Kabanata 12

1 0 0
                                    


                 Edrielle's Pov

Tanghali na ng magising ako. Pikit pa ang mata ng bumangon ako atsaka dumiretso sa banyo para maligo. Sabado ngayon kaya okay lang kahit na tanghaliin ako ng gising. Nang umalis si Kyle kagabi ay umakyat narin ako sa kwarto ko para magpahinga. Hindi ko na naantay si Mama kaya hindi ko alam kung anong oras na siyang nakauwi. Tatanungin ko nalang siguro kay Jd mamaya.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at nagsuot lang ng t-shirt atsaka hindi kaikliang short. Sinuklayan ko muna ang buhok ko at inayos na rin ang sarili bago tuluyang bumaba. Nasa hagdan palang ako ay dinig ko na agad ang malakas na tv. Paniguradong si Jd ang nanonood.

"Anong oras umuwi si Mama?" Tanong ko ng tuluyang makababa at mabungaran siya na prenteng nakaupo sa sofa. Nakapatong pa ang paa niya sa mababang lamesa na nasa harap niya. Naalala ko tuloy si Kyle kagabi.

"Mga 8:30. Kinatok ka niya sa kwarto mo kagabi pero tulog ka na ata."

"Ah. Kumain ka na?"

"Yah. Nagluto si Mama bago umalis. Tignan mo nalang sa kusina."

Tumango lang ako sa kaniya atsaka dumiretso sa kusina. Alas dies narin kaya siguro ginugutom na ako. Kumuha ako ng malinis na palato at saka sinandukan ng pagkain. Habang kumakain ako ay bigla nalang akong may narinig na nagdo-doorbell.

"Jd? Tignan mo nga kung sino 'yon." Sigaw ko sa nanonood kong kapatid.

"Wait! I'm watching." Sigaw din niya sa akin. Ilang saglit pa ay mas malakas at sunod sunod na doorbell na ang narinig ko.

"JEYDEEEEEE!" Malakas na sigaw ko sa kapatid.

"OKAY! Okay, sandali heto na nga eh!"

Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto senyales na binuksa niya na ito. "Sinong nandiyan?"

"Si kuya Lance!" Pagkabanggit niya ng pangalang 'yon ay napatingin din ako sa may sala at doon bumungad sakin ang mukha ng bestfriend ko. Malaki ang ngiti niya habang kumakaway kaway pa.

"Hai!"

"Anong ginagawa mo dito? Sabado ah." Inis na tanong ko sa kaniya.

"Masama? Sabi ko naman sayo kahapon 'see you tomorrow' .diba? Ibig sabihin magkikita pa tayo. Hehe."

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?" Tanong ko sa kaniya ng malunok ang huling sinubo ko.

"Hindi naman. Napagtiyatiyagaan ko naman eh. HAHAHA!"

"Tss. Ako kasi sawang sawa na sa mukha mo. Lumayas ka na nga dito!" Sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagtayo ko para hugasan ang kinainan. Lumapit naman siya sa akin at saka sumandal sa lababo. Bale magkaharapan kami ngayon. Habang ako ay naghuhugas siya naman ay nakahalukipkip.

"Ang sama mo talagang kaibigan ano? Wag kang mag-alala may purpose yung pagpunta ko dito." Asar na sabi niya sakin.

Nang matapos maghugas ay pumunta ako sa harap ng ref para kumuha ng maiinom. "Ano naman 'yon aber?" Tanong ko matapos uminom.

"Nakalimutan kasi ni Mommy ipa bigay yung pasalubong ni Jd sayo kahapon kaya inutusan niya akong dalhin yan dito." Turo niya sa isang malaking paper bag na hindi ko namalayang dala niya pala.

"Edi ibigay mo na. Pagkatapos ay umalis ka na dahil magpapahinga ako ngayong buong araw na ito. Ayaw ko ng stress!" Sabi ko sa kaniya ng may nanlalaking mata. Gulat naman siyang tumingin sa mukha ko na animong nakakita ng isang multo.

"O-oo. Sandali ito na oh." Nauutal na sabi niya at kuha niya sa paper bag ng ambahan ko siya. "Grabe talaga. Kababaeng tao kung mang-amba akala mo..." mahinang daldal niya pa.

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon