Kabanata 13

2 0 0
                                        

 

                   Edrielle's Pov

Hindi ko mapigilang mapanganga habang nakatingin sa kaniya. Pagkatapos kong kumain kanina ay nag-stay pa ako sa baba para paunahing paakyatin sila Mama at Jd para makakuha ng pagkain para kay Kyle. Muntik pa akong mahuli ng kapatid ko nung umakyat ako. Sinabi ko nalang na nagutom ako bigla.

"A-ah... pwedeng magdahandahan." Sabi ko ng makitang halos pati plato isubo niya na.

Ang takaw niya grabe...

Hindi ko alam kung saan ba pumupunta lahat ng pagkaing kinain niya. Pangalawa niya na yan, pinababa niya pa ako para pakuhain dahil nagugutom parin daw siya. Nasa sofa siya nakaupo habang ako tulad ng dati ay nasa kama. May maliit na round table sa harap niya na pinaglagyan ko ng mga pagkain. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Yung buhok niya medyo magulo pero magandang tignan. Kilay niyang makapal. Yung mata niyang walang emosyon. Makapal at mahabang pilik mata, matangos na ilong... at ang mapula at makorteng labi. Ang sarap titigan ng mukha niya.

"Why are you staring?" Biglang tanong niya ng tumingin sa akin. Gulat naman akong napahawak sa dibdib ko atsaka napaiwas ng tingin. Hindi ko napansing nakatulala na pala ako sa kaniya. Ng tignan ko siya ay kunot ang noo niya at halatang nagtataka. Hindi ako nakapagsalita kaya mabilis nalang akong umiling ng umiling habang naglalakad.

"I'm done." Sabi niya atsaka tumingin sa table.

"Ah oo! Oo sandali." Mabilis akong lumapit sa kaniya atsaka isa isang niligpit ang pinag kainan niya.

"Ibababa ko lang ito." Hindi makatinging sabi ko. Tumango naman siya atsaka tumayo.

"Pabababain ko lang tong kinain ko." Tumango na lang din ako saka bumaba. Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Kinabahan ako ng sobra nung nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Pakiramdam ko biglang hinabol ng kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Ipinilig ko nalang ang ulo ko atsaka pumikit ng mariin. Huminga ako ng malalim saka bumaba para hugasan ang mga pinagkainan ni Kyle. Pagkatapos ay mabilis din akong umakyat.

"Can we talk about the..." Hindi niya pa natatapos ang sasabihin ay mabilis na akong tumayo sa kama at dumiretso sa likod ng pinto ko para kunin ang kalendaryo naka sabit roon. Hindi niya pa natatapos ang sasabihin pero alam kong iyong tungkol sa 'pagiimbistiga' kunno iyon.

"Para saan yan?" Tanong niya pagkabalik ko. Tinaas ko naman ang dalawang kilay ko atsaka tinaas ang hawak na kalendaryo.

"Ito?" Tumango siya habang nakatingin pa rin doon. "Titignan ko kasi yung mga araw na pwede nating gawin yung pagiimbestiga na sinasabi mo. Mamarkahan ko lang para hindi ko makalimutan."

"Okay, so let's start?"

"Hmm!" Sangayon ko sa kaniya.

Sinimulan namin ang pagtitingin sa buwan ng September.

"Kapag monday to friday ay may pasok... so ibig sabihin saturday and sunday lang ang days na pwede nating gamitin." Nakatingin sa kalendaryong aniya.

Dahan dahan akong napatango sa kaniya. "Pwede. Tuwing saturday naman kasi ay nandito lang ako sa bahay."

"Eh sunday?"

"Ayun lang! Tuwing sunday kasi lumalabas kami nina Mama at Jd eh. Nagsisimba kami tapos gagala." Nakangiwing sagot ko sa kaniya.

"Anong oras kayo madalas umuuwi?"

"Hmm, madalas kasi kapag nagsisimba kami laging first mass. Six o'clock ang first mass kaya maaga aga pa...  sa tingin ko mga ten to eleven nandito na kami." Nakahawak sa baba kong sabi.

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon