Kabanata 1

20 1 0
                                    

                         Edrielle Pov

"Hoy Edrielle! Hanggang kailan mo ba balak titigan yang crush mo?"

"Hanggang matunaw siya. Hehe."

"Ulol. Bwahaha. Malala na talaga yang saltik mo no?"

Inis ko siyang tinignan. Kahit kailan talaga panira itong lalaking to. Lagi nalang niya akong inaasar kapag nakatitig ako sa crush ko. Palibhasa napaka bitter eh. Hanapan ko kaya ng babae to? Hmm. Good idea hehe.

"Hoy ikaw! Epal ka talaga. Alam mo sa ating dalawa ikaw ang may saltik! Ang tanda mo na bitter ka pa rin."

"Wala kang pake! Palibhasa ikaw masyado kang baliw na baliw diyan sa crush mo! Hindi ka naman crush. Tss."

"Bwisit ka talaga! Alam ko na yan. Wag mo nang ipamukha."

Nakakainis talaga kahit kailan yang lalaking yan. Bata pa lang kami lagi niya na akong inaasar. Siya si Lance Arthur Velez, bestfriend ko. Bata palang kaibigan ko na siya. Actually sa 17 years kong pamumuhay sa mundo siya lang ang naging kaibigan ko. Ay hindi pala, meron din akong naging ibang kaibigan pero siya lang talaga yung tumagal. Mas saulo na kasi namin ang ugali ng isat-isa. Atsaka magkasundo kami dahil parehas kaming baliw. Lol, joke yun!

"Oo nga pala, meron bang pinagawa sa inyo si Miss Undin?"

Natawa naman ako sa kanya. Si Miss Mendoza ang tinutukoy niya.

Kung sabagay mukha naman talagang undin yun. Nakaka banas pa yung ugali.

"Huh? Anong pinapagawa?" Taka kong tanong. Wala kasi akong maalalang pinapagawa niya.

"Yung pinapa search niya."

"Wala siyang pinagawa samin."

"Ah baka sa next meeting niya pa ipagawa sa inyo. May pasok ka pa?"

"Wala na eh. Wala yung last teacher namin. Ikaw?"

"Meron pa. Mauna ka nang umuwi saakin."

Sa school kasi namin kapag wala na kayong teacher sa last subject niyo pwede na kayong umuwi.

"Dadaan lang ako sa mall. Inuutusan ako ni Mama na mag grocery. Wala na sigurong laman yung ref."

"Sige ingat."

Kumaway nalang ako sakanya at umalis na. Malapit lang naman sa School yung mall kaya lalakarin ko nalang. Habang naglalakad ay nakita ko si Kyle na mukhang nagmamadali. San kaya pupunta yun? Hmm masundan nga.

Si Kyle ang long time crush ko. Elementary palang ako crush ko na siya. Kaso hindi niya ako napapansin. Sabagay sino ba naman ako para mapansin ng isang Kyle Ashton Ledesma? Sikat siya sa school namin. Soccer player. Maputi at matangkad. Pinanganak sa State. Grade 5 siya nung naisipan nang magulang niya na dito nalang sa Pilipinas tumira. Classmate ko siya noong grade school ako pero ng naghighschool ay hindi na kaami naging mag kaklase. Si Lance ang classmate niya. Ang alam ko kilala niya ako pero hindi kami close. May time kasi na lumapit siya sa akin para magtanong at tinawag niya ako sa mismong pangalan ko. Tuwing nandiyan siya lagi nalang bumibilis yung tibok ng puso ko. Kaya minsan mas pinipili kong umiwas dahil sa sobrang lakas ng pagtibok masakit na. Pakiramdam ko hihiwalay ang puso ko sa katawan ko. Pero kapag wala naman siya hinahanap hanap ko. Ang tanga lang diba? Napabalik ako sa wisyo ng biglang lumiko si Kyle sa isang iskinita. Hindi sobrang laki pero hindi rin naman maliit pero mukhang abandonado na itong iskinita na ito.

Ano naman kayang gagawin nito dito?

Nagulat ako ng makitang bukod sa amin meron pa palang ibang tao doon. Dalawa silang lalaki at mga mukhang silang hoodlum. Paano ba naman naka all black tapos naka sumbrelo na black din dagdag mo pa yung shades na black.

Yung isang lalaki nakasakay sa malaking motor tapos yung isa naman nakatayo sa harap ni kyle at mukhang nakikipag-usap dito. Para silang nagtatalo. Tumahimik ako at nagtago sa isang gilid na natatakpan ng yero. Pinakinggan ko ang lumalakas na boses nila pero wala parin akong maintindihan dahil bukod sa malayo layo ako sa kanila hindi rin malinaw ang sinasabi nila.

