Edrielle's PovPAASA!
Naiinis ako dahil umasa ako. Umasa akong kaya siya pumunta doon sa school dahil sinusundo niya ako. Akala ko dahil sa akin, hindi naman pala. Langyang akala. Assuming nanaman tuloy ako.
"Tinawagan ko si Ayi. Sinabi kong pupunta ka ngayon doon. Pinasabi ko na rin kay Mommy para makaluto siya ng favorite mo." Biglang sabi sa akin ni Lance.
Naalala kong pupunta nga pala kami sa bahay nila. Nakalimutan ko dahil dito sa multong to. Tsk.
"Nakakahiya naman." Sagot ko.
Mabilis niyang iniliko ang kotse niya sa village nila. Yung village nila ay private. Hindi tulad sa amin na kahit sino pwedeng makapasok sa kanila kailangan pa na may permiso ng taong pupuntahan nila. Kailangan pa ng sticker para makapasok atsaka may security at puno ng cctv sa labas ng gate.
"Ed? Ikaw ba yan?" Tanong niya sa akin habang inuuga ng kanang kamay niya ang balikat ko.
"Ano ba! Para kang tanga! Mukha bang hindi ako to?"
"Oh eh bakit kung makapag inarte ka wagas? Tss. Sa tagal na pagkakaibigan natin mgayon ka pa nahiya?"
"Syempre kababalik lang ni Tita. Nakakahiya paglulutuin ko agad diba? Palibhasa kasi ikaw walang hiya sa katawan. Pati ako dinadamay mo."
"WOW! I can't believe this HAHAHAHAHA! Ako pa? Ikaw nga ang walang hiya sating dalawa." Tatawa tawang sigaw niya pa sa akin.
"IKAW!" Sigaw ko rin sa kaniya.
"IKAW!" Sigaw niya rin naman sa akin. Paulit-ulit lang hanggang sa makarating kami sa bahay nila.
Pagkababa ni Lance sa kotse niya mabilis akong lumingon sa likuran at tinignan si Kyle na tulala namang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang may malalim siyang iniisip. Tinawag ko naman siya ng mahina pero hindi niya parin ako napapansin.
"Oy! Kyle!" Medyo malakas ng sigaw ko. Wala naman sigurong makakarinig sa akin dito sa loob ng sasakyan.
"Ha?" Tanong niya ng marinig ang tawag ko. "Andito na ba tayo?" Inilinga niya pa ang mata sa bintana.
"Teka? May iba pa ba kayong bahay?" Tanong ulit niya ng mapansing hindi kami sa bahay umuwi.
"Nandito tayo kila Lance. Bibisitahin ko yung Mommy niya na kauuwi lang kahapon galing ibang bansa. Siguro mga 5 pa tayo uuwi sa bahay. Tara na." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"Ah no. I'm okay here. Hindi na ako sasama." Tanggi niya sa akin atsaka umupo ng maayos at tumingin ulit sa bintana.
"Sigurado ka? Okay ka lang dito? Patay yung aircon baka hindi ka makahinga... ay! Sorry hehe spirit ka nga pala." Tatawa tawang sabi ko sa kaniya habang naka peace sign pa.
"Tss. Idiot. Sige na pumunta ka na doon at baka magtaka na sila't ang tagal mo dito. Tatanga tanga ka pa namang mag dahilan."
"H-hoy! Grabe ka sakin ah." Nakangusong turo ko sa kaniya.
Bastos na lalaking to. Tinanga ba naman ako?
"Tsk. Just go!"
"Okayyyyyyyy!" Mahabang sagot ko atsaka nag babye pa sa kaniya.
Pagkababa ko ng kotse ay agad ko itong sinara. Tinted ang kotse ni Lance kaya naman hindi ko alam kung ano ng ginagawa niya sa loob. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na papasok ng bahay nila Lance. Pero hindi pa man ako tuluyan nakakapasok sa pinto ay sinalubong na gad ako ng isa sa kambal. Ang pinaka close kong kapatid ni Lance.

BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"