Kyle's PovNandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko dito sa ospital. Nakatingin sa katawan ko na nakaratay sa hospital bed habang ang Mommy ko ay walang tigil sa pag-iyak. Tahimik siyang umiiyak at humihikbi at masakit para saakin na makitang magkaganon ang Mommy ko dahil sa akin. Dahil sa nakikita ko mas lalo kong gustong makabalik sa katawan ko but the bad thing is hindi ko alam kung paano..... at kung makakabalik pa ba ako.
"Son... please, wake up. Anak please?" Hikbing sabi ni Mom.
Mom... please don't cry
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa atsaka lumapit kay Mommy. I kiss her forehead and then leave. Hindi ko kayang makitang umiyak ang Mommy ko. I love her so much that see her hurting and crying makes me hurt and cry more.
"I'm sorry Mom. I cant do something to make you stop crying." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa pinto ng kwartong 'yon. Pinahid ko ang luhang pumatak sa mata ko atsaka umalis.
Balak kong puntahan si Julian pero naalala ko na wala nga pala siya dito sa bansa. I miss her so much. I want to see her, I want to see my baby. Its been a months since I saw her at hindi ko na alam kung anong hitsura niya. Kung may bago ba o ganon parin sa dati. Kahit ano namang mukha niya magamda parin siya.
Hindi niya ba nabalitaan yung nangyari saakin? I know her, kapag nalaman niya itong nangyari sa akin uuwi agad siya para puntahan ako.
Habang naglalakad ako papalabas ng ospital hindi nakatakas sa paningin ko ang orasan. Alas kwatro na ng hapon. Paniguradong uwian na nila Edrielle. Siguradong nagtataka na 'yon kung bakit ako biglang nawala. Umalis ako doon sa kanila kasi hindi naman ako pwedeng magpalipas ng gabi doon. Saan naman ako matutulog diba? Tatlo lang ang kwarto nila at tig-iisa pa sila. Hindi pwedeng kay Edrielle dahil awkward naman kung doon ako matutulog. Hindi naman pwedeng sa kapatid niya at mas lalong hindi pwede sa Mommy niya. For god's sake!
Mabilis akong umalis sa ospital na iyon atsaka nakisabay sa isang taxi na nakita ko. Hindi ko alam kung saan to pupunta pero laking pasasalamat ko nang huminto ito sa isang bahay na malapit lang sa school namin. Mabilis akong bumaba ng taxi atsaka bahagya pang kumaway sa sakay na pasaherong lalaki habang tumatawa. Natatawa ako sa kaniya dahil sa buong biyahe namin nakayakap siya sa sarili at pasimpleng inililinga ang mata sa tabi. Halata sa mukha niyang natatakot siya. Paano ba naman kasi walang aircon sa loob ng taxing 'yon at kulob pa kaya hindi makakapasok ang hangin na nanggagaling sa labas. Tatawa tawa parin akong naglakad hanggang makarating ng Campus. Nasa may bandang parking lot ako ng mapansin kong nagsisilabasan na ang mga estudyante. Ang iba ay dumidiretso na sa kanilang sasakyan habang ang iba naman ay mapagpasensiyang nag-aabang nang dadaang pwedeng masakyan tulad ng taxi o jeep.
Tutuloy na sana ako sa loob ng Campus ng mahagip ng mata ko si Edrielle na nakasandal sa isang kotse. Nakasimangot siya at hinahampas hampas pa ng bahagya ang braso at binti na parang nag-papatay ng lamok. Pagkatapos non ay ipag ku-krus niya ang mga braso niya at muling sisimangot ng sobra. May sinasabi pa siya sa sarili na siya lang ang nakakaintindi. Ano nanaman bang nangyayari sa taong to? Nababaliw nanaman siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Inilinga ko pa sa paligid ang paningin ko at nakita kong wala ng masyadong taong dumadaan. Sa gilid ako galing kaya nakatagilid siya saakin at hindi nakikita maliban na lamang kung ako mismo ay gagawa ng paraan para makita niya.
"Nakakainis talaga! Buwisit na lalaking 'yon?" Gigil na sabi niya habang ipinapadyak pa ang isang paa sa lupa. Kunot na kunot ang noo niya habang salubong na salubong ang mga kilay. Imbes na matakot ka sa mukha niya mas matatawa ka pa. Mukha siyang galit na monkey. Tss.
"Ang tagal tagal pa! Ughhh! Leche kang unggoy ka!"
Sino bang tinutukoy nito? Hindi kaya ako?
"Hey! Are you okay?" Biglang sabat ko sa pag-sasalita niya.
"Ay kabayong palaka!" Gulat naman siyang napahawak sa dibdib niya atsaka may nanlalaking matang tumingin saakin. She looks stupid.
"What?" Tanong ko sakaniya. Nagtataka sa sinabi niya.
"W-wala 'yon. Ano kaba bakit bigla ka nalang sumusulpot diyan?" Mahinang tanong niya saakin. Nag-iingat na baka may makarinig sa kaniya at mapagkamalan pa siyang baliw. Well she's weird actually.
"Tss. It's your dismissal right?"
"Oo. Eh ano naman... T-teka! S-sinusundo m-mo ba ako?" Utal na tanong niya.
Assuming amp!
"No! Why will I do that?" Bigla namang bumagsak ang balikat niya atsaka parang nawalan ng pag-asa ang mukha.
Ano ba talagang nangyayari dito sa taong 'to? Is she that weird? God! Masyado akong pinag-iisip ng taong ito.
"Aish! Wala! Bwiset."
"Hey? Are you sure you're okay?"
"Oo!"
"Oy! Bakit ka sumisigaw mag-isa diyan? Nababaliw kana ba?"
Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating at sumingit ang kaibigan niya.
"Wala kang pakealam! Yun ang trip ko. Bwisit ka ang tagal mo akong pinag-antay dito tapos mag-tatanong ka kung nababaliw na ba ako? Sino bang hindi mababaliw dito? Siraulo ka!" Masakit sa tengang sigaw ni Edrielle. Wtf? Kababaeng tao eh.
"Ala! Oo nga pala. Sorryyyyy! May tinapos kaming report kaya kami late pinalabas eh." Malakas ding sigaw ng lalaking to. What his name again? tsk.
Bagay silang mag-kaibigan. Parehas silang parang microphone sa lakas ng boses. Mga baliw!
"Oo na! Pasakayin mo na ako dahil kanina pa ako inuubos ng lamok dito."
"Oo sandale." Mabilis na sagot niya kay Edrielle atsaka nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Tumingin naman siya sa akin atsaka nagsalita ng mahinang mahina pero dinig ko parin.
"Sakay na! Sa likod ka, hmp." Masungit na sabi niya sa akin. Mukhang tanga.
"Okay." Mahinahong sagot ko nalang. Mahirap makipag-usap dito dahil masyadong masigaw. Kung maasar ako sa kaniya masisigawan ko lang siya at kapag nangyari 'yon ay hindi siya magpapatalo at sisigaw din siya, baka mapagkamalan pa siyang baliw ng mga nakakakita sa kaniya kahit na totoo naman talagang baliw siya.
Sa likod ako ng kotse naupo dahil sa harap silang dalawa. Nakatingin lang ako sa labas habang silang dalawa ay maingay na nagkukuwentuhan ng mga nangyari sa kanila sa araw na ito. Tahimik lang ako sa pwesto ko habang nag-iisip.
Bakit kaya si Edrielle lang ang nakakakita sa akin? Bakit hindi ako nakikita ni Mommy? Ng family ni Edrielle? O kahit yang kaibigan niya na Lance pala ang pangalan. Bakit kaya siya lang? Hindi kaya may dahilan lahat ng ito? Aish!
Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang frustrated. Naiinis ako dahil hindi ko alam ang mga sagot sa lahat ng tanong ko. Padabog akong sumandal atsaka nag krus ng braso. Kita ko namang biglang napasilip sa akin si Edrielle. Nakakunot ang noo niya na parang nagtatanong kung anong nangyayari sa akin dito sa likod.
"What?" Asar na tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya atsaka humarap na ulit sa harapan.
"Oy! Anong sinisilip mo sa likod?" Tanong ng kaibigan niyang si Lance.
"Wala. Akala ko nandoon yung bag ko eh, hawak ko pala." Tinaas niya pa ang hawak na bag atsaka ulit iyon binaba.
"O..kay," nagtataka paring sagot ni Lance.
Tanga. Magdadahilan nalang yung walang kakwenta-kwentang dahilan pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/137702195-288-k915948.jpg)
BINABASA MO ANG
Im With The Ghost
ФэнтезиAakalain mo ba na yung lalaking gustong gusto ko ay bigla ko nalang maging boyfriend? At hindi lang yon! Kasi hindi siya tao... Kundi isang MULTO! "I'M WITH THE GHOST (ON-GOING) 2019"