Kyle's PovKanina pa siya nakatitig sa akin habang nakapangalumbaba pa. Nandoon siya sa kama niya habang ako ay nandito sa sofa sa kwarto niya. Pagkatapos niyang magsisisigaw kanina ay naisipan niya akong yayain dito sa kwarto niya para daw magtanong. Sinabi niya pang wag daw akong gagawa ng masama dahil patay daw ako sakaniya. Tss. Parang tanga!
Naiinis nako sa ginagawang pagtitig niya sakin. Mukha siyang tanga sa pwesto niya habang tutok na tutok sakin. Nakakunot pa ng bahagya ang mga kilay niya at gumagalaw galaw ang labi na animong may ibinubulong na siya lang ang nakakarinig.
"What are you doing?" takang tanong ko sa kaniya. Mukha naman siyang nagulat dahil bahagya pang nanlaki ang kaniyang mga mata at napaayos ng upo.
"Ahh wala."
"Then why are you staring at me? Atsaka anong ibinubulong bulong mo diyan?"
"H-huh? Wala nga!"
"Okay." Nasabi ko nalang.
Walang kwentang kausap, Masyadong maingay, Parang tanga, ano bang pwedeng itawag sa tulad niya? Ah, I know. Isa siyang abnormal na wierdong babae!
"P-patay kana ba?" Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa tanong niya.
"No." Sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang parang nakahinga ng maluwag.
"Pero bakit ganyan ka?" Maya maya'y tanong niya.
"Anong ganyan?" Takang tanong ko sa kaniya. Tinignan ko pa kunwari ang sarili ko atsaka kunot noong tumingin sa kaniya. "Why? What's wrong with me?"
"Hindi 'yon." Iling iling pang sabi niya. "I mean kung hindi ka pa patay bakit ganiyan ka? Bakit multo ka? Ghost? Espiritu? Diablo? o kung ano mang tawag sayo? H-hehe."
Tawa niya bigla ng makitang masama ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ako diablo! Stupid, tss."
"O-oo nga hehe. I was just joking y-you know?" Sabi niya pa habang naka peace sign.
Inirapan ko lang siya atsaka isinandal ang likod ko sa sofa niya. "Hindi pa ako patay dahil nung magising ako na kaluluwa nalang ay nakita ko pa ang katawan ko sa ospital. Ilang araw din 'yon. Kung patay nako edi sana nung kaaalis ko palang sa katawan ko ay namatay nako."
Mukha namang na gets niya ang sinasabi ko dahil may patango tango pa siyang nalalaman. Ilang sandali lang ay nakatulala nanaman siya sa kung saan at animo'y may malalim na iniisip. Maya maya lang ay bigla nanamang gumalaw ang kaniyang bibig na parang may sinasabi bahagya pang kumunot ang noo hanggang sa parang may naisip na magandang ideya dahil sa biglang pagliliwanag ng mukha niya. Nagulat pa ako ng bigla siyang tumayo sa kama niya at dumiretso sa study table niya atsaka doon nagkalkal sa bag niya. Nang makuha niya ang cellphone ay agad siya patalon na bumalik sa kanina niyang pwesto. Kumuha pa siya ng unan atsaka ito inilagay sa lap niya at doon nag cellphone.
A-ano bang ginagawa ng babaeng 'to?
Edrielle Pov
Busy akong nagtitingin sa page ng STA kung may bago na bang balita kay Kyle. Naniniwala ako sa sinabi niya kanina pero may part parin sa akin na gustong makasigurado kung totoo nga ba lahat ng sinabi niya. Malay ko ba kung patay na talaga siya at pinagtitripan niya lang ako dahil gusto niya kong takutin?
Bukod sa last na post about sa kaniya ay wala naman ng iba pang post doon na sinasabing patay na nga siya. Pagkatapos magscroll ng magscroll ay napag pasiyahan ko naring tumigil na dahil wala rin naman akong makitang bago. Ng akmang io-off ko na ang phone ko ay nakaramdaman akong parang may nakatitig sa akin. Inosente ko pang inangat ang paningin ko para lang masilayan ang isang napaka gwapong lalaking naka upo sa sofa, magka-cross ang mga braso at nakapandekwatrong babae habang nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Napamaang pako ng bahagya dahil sa gulat. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at bukod don ay napakabilis din nito. Pakiramdam ko ay gusto nitong kumawala sa dibdib ko. Naiiwas ko naman ang tingin ko sa kaniya at napatingin nalang sa nanginginig kong kamay sa kaba. Pinagpapawisan din ako ng hard. Ilang sandali lang ay napagpasiyahan kong kumuha ng lakas ng loob na muling tumingin sa kaniya at tanungin siya.
"A-anong tinitingin tingin m-mo d-diyan?" Utal ko pang tanong sa kaniya. Napanguso naman siya ta iniwas ang tingin sakin pero agad din namang binalik.
ANG CUTE NIYA! YIEEEEE! *^▁^*
"I was just thinking what you're doing." Seryosong sagot niya sa tanong ko.
"Ah ano wala 'yon. Nakalimutan ko lang na ano... mag r-reply kay M-mama." Pilit na ngiti kong ani sa kaniya. Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang may malalim na iniisip. Ang gwapo gwapo niyang pagmasdan sa hitsura niyang 'yon. Kahit ata titigan ko siya magdamag ay hindi ako magsasawa. Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa para paibigin ang magandang mortal na tulad ko. Hehe.
Napa seryoso naman ako bigla ng makita ko ang biglang paglamlam ng mukha niya. Wala kang mababasang emosyon sa mukha niya pero hindi kayang magsinungaling ng mga mata niya. Makikita mo kasi sa mga mata niya ang lungkot na tinatago niya.
Ano kayang iniisip niya? Nalulungkot kaya siya dahil sa sitwasyon niya? Siguradong miss na miss niya na ang family niya.
Marami akong tanong sa isip ko pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin parin sa kaniya. Kung may magagawa lang ako para mawala ang lungkot na nararamdaman mo ay ginawa ko na.
Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin. Nagugulat akong nag-isip ng itatanong sa kaniya para hindi mahalata ang pagtitig na ginawa ko sa kaniya.
"Paano ka nacomatose? Eh diba binaril ka? Pwede pala 'yon?"
"Mm, ewan? Pero ang narinig ko sa mga nurse at doktor nung nasa ospital ako ay dahil daw sa pagkakabagsak ko nung nabaril ako. Tumama daw yung ulo ko sa bato na nag cause ng major head injury." Mahabang paliwanag niya. Tumango tango naman ako sa kaniya atsaka nag-isip ng panibagong itatanong.
"Eh bakit ka nga pala binaril ng mga lalaking 'yon?" Wala na akong ibang maisip na itatanong pa sa kaniya kaya ayan na lang. Sabagay gusto ko ring malaman ang dahilan.
"Dahil sayo." Sabi niya habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Dahil sakin?" Turo ko sa sarili ko. "B-bakit dahil sakin? Ano bang ginawa ko?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Naalala mo nung araw na mabaril ako? Bago pa ako makapunta sa eskinita na 'yon ay alam ko ng may sumusunod sakin. Akala ko nung una nagkakamali lang ako pero nung hanggang doon sa eskinitang 'yon ay ramdam kong sinusundan parin ako ng taong 'yon ay nagtaka na ako. Habang kausap ko yung dalawang lalaking 'yon ay pasimple akong tumingin sayo at nakita kong ikaw nga yung sumusunod sakin. Nakita rin kitang bahagyang napahinto at nagtago sa may yero." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at tumingin sakin.
"Akala ko ba sabi mo nabaril ka dahil sakin?" Tanong ko ng makitang nakatingin lang siya sakin.
"Akmang tatayo ka non pero dahil tatanga tanga ka nga ay nasagi mo yung yero. Narinig ng mga kasama ko yung ingay na 'yon at balak sana nilang puntahan iyong pwesto mo kung hindi ko lang sila pinigilan. Para pigilan sila sinabi ko sa kanila yung plano ko na tumawag na ako ng mga pulis para ipahuli sila. Nagalit sila sakin at nung marinig ang tunog ng sasakyan ng pulis biga nalang nila akong binaril. Sinira mo yung plano ko tss."
Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Kung ganon talagang dahil saakin kaya siya nabaril. Nakakahiya na dahil sa akin ay muntik na siyang mamatay. Gusto kong mag sorry pero parang walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nasimot niya masyado ang kakapalan ng mukha ko. Walang natira kundi hiya at guilt.
~T_T~
BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasíaAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"