ko si Beth na syang inutusan kong gisingin si Avey.

"Po? Hindi pa po ba pumunta dito?". takang tanong nya.

"Hindi pa, Nasaan ba sya?".tanong ko.

Napakamot naman sya sa ulo. "Eh, Senyorito kanina ko pa po sya ginising eh.. At sigurado ako kanina pa sya dapat nasa komedor kasi nag mamadali syang bumaba pag tapos naming--este--nya palang maligo". anya nag yuko ng ulo.

"Ganun ba? SIge salamat". sagot ko at tinalikuran na sya. Kung kanina pa sya nababa at nasa komedor..

"Fuck! she saw us!". nag mamadaling lumabas ako para hanapin sya sa palibot ng Palacio. Ngunit walang Avey akong nakita. Sa halip si Mang Rene na nag lalagay ng banderitas sa mga puno ang nandoon.

"Mang Rene". tawag ko sa kanya.

"Oh! Dylan May kailangan ka?". nakangiti agad nyang tanong,

"Ah nakita mo ba si Avey, yung babaeng bisita ko?''. tanong ko.

Saglit naman syang nag isip. "Ah! Oo nakita ko sya kanina tumatakbo papunta sa kakahuyan. Binati ko pa nga kaya lang mukang hindi maganda ang timpla. Umiiyak yata yun eh". kwento nya.

Nakuyom ang kamao ko. "Salamat po". ani ko at nag mamadaling tinungo ang dereksyong itinuro ni Mang Rene. Kung tama ang hinala ko sya yung nakikinig saamin ni Angel. bakit ba kasi napaka kumpliklado ng mga babae. Ang hirap ma-predict ang iniisip nila at napaka emosyonal pa. Nag rereact agad ng hindi inaalam ang totoong nangyari. hayyss women!. Napatigil ako sa pag takbo ng makita ko ang makakasalubong ko.

The Last Beat of my HeartWhere stories live. Discover now