Kabanata 5

5 0 0
                                    


"Malapit na pala yung birthday ng kambal." Biglang sabi ni Lance habang nagdadrive.

"Oo nga pala ano?" Malapit na nga pala ang birthday ng kapatid niya. Sigurado bonggahan nanaman yon.

"Mm. May party siya, pumunta ka ah." Sabi niya habang pasalit-salit ang tingin saakin at sa daan.

"Syempre naman. San nga pala gaganapin?" Nung nakaraang birthday party kasi ni Aness ay sa beach ginanap. Malay ko ba ngayon kung sa bundok na. Hehe.

"Sa bahay lang ngayon. Yun ang gusto niya eh."

Tumango tango naman ako. Ano kayang isusuot ko? Lintek na pahirapan nanamang mamili. Tsk.

"Andito na tayo."

"Nakita ko nga eh." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Baliw. Sige na bumaba kana. Masyado ng nagiging pangit tong sasakyan ko. Ang pangit mo kasi."

"Siraulo! Sige sa susunod dinako sasabay sayo! Tukmol!"

Tumawa naman siya atsaka nag peace sign. "Joke lang. Ge na. Bye!"

"Ang pangit ng joke mo, kasing pangit mo! Ge mauna nako. Babush!" Kumaway pako sakaniya atsaka siya tinalikuran.

Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng sa di inaasahan ay may nakita akong isang pigura ng taong familiar na familiar sakin. Nadaanan kasi ng tingin ko ang park sa may kanang bahagi ko nang tatalikod na sana ako para pumasok. Madilim doon pero nakita ko parin ang swing na dumuduyan pa at may nakaupong lalaki.

'Kung di ako nagkakamali ay naka uniform siya ng tulad ng uniform namin. Matangkad siya kahit pa nakaupo. Maganda ang pagkakatindig. Y-yung buhok niya f-familiar sakin, at ang nakakatakot ay nakatingin siya dito saakin.' 

Meron ng taong pumasok sa isip ko pero ayaw itong tanggapin ng sistema't isip ko. I-imposibleng siya yon'. Napakaimposible.

Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil madilim sa parteng iyon at medyo may kalayuan pa. Pero k-kasi talagang familiar siya sakin. Para mas maliwanagan ay dahan-dahan muli akong humarap sa park, pero sa pagkakataong ito wala ng tao doon. Creepy amp!

Dahil sa takot na naramdaman ko ay mabilis akong tumakbo papasok ng bahay. Hindi ko na naisara ng ayos ang gate at tanging ang main door nalang ang nalock ko. Nagtaka pako nang makitang hindi pa bukas ang mga ilaw. Dumiretso ako sa may switch ng ilaw para buksan ito.

'Bakit ba kasi patay pa ang mga ito? Asan ba sila Mama at Jd?'

"MA?" Sigaw ko pero walang sumagot. Pumunta ako sa kusina at walang tao. "MAMA?" pagkatapos libutin ang baba ay umakyat naman ako. Binuksan ko narin lahat ng ilaw sa taas bukod sa kwarto nila Mama at Jd. Wala rin sila doon. Sakto naman na pagkasara ko ng pinto ng kwarto ni Jd ay tumunog ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"Anak? Sorry hindi pa kami nakakauwi. Meron kasing urgent meeting ang Mama eh. Pinasundo ko naman ang kapatid mo sa Tita mo kaya nandoon siya ngayon. Ikaw lang munang mag-isa diyan. Dont worry uuwi rin kami, medyo matatagalan nga lang."

Hindi ako nakapag salita dahil sa biglang pag-ihip ng hangin sa likod ko. YES! SA LIKOD KO LANG! Naestatwa pako ng makitang sarado ang bintana dito sa taas. WTH? San g-galing yung h-hangin?...

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon