Edrielle's Pov
Pagkababa ko ng hagdan ay sila Mama at Jd agad ang nabungaran ko. Si Jd ay nakaupo sa sofa habang naglilipat ng channel sa tv habang si Mama naman ay naghahanda ng mga foods sa lamesa. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya nakita.
Asan na 'yon? Ang sabi ko bumaba siya pero nawala naman.
Napanguso nalang ako atsaka dumiretso kay Mama. Naupo ako sa harap niya habang siya ay busy-ng naglalagay parin ng pagkain sa lamesa.
"Bakit ang tagal mo namang bumaba?" Biglang tanong ni Mama sa akin.
"Ah inayos ko pa po kasi yung gamit ko." Pagsisinungaling ko.
"O siya kain na. Jd! Let's eat." Sigaw niya sa kapatid ko.
Habang kumakain ay patingin tingin parin ako sa paligid. Wala talaga siya. Asan na ba kasi pumunta yung gwapong 'yon? Tsk.
Natapos kaming kumain ng hindi ko parin nakikita si Kyle. Tinulungan ko lang saglit si Mama na magligpit atsaka umakyat na rin sa kwarto ko para matulog. Pero hindi ako makatulog. Pakiramdam ko yung mga iniisip ko nung nakaraan ay mas lalo pang bumigat. Parang lahat ng nangyari kanina lang ay ang hirap hirap paniwalaan. Napakaimposible kung titignan pero totoo, totoong nangyayari lahat ito. May parte sa akin na natatakot pero may parte ding namamangha, syempre meron ding kilig. Hehe.
Mga ilang oras pa siguro akong nagmuni muni habang nakatitig sa kisame ng hindi ko namalayang nakatulog na ako.
KINABUKASAN!
Tanghali na nang magising ako. Nakalimutan ko kasing i-alarm ang alarm clock ko kaya na-late na ako ng gising. Mabuti nalang talaga tuwing friday ay eight o'clock ang pasok namin. Kapag kasi monday to friday, seven ang pasok namin tulad sa ibang mga school. Naiba lang talaga kapag friday at hindi ko alam kung bakit kaya wag niyo nakong tanongin!
Hindi tulad ng nakasanayan ko, hindi na ako nagpatugtog sa player ko. Mas mapapatagal pa kasi ako kung sasabayan ko ng music ang pagligo ko at hindi pwedeng mangyari iyon dahil ilang minuto nalang ay male-late na talaga ako.
Dire-diretso akong bumaba ng hagdan atsaka dumiretso sa kusina para mag tingin ng pagkain sa ref. Tuwing friday nauunang umalis sila Mama at Jd sa akin dahil maaga parehas ang pasok nila kaya nagje-jeep lang ako kapag ganitong araw, pero ngayon sa tingin ko mag ta-taxi na lang ako kasi mas hassle pa kung mag je-jeep ako atsaka baka mas malate pako kapag nag jeep ako. May nakita lang akong sandwich sa ref kaya yun na ang kinuha ko, pinainit ko lang saglit atsaka umalis na. Naglagay na rin ako ng water sa tumbler ko para hindi na ako bibili pa kapag nauhaw.
Mainit ang panahon ngayon kaya kahit maaga pa ay ramdam na agad ang init ng panahon. Pag-papawisan ka agad kaya dapat talagang magdala ng payong at panyo. Pero dahil nga nagmamadali ako hindi ko na naisip pang magdala ng payong.
Ring....Ring....Ring....
Habang naglalakad ako ay bigla nalang nag ring ang phone ko. Walang tinginang kinuha ko ito sa bulsa ko atsaka sinagot ang tawag.
"Hello?" Tanong ko agad. Hindi ko na tinignan kung sino ang caller kaya hindi ko alam kung sino ang kausap ko. Pero mabilis ko rin namang nahulaan ng marinig ko ang boses nito.
"Alam mo feeling ko nakasimangot ka habang sinasagot mo itong tawag ko!" Pang-aasar niya sa akin.
"Buti alam mo." Balik ko sa kaniya. Nakalabas na ako ng village namin at nag-aabang na ng taxi.
"Grabe ka talaga sakin! Wala kang kwentang kaibigan!" Sinigaw niya 'yon na parang isang babae.
Bading amp!
"Warever!" Maarteng sagot ko sa kaniya. Nang-aasar.
"Tss. Hindi bagay sayo, tomboy!"
"ULOL! Baka babae ako? Bastos na 'to." Sigaw ko sakanya
"HAHAHAHA! Pikon pa. By the way nasa school kana?" Biglang tanong niya sa akin.
