LANCE POVKabababa ko lang ng kotse ko ng matanawan ko si Edrielle na kumakaway sa paalis na kotse. Si Tita siguro.. Habang naglalakad papalapit sa kaniya may naisip akong kalokohan.
"HOY!" Panggugulat ko sa kaniya. Natawa naman ako sa reaksiyon niya kasi napatalon pa talaga siya sa gulat. Tawa ako ng tawa habang hawak hawak pa ang tiyan ko. Ang epic ng mukha niya, HAHAHAHA!
"BWISET KA! LECHE! HAYOP! ULOL!" Sigaw niya sakin ng maka recover.
"A-aray! Aray! Awts! A-ano b-ba tama na! Ano ba oy!" Sigaw ko habang pinapalo niya. Aww, ang sakit ng braso ko. Ang bigat pa naman ng kamay neto...
"Bwisit ka! Muntik nakong atakihin sa puso dahil sayo!"
Ang OA ah.
"S-sorry na oy! Niloloko ka lang eh."
"Ay ewan!"
"Oy!"
"Bahala ka sa buhay mo! BULOL!"
Nagulat ako ng bigla niyang isigaw ang bansag niya yon' sakin. Nakakahiya kasi andaming tumingin sakin nung isigaw niya yon', meron pang mga natawa. Baliw talaga tong babaeng to. Foul na 'yon eh! Nakakahiya tuloy.
Mabilis ko naman siyang sinundan atsaka sumabay sakaniyang maglakad.
"Huy! Ed? Sorry na."
"Heh!" Tsk. Arte
"Ililibre kita ng lunch." Mabilis naman siyang napaharap sakin atsaka ngumiti ng malaki. "Ikaw naman, syempre bati na tayo. Alam mo namang hindi ko matitiis ang bestfriend ko eh. Hehe."
"Bati na tayo?" Tanong ko.
"Oo hehe. Basta yung ano ha? Hehe yung lunch."
Sabi na eh. "Oo Hahaha. Baliw ka talagang babae ka. Wag mo na ulit akong tatawaging Bulol lalo na kapag maraming tao huh? Napapahiya ako eh." Sabi ko habang ginugulo ang buhok niya.
"Oo basta wag mokong gagalitin..A-ano ba! Wag mo ngang guluhin yung buhok ko!" Sigaw niya sabay alis ng kamay ko sa ulo niya.
"Oo nga pala hindi moko inantay kahapon!" Biglang sabi ko sa kaniya at nakita ko naman kung paano siya natigilan. Taka ko naman siyang tinignan.
"Ha? Ah a-ano haha may p-pinabili sakin si Mama." Pahina ng pahinang sagot niya. Bakit parang pakiramdam ko hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Okay. Tara?" Yaya ko sakaniya ng mapansing napatigil pala kami sa paglalakad. Napahinto lang kami ng nasa harap na kami ng room nila. "Puntahan nalang kita dito mamaya. Sige na." Paalam ko sa kaniya.
"Hindi na! Magkita nalang tayo sa canteen." Sagot niya naman.
"Okay. Sige mauna nako."
"Geh!"
Ngumiti lang ako sakaniya atsaka nagpatuloy na papunta sa room ko.
EDRIELLE POV
Pumunta na agad ako sa upuan ko ng makaalis na si Lance. Tsk. Kinabahan ako kanina nung tanungin niya kung bakit hindi ako sumabay sakaniya kahapon. Ginamit ko pa tuloy na dahilan si Mama. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kaniya.
Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang dumating ang lecturer namin. "Good morning Miss." Bati naming lahat sa kaniya.
"Good morning, be seated." Nakakatakot na sagot samin ni Miss Mendoza. Malaki ang boses niya at nakakatakot naman talaga. Siya ang pinaka striktong professor dito sa STA at hihilingin mong hindi nalang siya ang maging guro niyo.

BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"