Edrielle's PovUwian na pero hindi ko parin siya makita. Kanina ang sabi niya aalis na muna daw siya pero hanggang ngayong mag-uwian na ng hapon wala pa rin siya. Nasaan na kaya 'yon?
Napahinga ako ng malalim habang mahigpit na nakahawak sa sabitan ng bag ko. Mukhang may nasabi ata akong mali kanina. Pagkatapos kasi ng usapan namin ay hindi na siya umiimik pa tapos umalis at hanggang ngayon ay wala parin. Kung bakit ba naman kasi napakadaldal ko.
Nasa labas ako ng gate ngayon. Sa tapat mismo ng gate, sa gilid ko naman ay ang parking lot. Hindi ko alam kung aalis ba ako o maghihintay. Mag-aalasingko na at madilim na. Wala naman siyang sinabing mag-antay ako sa kaniya pero hindi ko paring maiwasang mag-antay dito sa labas. Baka kasi bumalik siya dito para hanapin ako tapos nakauwi na pala ako. At saka kung aalis rin ako wala akong masasakyan. Naiwan ko ang pera ko sa bahay at ngayon ay wala talaga ako ni isang piso sa bulsa ko. Si Lance naman ay hindi ko nakita. Ang huling kita ko sa kaniya ay yung sa cafeteria pa.
Saan naman ako sasabay nito?
Napahampas ako sa noo dahil sa frustration na nararamdaman. Wala akong alam na masasabayan. Kahit din pala antayin ko si Kyle dito wala rin kaming pagkukuhanan ng pamasahe. Napanguso ako at saka mariing pinikit ang mata. Kailangan kong mag-isip ng idea kung paano makakauwi ng bahay ng walang pera.
Nang makaisip ng paraan ay mabilis kong minulat ang mata ko pero nagulat ako dahil nasa harap ko ngayon si Kyle.
Nakakagulat ang bigla-bigla niyang pag appear sa harap ko. Para siyang multo tuwing ginagawa niya 'yon. Teka? Multo nga pala siya
Nakatingala ako sa kaniya at siya ay bahagyang nakayuko sa akin. Kailangan kong gawin 'yon dahil masyado siyang matangkad kumpara sa akin. Halos hanggang leeg niya nga lang ako.
"San ka galing?" Tanong ko.
"Diyan lang." Maikling sagot niya at saka umiwas ng tingin at humarap banda sa may parking lot.
Ang ikli niyang magsalita ngayon. Para siyang si Jd, nakakainis kausap. Kung pwede lang hingian ng specific na lugar kung saan ang 'diyan lang' ginawa ko na. Kaso lang nakakahiya naman kung gawin ko 'yon diba? Ano ako girlfriend? Eh halos hindi nga ata ako tinuturing na friend nito eh. Isa lang akong kakilala.
Hindi ko na siya sinagot at nag-iwas din ng tingin sa kaniya. Minsan talaga nakakainis din ang ugali ng isang to.
"Umuwi na tayo." Halos wala akong maramdamang emosyon sa pagkakasabi niya non. Ano bang problema ng isang to?
Umirap ako sa nakatalikod na si Kyle bago nagsalita. "Maglalakad tayo." Huminto ako ng bigla akong may nakitang babaeng dumaan medyo malayo sa amin. Nang magpatuloy ako sa pagsasalita ay nakita ko siyang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
"Anong maglalakad?" Luminga pa ako sa paligid para tignan kung may tao pa ba.
"Wala tayong sasakyan. Wala akong pera dito ni piso, last na yung pinambili ko ng recess at yung pinang lunch ko." Tukoy ko sa kaniya sa pagkaing kinain namin kanina nung recess at kinain ko nung maglunch. "Wala rin si Lance, wala tayong masasabayan."
Alam kong naiinis siya sa sinabi ko pero ano namang magagawa ko? Imbes na tumunganga pa ay niyaya ko na siya na magsimulang maglakad pero hindi pa man kami nakakahakbang ng lima ay may humarang na agad na sasakyan sa amin. Isa itong ford at alam ko kung kanino ang isang yan.
Mabilis na bumaba si Lance sa kaniyang sasakyan para lumapit sa akin. Nakakunot ang noo niya at halos isang guhit nalang ang labi dahil sa pagkakalapat nito. Ako naman ay takang tumingin sa kaniya, sumilip pa ako ng bahagya kay Kyle at nakita kong nakahalukipkip na siya at tinatap pa ang paa sa lupa.
![](https://img.wattpad.com/cover/137702195-288-k915948.jpg)
BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"