"Andito pa ako sa labas ng village namin, nag-aantay ng taxi. Na-late ako eh. Tsk."
"Oh! Padaan na ako diyan. Na-late din ako eh HAHAHAHA! Destiny tayo tol!"
"Baliw. Pasabay ako ah."
"Malamang! Nakakahiya naman sayo eh."
"Tss. Ge na! Ibababa ko na. Daanan moko ah!"
"Oo geh bye!"
Ilang minuto pa akong nag-antay nang matanawan ko ang kotse ni Lance. Mabilis niyang hininto ang sasakyan sa harap ko. Hindi naman na ako tumunganga pa bagkus mabilis akong sumakay sa kotse niya.
"Bakit late ka ata ngayon?."
"Nakalimutan kong i-set yung alarm clock ko."
"Ako ba hindi mo tatanungin?" Pasalit-salit na tingin niya saakin at sa daan. Ako naman ay prenteng nakaupo.
"Bakit naman kita tatanungin?"
"Syempre late ako! Ano ba."
"Tss. Lagi ka namang late. Ano pang aasahan ko."
Sinimangutan niya naman ako atsaka nag drive nalang hanggang makarating kami sa campus. Pinark niya na muna ang sasakyan niya sa parking lot atsaka kami sabay na pumasok sa loob ng campus. Habang naglalakad sa gitna ng quadrangel bigla nanaman siyang nag salita.
"Sama ka mamaya sa bahay. May pasalubong sayo si Mommy." Biglang sabi niya sakin. Nagulat naman ako atsaka napatingin sa kaniya.
"UMUWI NA SIYA?" Pasigaw na tanong ko. Nagulat ako at the same time masayang masaya. Close kasi kami ni Tita Len. Para ko narin siyang pangalawang nanay. Madalas akong pumunta sa kanila nung nandito pa siya sa Pilipinas. Pinagluluto niya ako ng specialty niyang lasagna. Masarap siyang magluto atsaka mag bake ng mga cupcakes and cakes pero ang pinakagusto kong niluluto niya ay yung lasagna talaga. Pero naging bihira narin ang pagpunta ko sa kanila ng umalis si Tita papuntang America. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan, ang sinabi lang kasi ni Lance nagkaroon ng pag-aaway si Tito at Tita na nag cause ng pag-alis ni Tita sa bansa ng isang taon.
"Oo. Kaya nga ako nalate kasi napasarap yung kuwentuhan kagabi." Sabi niya habang may kinakalkal sa bag niya.
"Ah ganon ba? Oo nga pala, kamusta na sila ni Tito?" Tanong ko. Mabilis naman niyang inayos ang pagkakasuot sa bag niya nang makuha ang kinukuha niya. Maliit siyang box na kulay brown. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman mabasa ang nakasulat doon.
"Okay naman na. I guess? Eh kasi mukha namang ayos na sila eh. Normal lang na parang mag-asawa talaga yung kilos nila. Oh,"
Abot niya sa akin nung maliit na brown na box."Ano to?" Tanong ko sa kaniya. Binasa ko naman ang nakasulat at doon ko na realize na isa itong chocolate na parang candy kasi maliliit tulad ng candy. Parang MNM ganon. Gets niyo?
"Chocolate." Nakita ko nga eh.
"Thank you!" Nakangiting sabi ko habang iwinawagayway sa harap niya ang box ng chocolate na 'yon.
"Maraming dala si Mommy na ganiyan kaso nagustuhan nung kambal kaya naubos agad. Pinag-awayan pa nga nila eh."
Natawa naman ako sa kuwento niya pati narin sa ekspresiyon ng mukha niya. Mukha kasi siya baliw na nakatulala habang naglalakad at may inaalalang nakakatawa. Kahit kailan din naman yung kambal na 'yon. Isang childish at isang maarte. Gulo lagi pag nag-aaway yung dalawang 'yon. Tsk tsk tsk.
"Andito na yung room niyo. Mauna na ako, kita nalang tayo don sa parking lot. Antayin mo nalang ako sa kotse ko."
"Wala akong susi."
"Edi sa labas ka mag-antay. Problema ba 'yon? Masyado kang abusado ah." Pang-aasar niya. Binatukan ko naman siya. Siya naman ay tumatawang hinihimas ang ulo.
"Siraulo ka talaga! Umalis ka na nga." Sigaw ko sa kaniya. Tatawa tawa naman siyang umalis habang kumakaway.
Baliw!

BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"