"Kamusta naman ang pag-aaral niyo?" Tanong ni mama habang kumakain kami.
"Ayos naman po." Sagot ni Jd kay mama.
"Oh eh ikaw? Parang lagi ka ng late umuuwi ngayon ah?" muntik naman akong mabilaukan sa tanong na iyon ni mama. Mabilis kong kinuha ang baso at uminom. "Ehem!" Ubo ko pa.
"Oh ayos kalang?"
"O-opo. Hehehehe."
"Oh eh kamusta ka nga?"
"O-okay lang naman po. Maayos naman ang pag-aaral ko. M-maraming p-projects kaya medyo nale-late ako ng u-uwi." Nauutal kong sagot kay mama.
Tumango tango naman siya at saka nagtuloy na sa pagkain. Ipinagpatuloy ko nalang din ang pagkain. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko lang si mama sa pagliligpit atsaka dumiretso narin sa kwarto ko.
Bago matulog ay nag check muna ako ng social media accounts ko. Nagulat pa ako ng makita ko ang karamihan sa school mates ko na may post about sa nangyari kay Kyle. Kalat na pala sa school ang nangyari sa kaniya, sabagay sikat nga pala siya. Nag visit naman ako sa page ng school namin.
"Saint Thomas Academy."
Banggit ko pa habang tinatype iyon.
Kalat narin sa page ng STA ang nangyari kay Kyle at ayon dito wala parin daw lead kung sino ang may pakana non. Hindi rin nila kilala kung sino ang nakakita sa kaniya at tumulong at ako iyon.
Mabuti naman. Wala talaga akong balak ipaalam sa iba na ako ang nakakita sa kaniya.
Pagkatapos mag tingin ng mga post about sa kaniya ay natulog na din ako.
KINABUKASAN!
"Haaayyy!" Hikab ko. "GOOD MORNING WORLDDDDDD!" sigaw ko pagkatapos uminom ng tubig
Binuksan ko ang player ko atsaka nagsimulang kumilos. Sumasabay pa ako sa kanta habang naliligo. Masyadong malakas ang sound kaya kahit dito sa banyo ay umaabot ang sound ng player ko.
"You took a hammer to these walls,
Dragged the memories down the hall,
Packed your bags and walked away.
There was nothing I could say.
And when you slammed the front door shut,
A lot of others opened up,
So did my eyes so I could see
That you never were the best for me.🎶🎶
Well, I never saw it coming.
I should've started running
A long, long time ago.
And I never thought I'd doubt you,
I'm better off without you
More than you, more than you know.
I'm slowly getting closure.
I guess it's really over.
I'm finally getting better.
And now I'm picking up the pieces.
I'm spending all of these years
Putting my heart back together.
'Cause the day I thought I'd never get through,
I got over you.🎶" malakas pang pagkanta ko.Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis atsaka bumaba. Pagka bukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng pinto ni Jd. Kunot ang noo niya at mahahalata mo sa mukha niyang wala siya sa mood.
"Hello bro!" Malakas na bati ko sa kaniya. Inis naman siyang tumingin sakin atsaka ako siniringan. Luh! Anyare don?
"Hoy! Okay ka lang?" Habol ko sakaniya na pababa na ng hagdan. Kinalabit ko pa siya pero hindi man lang tumingin sakin. "Oy!" Tawag ko ulit.
"Ano ka ba! Ang kulit mo! Pwede bang wag kang maingay?" Sigaw niya din naman sakin.
"Eh?"
"Tss. Ang lakas ng sound mo! Pati sa kwarto ko umaabot. Nakakabulabog ka! Alam mo ba iyon? Tsk." Parang matanda ng sigaw niya. Nakakatakot naman ito!
"S-sorry." Nakangusong sabi ko sa kaniya.
"Tsk."
Nakanguso lang tuloy ako hanggang makababa kami. Grabe! Dinaig niya pa ako. Parang siya pa ang mas matanda sakin. Tss.
Hanggang balikat ko lang si Jd. Ako man ay hindi masyadong matangkad at hindi rin naman masyadong maliit, tama lang ang height ko. Siya naman ay grade 6 palang pero matangkad na. Malapit niya na nga akong maabutan eh. Baka kapag ng first year high school to eh mas matangkad na sakin.
"Ano ba yung naririnig kong sigawan diyan ha?" Tanong ni mama nang makababa kami at makaupo na.
"Si Jd ma eh." Sumbong ko kay mama habang mahaba parin ang ngusong nakatingin sa kapatid ko. "Oh ano naman yang kapatid mo?"
"Nag good morning lang ako, sinigawan niya nako!" Sumbong ko ulit.
"Anong? Hah! Paano ba naman eh ang aga aga ang ingay mo! Nakakabulabog ka ng kapit bahay!" Sigaw niya ulit sakin.
"Tamo tamo! Ma oh!" Turo ko pa kay Jd habang nanlalaki ang mata.
"Ano ba kayo! Wag nga kayong mag sigawan sa harap ng pagkain. Kung gusto niyo doon kayo sa labas mag sigawan! Meron ding walis tingting doon baka gusto niyo ring mag hampasan?" Sarkastikong saway samin ni mama.
Natahimik naman kaming dalawa ni Jd at napayuko nalang. "Kayo nalang ang magkapatid eh nag-aaway pa kayo? Hay nako jusko! Bat ba kasi di pako nasanay eh."
Pasimple ko namang sinilip si Jd habang nakayuko. Nakanguso na siya pero kunot parin ang noo. Pagkatapos niya ay si mama naman ang sinilip ko. Naka cross ang braso niya at seryosong nakatingin samin kaya mabilis ko ring inalis ang tingin ko sa kaniya. "Hala sige at kumain na kayo!"
"O-opo." Sabay naming sagot ni Jd.
Habang kumakain biglang may sumipa sa paa ko. Gulat naman akong napatingin kay mama at maayos at tahimik naman siyang kumakain kaya si Jd naman ang tingnan ko. Naka ngisi siya sakin at may nang-aasar na mukha.
"Parayaw." Sabi ko sakaniya ng walang boses. Pero ang tukmol dilaan lang ba naman ako. Bwisit
Pagkatapos kumain ay hinatid na kami ni Mama. Nauna si Jd kasi iba naman ang school niya sa school ko. Pagkababa ni Jd ay binilinan lang siya ni Mama then umalis narin kami. Tahimik parin kami ni Mama hanggang makarating sa school. Pagkababa ko ng kotse ay umikot ako sa kabila saka kinatok ang binatana ni Mama.
"Hmm?" Si mama habang nagtatakang nakatingin sakin.
"Ma, sorry kanina ah? Alam mo namang ganon na talaga kami ni Jd eh."
"I understand anak. Hindi ko lang maiwasan na magalit kasi syempre ayaw ko namang nakikita kayong dalawa na nagsisigawan. Dalawa na nga lang kayo eh." Mahabang sagot ni Mama.
"Sorry po ulit." Nakanguso kong paghingi ulit ng sorry.
"Forgiven." Nakangiting sabi ni Mama. Napangiti naman ako atsaka humalik sa pisngi niya. Nagpaalam narin akong papasok na.
"Bye Ma! Ingat." Kaway kaway ko pa habang inaantay na makaalis si Mama.
"HOY!"
Napatalon naman ako sa gulat ng bigla kong maramdamang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Lance na tawa ng tawa. Mabilis akong lumapit sa kaniya atsaka siya pinalo ng pinalo sa balikat. Yung malakas, SOBRANG LAKAS!
"BWISET KA! LECHE! HAYOP! ULOL!" Sigaw ko pa sakaniya.
"A-aray! Aray! Awts! A-ano b-ba tama na! Ano ba oy!"
"Bwisit ka! Muntik nakong atakihin sa puso dahil sayo!"
"S-sorry na oy! Niloloko ka lang eh." Niloloko? Ulol mo!
"Ay ewan!"
"Oy!"
"Bahala ka sa buhay mo! BULOL!" Sigaw ko atsaka siya iniwan at naunang pumasok sa loob ng school.
BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
FantasyAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"