LBMH: Chapter Nine

6 0 0
                                    




                                                                (Expect the Unexpected)



"MAGANDANG UMAGA po Senyorita ". Magalang na bati sakin ni Angel na nakasalubong ko habang pababa ako ng hagdan.

I smiled at her she looks fresh and cool samantalang ako may panis na laway pa at hindi pa manlang nakakpag hilamos at mumog. Nag mamadali kasi akong bumaba dahil tinanghali ako ng gising. ako dapat ang mag luluto ng breakfast para kay Dylan. Pero dahil sa kakaiisip ng gagawin ko at ng sasabihin ko para makabawi ako tinanghali tuloy ako ng gising.

"Uhmm.. Avey nalang itawag mo sakin". aniko na lumilingon sa paligid.

"Okay po miss Avey". nakangiti nyang sabi.

Napailing naman ako. "Nakita mo ba si Dylan nag breakfast na ba sya?". tanong ko sa kanya.

"Ah.. Si Master.. Oo nakita ko sya kaninang madaling araw, habang paalis sya". Anya

"What! saan daw pupunta?". gulat kong tanong. Bakit hindi manlang nya sinabi saakin na aalis sya.

Boba! diba nga galit sayo! bakit mag papaalam? Ano feels mo Girlfriend ka nya! . anang mahaderang utak ko.

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko naman sya nakausap. Pero ang dinig ko mag pupunta sya sa kalapit na bayan para mamili ng mga gagamitin sa pagdiriwang". sagot nya.

Nanlulumong napa upo ako sa hagdan. Paano na 'to. Mukang iniiwasan nya ako.

"May kailangan pa po ba kayo Miss Avey?". magalang na tanong ni ANgel.

Umiling ako. "Salamat Angel". malungkot kong sabi.

"Walang anuman po. Babalik na ako sa gawain ko". Magalang nyang paalam at nag tuloy na sa pag akyat ng hagdan.

Naiwan akong naka tunganga doon. Ano nang gagawin mo Avey?

Kailangan ko syang makausap kahit na anong mangyari. Ajah!

(third persons POV)

Buong buhay ko inialay ko sa pag sisilbi sa Palacio. Mula nung bata pa ako wala kong ibang inisip kundi sya... Ang pamilya ko ay matagal nang nanunungkulan sa pamilya nila. Lumaki akong palaging nasa Palacio dahil sinasama ako ni nanay kapag nag tatrabaho sya . Ang pamilya din nila ang nag paaral saakin kaya kahit nakatapos ako ng kolehiyo ay mas pinili ko pa ring manilbihan sa kanila bilang kasambahay. Dahil halos sa palacio na ako lumaki ay palagi kong syang nakaksama. Naging magkaibigan din kami. Ngunit ang nararamdaman ko para sa kanya ay higit pa sa isang kaibigan. Ang lihim kong pagibig sa kanya ang nagiging inspirasyon ko araw araw. Ang kagustuhang makita nya at mapansin nya ang dahilan kung bakit pinag bubutihan ko ang aking trabaho. Kaunti nalang ay makakamtan ko na ang nais ko na ibigin din nya. Sobrang saya ko kasi sa wakas matapos ang matagal na pag hihintay mapapansin din nya ako. Ngunit ang lahat ng iyon ay nag lahong parang bula ng isang araw ay dahil nya sa Palacio ang isang magandang babae. Hindi pa sya nakuntento doon pa nya pinatira. Labis ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang effort nya para lang mapasaya ang babaeng iyon. Yung mga bagay na dati ay ayaw nyang gawin ngayon ay pinag aaralan nya para lang mapasaya ang babae. Na walang ibang ginawa kundi ang pasakitan sya.

"Anong ginawa mo ? Bakit ikaw ang nag luluto?". Tanong ko sa kanya nang madatnan ko sya sa kusina na nag luluto.

"Shh!! wag kag maingay baka marinig ka ng bisita ko". bulong lang ngunit naka ngiti nyang sabi.

The Last Beat of my HeartWhere stories live. Discover now