MATALIM ang bawat tingin na ipinupukol ko sa cellphone ni Dylan na nasa ibabaw ng lamesa malapit sa kanya. Nanananghalian kami ngayon dito sa terrace ng Palacio on my request dahil maganda ang view dito at nakaka good vibes. Pero tuwing titingin ako sa cellphone nya hindi ko maiwasang mabadtrip. Dahil sa bwiset nacellphone na iyon naudlot ang dapat gagawin ni Dylan . Konti nalang eh! konting-konti nalang! Halik na naging bato pa!. Durugin mo na yang cellphone na yan kanina pa yan nang iinis eh!. Anang mahaderang parte ng utak ko. Sya yung bad influence na part ng utak ko. Napaka brutal nya.
Muli kong tinignan ang cellphone na para bang nangiinis na nakatingin saakin. Labis ang pag pipigil ko na wag hablutin iyon at itapon sa kalawakan.
Kinuha ni Dylan ang phone at isinilid sa bulsa nya. sayang! hindi mo pa kasi kinuha eh! anang mahaderang utak .
"Ahm... Aalis nga pala ako ngayon". Maya maya ay basag ni Dylan sa katahimikan.
Napatingin ako hindi sa kanya kundi sa labi nya. Haysss !!! kailan ko kaya matitikman yan.. anang mahaderang utak ko.
"Okay ka lang?". Kunot noong sabi nya.
Napakurap kurap naman ako dahil doon. "Uhm.. Yeah sure.. Saan ka ba pupunta?". sabi ko nalang.
"MAy bibilin lang akong mga kakailanganin para sa darating na celebrasyon ". anya na nag tuloy sa pag kain. Tumango tango nalang ako.
"Gusto mo bang sumama?". anya pagkuwan
"Huh? Wag na! Okay na ako dito. Saka inaantok pa ako eh ". ani ko
"Okay. Kung may kailanganin ka wag kang mag atubiling tumawag saakin o kaya mag patulong sa mga kasambahay". nakangiti nyang sabi.
"uhmm.. sige". nakangiti ko ring sabi.
Tulad ng sabi nya ay umalis si Dylan pag kapananghalian .
"Mag iingat ka, kung mag lalakad lakad ka mag pasama ka kay Angel o sa ibang tao dito. at wag kang masyadong lalayo". bilin nya pa.
Napaismid ako. kay Angel pa talaga? Baka ako pa mag tanggol dun sa sobrang pagka pabebe nya eh!. anang mahaderang isip ko. "Nako, ANg laki ko na para mag pasama sa kanila , kaya ko na mag iingat ako promise". nakangiti ko nalang na sabi.
"Avery... I'm serious, I don't want to risk your life. Hindi mo pa kabisado dito. Ibinilin ka sakin ng magulang mo. Its my responsibility to protect you okay?". anya na ikina lungkot ko. Ngunit hindi ko pinahalata na nalungkot ako sa sinabi nya.
Nakangiting tumango ako at nag paalam sa kanya. Hanggang sa maka alis sya ay nakangiti ako at kumakaway . nawala lang ang ngiti ko nung tuluyan ng nawala ang sasakyan nya sa paningin ko. Pumasok ako sa loob at nag kulong sa kwarto ko. Thingking what he said earlier.
Its my responsibility to protect you... nag rereplay sa isip ko ang sinabi nya.
You're not Important, You're just a responsibility, just like to Tammy and your parents. Its their responsibility to protect you . Till now you're still a burden! anang insecure na bahagi ng utak ko. I Lay on my bed and cry. For seventeen years I am my parents burden. I am Tammy's Burden. And now Dylan's burden. Gusto ko lang naman na maramdaman kung paano ako mahalin at arugain hindi dahil may sakit ako kundi dahil mahalaga talaga ako . Gusto ko lang naman makita nila na hindi ako isang "RESPOSIBILIDAD" lang.
Ano ka ba naman Avey! mag papaapekto ka sa problema mo? Get up there! Go out! ipakita mo na hindi ka apektado! Malakas ka! You are more than a Responsibility! You're more than that!. anang bahagi ng utak ko.

YOU ARE READING
The Last Beat of my Heart
Любовные романыTHE LAST BEAT OF MY HEART Anong gagawin mo kung isang araw sinabi sa iyo na, Malapit na ang oras mo? Na maaring ano mang araw ay bigla nalang tumigil ang tibok ng Puso na mag huhudyat ng katapusan mo. Paano mo gugugulin ang mga nalalabi mong araw, o...