LBMH: Chapter Seven

9 0 0
                                    











                                                        (Yung akala mo , Pero hindi pala)

"Good morning!". nakangiting bati ni Dylan sakin na kakapasok lang sa komedor . Mula sa pag lalaro ko sa pag kaing nasa harap ko ay ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Tinitigan ko sya ,muka namang maayos ang naging gabi nya, maaliwalas ang aura nya at panay ang nakangiti looking fresh din ang loko at mukang kakagaling lang ng shower naamoy ko kasi ang after shave nya. Nainis tuloy ako buti pa sya maayos na naka tulog kagabi, samantalang ako. hmp! Never mind.

"Saan ka galing?". tanong ko sa kawalan ng sasabihin .

"Nag jogging lang ako sandali sa labas.. missed me?". nanunudyo nyang sabi.

Sobra. "Asa". naka irap kong sabi na ikinatawa nya.

"Kain na". Masigla nyang sabi saka nag simula nang kumain. Napaismid naman ako may gana pa syang kumain ng masigla. Tapos ako mukang magdamag nag adik dahil sa itim sa ilalim ng mata ko.

Well I admit his goodnight kiss didn't give a good sleep last night. Magdamag kong inisip yung halik na kahit dampi lang ay sobra naman ang naging epekto saakin at eto sya parang hindi manlang apektado. Nakakainis lang.

"Anong problema? Okay ka lang?". Nag aalala nyang tanong hindi ko napansin na nakatingin na pala sya saakin. Dahil hindi ko manlang ginalaw ang pag kaing nakahain sa harapan ko.

"Ikaw ba nag luto nito?". Mataray kong tanong. Tumango naman sya.

"Ayaw mo ba? Gusto mo ipag luto kita ng iba?". anya na akmang tatayo ngunit pinigilan ko

"Teka!... Okay na 'to wala lang talaga akong ganang kumain". Nakayuko kong sabi.

"Kumusta ba ang tulog mo? mukang puyat na puyat ka ah". Anya habang nakatingin ng matiin saakin.

"Hindi maayos.. Namamahay siguro ako". ani ko nalang

"Ganun ba? sige ipag paliban muna natin yung pag tour mo dito marami pa namang araw eh.. Matulog ka nalang ulit para maka bawi ka ng tulog". Nakangiti nyang sabi,

"Okay". Mahinang sabi ko. "Aakyat na ako". Paalam ko saka tumayo at nag mamadaling umalis ng komedor. Narinig ko pa syang tinawag ako pero hindi ko na sya nilingon. Nag tuloy ako sa kwarto ko at na higa sa kama. Ngunit tulad kagabi hindi parin ako dalawin ng antok.

Bakit ba kasi ang big deal sayo ng halik na yon! eh mukang hindi nya nga ininda yun eh! Saka ano ba Avery! sa noo kalang hinalikan bakit kung maka react ka dyan parang nag french kiss kayo! ."Arghh!! Asar! kang utak ka! wala kang kwenta!". inis na bintuk-batukan ko ang sarili ko. "Mababaliw ako ng dahil sayo!". gigil namang sinabunutan ko ang sarili ko. Nasa ganoon akong akto ng mapalingon ako sa gawi ng pinto. At hindi ko alam ang gagawin ko, biglang nag init ang muka ko lahat na yata ng dugo ko ay umakyat sa muka ko dahil sa pagkapahiya.

'Coz there standing at the door is none other than.. "Dylan". Nanlalaki ang matang sabi ko.

"Uhm.. I didn't mean to intervert... I just want to check if you're okay". anya na may pigil na ngiti sa mga labi.

"Are you gonna laugh?". walang emosyon kong sabi .

"Oh no! Im not.. I mean ... Why would I?". umiiling na tangi nya.

Naningkit ang mata ko, I get out of the bed at nag mamartsa na lumapit sa kanya.

"You sure". nanantsa kong sabi.

tumikhim sya. "Yes". seryosong sabi nya.

Bumagsak ang balikat ko. "Go on you can laugh". ani ko saka tumalikod sa kanya at bumalik sa kama.

The Last Beat of my HeartWhere stories live. Discover now