Edrielle's PovMabilis akong pumasok sa kotse ni Lance ng makalabas ako sa bahay nila. Nang makapasok agad akong lumingon sa likod para tignan si Kyle pero nagulat ako ng makitang nakahiga na ang kalahating katawan niya habang natutulog.
Mabuti hindi siya nangangawit sa pwesto niya?
Pumunta ako sa likod para sana gisingin siya. Nasa baba lang ako kasi wala naman ng space sa upuan. Gigisingin ko na sana siya ng bigla siyang umungol. Meron siyang sinasabi pero hindi ko maintindihan. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago naisipang gisingin siya. Dahan dahan kong inuga ang balikat niya para gisingin siya. Mabilis naman siyang nagmulat ng mata. Kinusot niya pa ng bahagya ang mata na parang bata atsaka umupo na ng maayos. Humawak naman ako sa hita niya atsaka ko pwersang tinulak ang sarili ko papuntang harapan para umupo na rin ng maayos.
"W-wait! N-nahahawaka mo ako?" Biglang tanong niya. Nanlalaki pa ang mata niya habang palipat lipat ang tingin sa kamay ko at sa hita niya.
"Huh?" Takang tanong ko habang nakalingon sa kaniya.
"Paano mo ako nahawakan? I'm spirit, remember?" Nagulat naman ako sa sinabi niya atsaka narealize na kaluluwa nga lang pala siya. Napakurap pa ako ng ilang beses bago napatingin sa kaniya.
"O-oo nga no? P-pano nangyari 'yon?"
Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Pumasok si Lance sa driver sit bitbit ang tatlong malalaking paper bag. Pagkatapos inabot ang mga paper bag na 'yon ay ini-start niya na ang engine ng sasakyan.
"Ano to?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Tignan mo." Maikling sagot niya saakin habang nasa daan ang tingin.
Isa isa kong tinignan ang laman ng paaper bag at nagulat ako ng karamihan ng laman non ay damit, bag, sapatos, at mga souvenirs.
"Pasalubong sayo ni Mom." Biglang pagsasalita ni Lance.
"Paki sabi thank you. A-ang dami neto." Nahihiyang sagot ko.
"Alam mo naman 'yon si Mommy."
Natawa na lang ako at napailing. Si Tita kasi yung tipo ng tao na kapag napunta sa isang lugar gusto niya lahat ng makita niya doon ay bibilhin niya. Mahilig kasi si Tita mag ipon ng mga souvenirs atsaka mahilig din siyang mamili ng pampasalubong. Masyado siyang magsatos kapag namimili, hindi niya kasi tinitignan yung price basta kapag nagustuhan niya bibilhin agad niya.
"Nandito na tayo." Nagulat ako ng magsalita bigla si Lance. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nandito na pala kami. Masyadong napalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko namalayang nandito na kami sa bahay. Isa isa kong inabot ang mga paper bag na nilagay ko sa likuran. Nagtaka pa ako ng makitang wala na si Kyle doon. Pagkakuha ko ng mga paper bag at ng bag ko ay saka ako lumabas ng kotse. Pagkababa ko ay nakita ko si Kyle sa may poste. Nakasandal siya at nakakrus ang mga braso. Kunot ang noo niya at masungit na nakatingin sa akin. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin pero inismaran niya lang ako.
Hindi ko nalang siya pinansin atsaka ako umikot para katukin ang bintana ni Lance. Mabilis niya naman itong binaba ng marinig ang pagkatok ko.
"Mauna na ako. Salamat dito pakisabi kay Tita."
"Hmm makakarating. Pasensiya nga pala kanina ah." Paghingi niya ng tawad.
"Okay lang ano kaba! Parang di pa ako nasanay sa inyo." Natatawang sabi ko sa kaniya. Napailing naman siya atsaka natawa narin.
BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"