Ano ba kasing sinasabi nila? Tsk.

Habang nagkakamot ako ng braso nahagip ng mata ko ang relo. Gulat pa ako ng makita ko na halos isang oras narin pala ako sa pwesto kong yon. Dahan dahan pa akong tumayo sa pwesto ko para umuwi ng biglang natulak ko ang yero na pinagtataguan ko. Hindi ito naalis sa pwesto nito pero naglikha ito ng ingay na nagpatingin kila Kyle. Lalapit sana dito yung lalaking nasa harap ni Kyle ng bigla niya itong pigilan. Kunot ang noo niya habang may sinasabi. Bigla namang nagbago ang reaksiyon ng dalawang lalaki. Mula sa pagkagulat napalitan ng masamang tingin ang mga ito.

'Mukhang nagalit yung dalawang lalaki, ano naman kayang sinabi niya?

Galit ang mga matang tumitig ang dalawang lalaki kay Kyle ngunit nagulat sila ng biglang mangibabaw ang tunog ng serena ng pulis.

Ano bang nangyayari? Ba't may pulis?

Aalis na sana ako pero para akong napako sa kinatatayuan ko ng biglang marinig ang putok ng isang baril. Malakas na kumabog ang dibdib ko, pakiramdam ko aalis to ngayon sa puso ko sa sobrang lakas. Maraming pumapasok sa isip ko na hindi ko masagot. Gusto kong lumingon ngunit natatakot akong makita kung ano ang nangyari doon.

Dala ng kursyudad nilakasan ko ang loob ko. Nagbilang pa ako ng tatlo bago lumingon at kasabay ng paglingon ko ay ang pag-alis ng mga nakamotor pero imbes na sa kanila mapunta ang atensiyon ko ay hindi. Nakatitig lang ako sa isang lalaking duguang nakahandusay sa sahig.

"K-kyle?" Gulat na gulat ako ng makita si Kyle sa sahig na nakahawak banda sa may tiyan niya na puno ng dugo. Nanginginig na naituro ko siya sa sobrang pagkagulat. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako ora mismo.

A-ano to'? WTF? Ano ito?

"T-tulong" bumalik ako sa realidad ng bigla kong marinig si Kyle na hirap na nagsalita. Nakaangat ang kamay niya na parang gusto akong abutin para humingi ng tulong. Dahil doon mabilis kong naihakbang ang mga paa ko at tumakbo papalapit sa kaniya. "S-sandali lang K-kyle. W-wait p-pano ba ito? Shet! Saan ang masakit? Asan?" Dirediretsong tanong ko. Hindi nawala ang kaba ko at mas lalo lang itong tumindi.

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Ang tanging nagawa ko nalang ay ang sumigaw ng tulong. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng nakita ko ang mga pulis na papalapit na sa amin.

"Kyle, andiyan na ang mga pulis! Madadala ka na sa ospital. Kumapit ka ah? Please wag kang mamamatay dahil pag nagkataon ako ang mayayari dito! Jusko naman oo!"

Mabilis na tumawag ng ambulansiya ang mga pulis at nang makarating ang mga ito ay mabilis na sinakay si Kyle at dinala sa ospital. Ako naman ay sumama sa mga pulis para hingin ang statement ko. Pagdating sa pulis ay kinausap lang nila ako. Kinuwento ko naman lahat lahat ng nasaksihan ko simula ng makita ko si Kyle hanggang sa nangyari sakanya kanina lang. Sinabi ko din na hindi ko nasaksihan kung paano siyang nabaril dahil nakatalikod na ako non' at paalis na dapat.

Pagkatapos ng maikling usapan sa presinto ay umuwi narin ako. Hindi ko na nabili ang mga pinabili ni Mama dahil sa sobrang pagod. Idinahilan ko nalang na masama ang pakiramdam ko at naniwala naman siya. Naguilty naman ako agad ng nakita kong nag-aalala talaga siya, pero wala akong balak sabihin sa kaniya ang nangyari kanina dahil sure akong mas mag-aalala lang siya. Hinayaan nalang niya akong dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga. Pagpasok sa kwarto ko ay mabilis lang akong naligo at nagpatuyo ng buhok saka ibinagsak ang sarili sa kama. Hinayaan ko lang na maglayag ang isip ko at isa isang inalala ang mga nangyari kanina.

"Ano bang nangyari kanina? Talaga bang nangyari lahat yon'? Tsk."

Maraming tanong sa isip ko pero ni isa wala akong masagot. Dahil sa pagod ay di kona namalayan na nakatulog na pala ako.

ZZZzzzz... -O-

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon