Kabanata 14

3 0 0
                                    


               Edrielle's Pov

Hindi ko mapigilang mapasimangot habang masamang nakatingin sa kaniya. Kanina pa kami dito sa labas, halos magli-limang oras na simula ng dumating kami dito. Nasa labas lang kami sa loob ng limang oras kaya nilalamok na ako. Tulad nung mga nakaraang araw kahit na alas tres palang ay para ng alasingko. Medyo madilim na ang kalangitan pero may liwanag pa rin naman sapat na para masabing hindi pa gabi at hapon pa lang. Mabilis kong hinampas ang braso kong dinapuan ng lamok. Nang hindi ko ito napatay ay inis nalang ulit akong bumaling sa kasama.

"Kyle? Hindi pa ba tayo uuwi? Anong oras na oh? At saka lahat naman na ng lumabas at pumasok diyan sa building na yan eh sinasabi mong hindi mo kilala. Limang oras na tayo dito pero hindi mo pa rin nakikita yung dalawang lalaking hinahanap natin." Mahaba kong sabi. Walang tao dito kaya okay lang kahit na ibuka ko ng malaki ang bibig ko.

"Tsk. Just wait okay?" Inis ding sagot niya.

Wala akong magawa kundi kamutin ang ulo dahil sa frustration at saka sipain ang mga batong nakikita ko. Pagkarating palang namin kanina dito ay sinimulan na agad naming tignan isa-isa ang mga taong punapasok at lumalabas sa building na yan para hanapin at kumpirmahin ang mga taong gumawa sa kaniya nan at hanggang ngayon wala pa ni isa sa mga taong 'yon ang tinutukoy niya. Naiinis na ako dahil bukod sa nilalamok na ako masakit na rin ang paa ko dahil buong oras kaming nakatayo. Kanina dapat papasok ako pero pinigilan niya ako dahil masyado daw akong mahahalata kung papasok ako at maghihintay lang naman ng ilang oras sa taong hindi ko naman alam kung nandiyan ba.

"Wala ka bang picture nung taong 'yon? O kaya inprmasyon na nakalap bukod sa pangalan niya. Mas makakatulong sa atin 'yon kesang ganito na nag-aantay tayo sa wala. Tapos kung makita man natin anong gagawin ko? Tatawagin ko? Kakausapin ko? Tapos sasabibin ko siya ang nagtangkang pumatay kay Kyle Ledesma? Ganon ba? Paano kung ako naman ang balikan nug mga 'yon?" mahabang daldal ko pero hindi siya sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa entrance at madilim ang mga matang nakatingin sa bawat taong nandoon.

"Hoy!" Pagpapapansin ko sa harap niya. Kunot ang noo at asar ang mukha niya ng lingunin ako.

"What?" Taas kilay at masungit na tanong niya.

"Ang sabi ko may iba ka pa bang impormasyon bukod sa pangalan? At saka kako kung may picture ka ba." Malaki ang buka ng bibig ko at sinadya ko pang linawan ng mabuti ang pananalita para maintidahan niya.

"I dont have any of that. Just his name."

"Paano 'yon? Dapat nung naghanap ka ng inpormasyon tungkol sa taong 'yon nilahat mo na! Hindi yung pangalan lang ang kinuha mo. Impornasyon ba 'yon? Shunga din neto eh." Natutop ko ang labi ko ng bigyan niya ako ng masamang tingin dahil sa sinabi ko.

"Tss wag mo akong itulad sayo. Hindi ako tulad mong tanga." Mahina pero dinig kong sabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.

Bwisit na lalaking to? Ako na ang napipirwisyo ako pa ang tanga? Tapos siya pa galit? ULOL KA! ULOLLLLL!

"Hoy ginoong Ledesma! Kung makapagsita ka naman akala mo perpek ka! Gwapo ka oo pero hindi ka perpek! Minsan tanga ka din dapat!" Sigaw ko sa kaniya. Ngumisi naman siya at hindi pa rin ako tinignan.

"Alam kong gwapo ako. You don't need to say that." Ngumisi ulit siya ng nakakaloko at saka tumingin na sa akin. Napanganga naman ako at pinamulahan ng mukha. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko hanggang leeg.

"S-sinabi ko ba 'yon? Wala ako sinabing ganon! Kung meron man joke lang! Di pwedeng mag joke?"

Imbes na sagutin ay binigyan niya lang ako ng nakakalokong tingin at nakakabwisit na ngiti. Dahil sa ginagawa niya pakiramdam ko mas lalo akong napapahiya.

Im With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon