Kabanata 2

6 1 0
                                    

"Oy! Okay ka lang?" Dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Lance dahil sa lakas ng boses niya. Andito kami sa canteen ngayon at kanina niya pa ako kinukulit at tinatanong kung okay lang daw ba ako. Hindi ko naman siya pinapansin dahil wala talaga ako sa wisyo. Kanina pagkagising ko alam ko ng wala ako sa hulog. Siguro dahil sa nangyari kahapon. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng ulo ko dahil sa dami ng isipin.

Kamusta na kaya siya? Tsk. Pano ko ba kasi malalaman!

Tinignan ko si Lance sa mata. Mukha namang nailang siya kasi iniwas niya bigla ang mukha niya tapos ay bumuntong hininga atska binalik sakin ang paningin.

"H-hoy! Ano ba, wag mo nga kong titigan." Sigaw niya bigla sakin.

Baliw

Inis ko namang inalis ang paningin ko sa kaniya. Sumasakit na ang sentido ko kaiisip at kailangan kong may mapag-sabihan pero hindi ko alam kung kanino naman. Hindi pwede kay Mama dahil paniguradong maghehisterya 'yon at mag-aalala ng sobra. Hindi naman pwede sa kapatid ko dahil bata pa iyon at masyado pang maselan sakaniya ang ganong usapan. Pinag-iisipan ko naman kung sasabihin ko ba dito sa lalaking to.

'Mukha namang mapagkakatiwalaan itong mokong na 'to. Pero kasi sa pag kakakilala ko sa kaniya masyado siyang madada at matanong. Masyadong hahaba ang usapan kapag siya ang nagtanong at natatakot akong baka maikwento niya sa iba. Aishh, wag na nga lang.'

Hanggang makapasok kami sa room ay lutang parin ako. Parang yung mga sinasabi ng teacher sa harap ay pumapasok lang sa tenga ko at lalabas din sa kabila. Kahit na naglalakbay ang isip ko ay pinilit ko paring makinig dahil baka matiyambahan at tawagin niya ako. Ayaw ko namang mapahiya sa harap ng mga kaklase ko.

KRING....KRING....KRING

Dala-dala ang bag ay mabilis kong nilisan ang aming room. Balak kong puntahan ang ospital na pinagdalhan kay Kyle. Gusto ko kasing alamin kung ayos na ba siya pero wala akong balak magpakita sa mga kamag-anak niya o magulang niya.

"Nurse? San po dito yung room ni Kyle Ashton Ledesma?"

"What are you related to Mr. Ledesma ma'am?"

"I'm...ah, well I'm his friend."

"Oh okay ma'am. His room number is 201."

"Thank you," pagtatapos ko sa usapan namin nung nurse na pinagtanungan ko.

Habang naglalakad ako ay hindi mapakali ang tingin ko kahahanap ng numero na binigay ng nurse sakin. Pakiramdam ko ay masusuka ako dahil sa naghalo-halong amoy dito sa ospital. Isama mo pa ang kabang nararamdaman ko na hindi ko alam kung san nagmumula.

Asan na ba kasi yung room niya dito? 198...199...200... ayun!

Hindi ako lumapit bagkus tumitig lang ako doon sa pinto na iyon. Ewan ko ba kung bakit natatakot akong lumapit, parang may pumipigil saakin na pumunta doon at hayaan na lang akong tumanaw dito mula sa malayo. Katititig ko sa pintong yon' hindi ko namalayang bumukas na pala yon' at inilabas ang dalawang nurse. Patungo sila dito sa bahagi ng hallway kung nasaan ako at paniguradong makikita nila ako kaya nag panggap nalang ako na may katext sa phone ko.

"Grabe kawawa naman yung inabot ni Mr. Ledesma no?" Ani nung isang nurse. Medyo malayo pa sila saakin pero dinig ko na agad ang boses niya dahil sa lakas nito.

'Ang alam ko bawal mag-ingay dito sa ospital? Nurse pa man din. Tsk..tsk..tsk'

"Kaya nga eh. Yung mommy nga niya eh iyak ng iyak. Kawawa naman. Nag-iisang anak na lalaki, na comatose pa. Hay buhay!" Sagot naman nung isa pa.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Na coma siya? Watdapak?

Para akong kinilabutan bigla sa narinig ko. Pakiramdam ko lahat ng balahibo ko sa katawan ay tumayo. Napahawak pa ako sa wall ng ospital dahil pakiramdam ko bigla akong nahilo sa naring. Sumama bigla yung pakiramdam ko. Hindi ko na inalintana ang dalawang nurse na napahintong mag chismisan at takang tumingin sakin. Hindi narin naman na sila nagtagal at umalis na din agad. Umupo ako sa mahabang upuan na nakita ko. Pakiramdam ko ay hinang hina ako dahil sa narinig ko.

Ilang oras pa akong nanatili sa ganong pwesto hanggang sa naisipan ko nang umuwi. Mag gagabi narin kasi at baka naghihintay na din si mama sakin.

"Manong sa Madrigal po." Tukoy ko sa village namin atsaka inabot ang bayad sa babaeng nasa tabi ko. Mag aalasingko palang pero bakit parang pakiramdam ko napakalamig na? Actually puno ang laman ng jeep na sinakyan ko at kulang nalang ay mag dikit ang mga mukha namin sa sobrang sikip. Kaya nakapagtataka na bakit ang lamig? Diba dapat mainit kasi siksikan? Ay ewan!

Hanggang sa makababa ako ng jeep at simulang lakarin ang village namin papunta sa bahay ay ramdam ko parin ang lamig. Tinignan ko naman ang orasan at halos kinse minutos lang ang pagitan simula nang sumakay ako ng jeep at makarating dito sa Madrigal Village. Medyo nagdidilim na pero nakikita parin naman ang daanan dahil sa mga street light na binuksan na.

"Grrr... July palang naman ah? Bakit ang lamig na? Parang kahapon eh ang init-init pa ng panahon, ngayon kulang nalang mag suot ka ng patang patong na jacket!" Mahinang bulong ko habang akap-akap ang sarili ko.

Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang bahay namin. Bukas na ang mga ilaw ng kwarto sa taas marahil dahil padilim narin. Tanging ilaw nalang sa kwarto ko ang nakapatay pa. Bukas na ang gate ng makarating ako doon. Mabilis ko naman itong sinara atsaka pumasok ng dire-diretso sa bahay. Nilock ko narin ang pinto ng makapasok ako.

"MA?" Malakas na sigaw ko habang inaalis ang medyas ko at pabatong itinapon nalang ito kung saan. "MAMA!" Tawag ko muli ng hindi sumagot si mama.

"OH? Ano kabang bata ka? Bakit kaba sigaw ng sigaw diyan? Nakakarinde!" Daldal ni mama nang makalabas galing kusina. Naka apron pa siya kaya paniguradong nagluluto pa siya. "Akala ko wala kayo eh. Ilang beses kitang tinawag." Nakanguso kong sagot sa kaniya.

Lumapit naman ako sa kaniya at saka siya hinalikan sa pisnge. Nag mano din ako pagkatapos.
"Nandoon ako sa kusina at nagluluto ako ng dinner. Hindi kita nadinig dahil nag sounds ako para hindi naman ako mabagot. Yung kapatid mo nga pala ay nandoon sa kwarto niya at gumagawa ng assignments. Puntahan mo at tulungan mona dahil malapit ng matapos itong niluluto ko." Mahaba pang sabi niya.

"Anong ulam pala?"

"Tinola, sige na't puntahan mo na ang kapatid mo tapos bumaba na kayo pareho."

"Opo!"

Nagbihis muna ako sa kwarto ko atsaka dumiretso sa kwarto ng kapatid ko. Pag pasok ko doon imbes na maabutan ko siyang gumagawa ng assignments hindi dahil tulog siya habang nakanganga pa.

'Tss. Baby damulag amp.'

Tinapik ko naman siya ng mahina sa balikat niya. "Oy! Jahndeil!" Tawag ko sa kaniya. Nag mulat naman agad siya ng mata atsaka kinusot-kusot ito. "Akala ko ba gagawa ka ng assignments mo?" Tanong ko dito.

"Tapos na ate." hihikab-hikab niya pang sagot. Tumayo naman siya sa pagkakahiga at lumapit sa study table niya para iligpit ang mga gamit niya.

"Ang bilis ah?" Asar ko naman dito.

"Because I'm smart." Nakangisi niyang sagot.

'Smart smart! Akala mo naman college na kung makapagsalita. Grade 6 lang naman.'

"Ulol! Dalian mo na diyan at kakain na daw." Bilin ko sa kaniya atsaka nauna nang bumaba. Narinig ko naman siyang 'umoo' bago ako tuluyang makababa.

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon