Kyle's Pov"Sorry," Maya maya'y sabi niya. Nakatungo siya habang pinaglalaruan ang kamay niya. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero ramdam kong nagi-guilty siya dahil sa sinabi ko.
"It's okay. No one wants that to happen." Seryosong sagot ko sa kaniya.
Inangat niya naman ang tingin niya sakin. Gulat pa ako nang makitang may namumuong luha na sa mata niya at unting unti nalang ay tutulo na. Ang mga labi niya ay nanginginig pa at parang bata na nakanguso dahil maiiyak na.
"H-hey! Are you okay? A-anong nangyayari s-sayo?" Tanong ko agad ng makita ko ang hitsura niya.
"Dahil sakin muntik ka ng mamatay. A-ang tanga ko naman kasi eh. Sabihin mo kung anong pwede kong gawin para kahit paano ay mawala yung galit mo sakin. Kahit ano gagawin ko." Nakangusong sabi niya habang sumisinghot singhot at pinupunasan ang luha gamit ang likod na kaniyang palad.
"I'm not mad okay? Pero gusto ko sanang humingi ng tulong sayo."
"A-ano?"
"Tulungan mokong mahanap yung nagtangkang pumatay sakin. Besides hindi ko alam kung magigising pa ba ako, atleast kung sakaling mamatay ako makukulong yung mga taong 'yon." Mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"Ano ka ba! Hindi ka mamamatay okay? Tutulungan kita basta ipangako mong hindi ka mamamatay." Nagulat naman ako sa pagsigaw niyang 'yon.
What the...? Hanep din itong babaeng to no? Kanina sabi lahat gagawin tapos ngayon kailangan ko munang mangako sa kaniya para lang tulungan ako? Tss. What a weird stupid girl.
"Tss."
"Hoy! Wag mokong ma 'tss tss' diyan ah. Mag promise ka muna!" Sigaw niya ulit. Nakakarinde.
"Why would I? Sabi mo diba lahat gagawin mo?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya.
"MANGAKO KA MUNA KASEEE!" Malakas na sigaw niya.
Napapikit naman ako sa inis atsaka napabuntong hininga na lang. Wala na akong magagawa dito sa kabaliwan ng babaeng to. "Okay I promise." Naka taas pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
"Good! Magpa-promise din pala ang dami pang sinasabi. Papilit? Tsk." Mahinang sabi niya pa na dinig ko naman.
Masyado ka kasing maingay kaya ko ginawa 'yon. Tss, idiot.
Imbes na sagutin ay inirapan ko lang siya. Masyado siyang maingay at nakakainis ang kaingayan niya. Masakit sa tenga at nakakarinde. Kung isa ako sa mga kapit bahay niya ay iisipin kong baliw na siya o kaya naman may kaaway siya. Sa lakas ba naman ng boses niya hindi imposibleng umabot ito sa kabilang village.
Oh! Speaking of village. Sa kabilang village lang ang bahay namin. Hindi masyadong kalayuan kapag nakasasakyan ka, pero kapag maglalakad ka ay medyo malayo layo din.
"Sa kabilang village nga lang pala kami nakatira. Sa Jackson village." Bigla kong pagsasalita. Nakatingin ako kay Edrielle habang siya naman ay nakatulala nanaman.
"Alam ko..."
"Alam mo?" Takang tanong ko.
"H-ha? Hinde. I m-mean... O-oo oo HAHAHA. Doon pala kayo."
"O...kay?" Nagtataka paring sagot ko. Weird talaga siya. Kung ano-anong sunasabi niya.

BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasíaAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"