LBMH: Chapter Thirteen

6 0 0
                                    





Zedd kissed her at nakita ko kung paano syang sinampal ni Avey. Yup.. thats my girl.

Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo pa ako sa kanila.

"Baliw! last na to! hindi mo na ako makikita bukas!". Sigaw nya sa paalis na si Zedd.

"At saan ka naman pupunta bukas?''. Tanong ko ng maka lapit na ako sa kanya.

Gulat na napa lingon sya saakin. "Dylan!". anya. Matiim ko syang tinitigan.

"What are you doing here... alone?". sa huli ay sabi ko nalang. She looks relive

"Ahmm.. wala nag pahangin lang". nakangiti nyang sabi.

"Lets get inside. Its getting late for you to stay here outside".

"Ah..Dylan!". tawag nya saakin .Tinignan ko sya.

"Bakit?". i said in a serious tone, ayoko pa rin ng nakita ko. Ilang beses ko ba syang sinabihan tungkol kay Zedd. Napaka tigas ng ulo nya!

"Pwede bang dito muna tayo?".

Tinigna ko sya ng matiim. Bakit ba ako nag papaka bitter dito. Kasalanan ko naman palage kung bakit sila nag kikita ni Zedd, Perhaps I should enjoy this evening with her. So I walk back and seat on the bench.

"Sit here beside me". utos ko sa kanya na agad naman nyang sinunod. She even hug me.

"Haysss.. Feels like home". narinig kong sabi nya. Napangiti nalang ako at hindi na nag kumento.

Indeed feels like home...

Matagal din kaming nanatili sa bench sa garden. Wala kaming pinag-uusapan nakayakap lang kami sa isa't isa at nakatingin sa malawak na kalangitan.

"So...". panimula ni Dylan. "Saan ka pupunta bukas?". tanong nya.

Tinignan ko sya at saka ngumiti. "Aalis na ako bukas".

"Bakit naman?".

Nag yuko ako ng ulo. Paano ko ba sasabihin sa'yo 'to. hayss! tingin ko kasi hindi mo na ako kailangan dito. saka ayoko ng madagdagan ang sakit na nararamdaman ko tuwing makikita ko kayo ni Angel. Bagay kayo at makaka-gulo lang ako sa inyo.

"Avey!". napakurap kurap ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin ?". kunot noong tanong nya.

"Uhm... Kasi hindi ba nandito lang naman ako dahil inimbitahan mo lang ako para sa festival 'diba?". nakangiti kong sabi.

Matiim nya akong tinignan na para bang inaarok kung nag sasabi ba ako ng totoo. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya. He held my chin and make me look at him.

"If I ask you to stay... would you stay?". seryoso nyang tanong.

For a moment hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit nya ako nililito ng ganito, Kung gusto nya si Angel bakit hinahayaan nyang maging malapit ako sa kanya ng ganito.

"uhmm..". I thought about it. Papayag ba ako?. Paano nalang kung mas lumala ang nararamdaman ko para sa kanya tapos ang ending si Angel pala ang gusto nya. Paano kung nakikita nya lang saakin ang namayapa nyang kapatid. ang daming 'What if' na pumapasok sa isip ko, Kung ako lang gusto ko pa talagang mag stay ng matagal para makasama ko pa sya ng mas matagal pero....

"So?". tila inip nyang sabi . Nakataas ang dalawang kilay at iniintay ang sagot ko.

"Ka--". I pause when I remember something. "Kasi kailangan kong pumunta sa doctor ko, He calls me for my check up. Siguro uuwi muna ako". sa wakas ang sabi ko.

The Last Beat of my HeartWhere stories live. Discover now