Kabanata 15

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa school. Araw na naman ng lunes at sobrang nakakatamad pumasok pero dahil no choice ako wala rin akong ibang magagawa kundi ang kumilos. Pagkabangon ko ay agad akong dumiretso sa study table ko para uminom ng tubig, pagkatapos ay in-open ko na ang player ko. Kukusot kusot pa ang mata ko habang naglalakad patungo sa cr. Malamig na ang panahon dahil nagsimula na ang bermonths. Ika-pito na ng setyembre ngayon at mas lalo ko ng naaamoy ang simoy ng pasko dahil sa lamig na hangin. Pagpasok sa cr ay inilagay ko agad sa heater ang paligo ko. Hindi ako pwedeng maligo gamit ang malamig na tubig ng ganitong kaaga dahil baka mag yelo ako diyan bigla. Tulad dati ay sinabayan ko ang kanta habang naliligo. Pagkatapos ay mabilis akong kumuha ng tuwalya atsaka lumabas para ihanda ang damit na isusuot ko. Bistida type ang uniporme ng STA. Kulay gatas ang kulay ng uniform namin na hinaluan ng asul sa gilid. Below the knee ang uniform namin at may mahabang manggas na umaabot sa kamay. Hindi naman siya pangit tignan o mukhang manang tignan, actually maganda nga eh.

[A/note: Hallo Readers! Sorry if I'm not good in describing, pagpasensiyahan niyo na. Just check the multimedia nalang for imaginary purpose. Thank you!]

Pagkatapos kong maisuot ang uniform ko ay agad kong sinuklay saka tinirintas ang buhok ko. Marunong ako kaya hindi na ako nahirapan kahit ako lang ang gumawa. Ng matapos ay nag pulbo na ako atsaka nagpabango. Isang ngiti sa harap ng salamin ay mabilis na akong lumabas para mag-agahan. Pagbaba ko ay wala pa si Jd pero si Mama ay naghahanda na din. Nakasuot siya ng white polo na naka tuck in sa skirt niya. Magandang tignan ang hubog nakatawan kahit na thirty eight na. Straight ang buhok niya at shiny tignan. Pinagmumukha lalo siyang bata.

"Good morning Mama!" Bati ko sa kaniya ng makalapit. Humalik ako sa pisngi niya at tinugnan ang kabuuan. "Grabe Ma! Mas mukha ka pang bata sa akin! Ang ganda mo."  Naiinggit na sabi ko sa kaniya.

"Hahaha bulero ka ha! Don't worry dahil mas maganda ka parin sa akin kasi syempre anak kita."

"Sus! Kung mas maganda ako sayo, bakit wala akong manliligaw ni isa sa school?" Yumakap ako sa kaniya at bahagya pang tumingala para makita ang mukha niya.

"Hindi ka pa kasi marunong mag-ayos ng sarili mo anak. Besides mas mabuti narin 'yon kasi baka kapag natuto ka ng magpaganda eh dayuhin tayo ng mga kalalakihan dito para manligaw. Problema 'yon." Iiling iling na pagbbiro pa niya. Natawa naman ako kay Mama pero nagulat din ng marinig na may nagsalita sa likod ko.

"Syempre Tita hindi ko hahayaang mangyari 'yon!" Sabi ng boses sa likuran.

Kumalas naman ako sa pagkayakap kay Mama para tignan kung sino ang nasa likod ko at nakita ko si Lance na may dalang dalawang plastic na may lamang coffe at bread. Mukhang binili niya sa coffe shop malapit dito sa subdivision.

"Ano namang hindi mo papayagan Lance? Na ligawan siya?"

Napatingin ako kay Lance sa tanong ni Mama.

"Hindi Tita. Hindi ko palayagang gumanda siya heh- Aray!" Sigaw niya pagkatapos ko siyang hampasin. Sinasabi ko na eh walang matinong sasabihin tong unggoy na to!

"T-tita oh! Nananakit nanaman yung anak niyo! Kababaeng tao eh."

"Edrielle,stop that." Saway ni Mama ng akamang hahampasin ko ulit siya. Ngumuso naman ako saka sinamaan ng tingin si Lance na ngingisi ngisi sa isang tabi.

King ina mo! Mamaya ka sakin.

"Ano yang dala mo Lance?" Tanong ni Mama ng mapansin ang hawak ni Lance.

"Ah binili ko po diyan sa coffe shop malapit sa village niyo. Pang dagdag breakfast po sana kasi dito ako mag-uumagahan. Okay lang po ba? Hehe."

Tumango naman si Mama at pinaupo siya. "Ano ka ba okay lang naman. Nag-abala ka pa. O siya upo na. Tatawagin ko lang ang kapatid mo Edrielle."

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon